Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Thursday, August 03, 2006

    Tan Tan Tanan

    Akala ko talaga na hindi na ako makakakuha ng prelims dahil wala ako pambayad, naisip ko pa nga humawak sa patalim at mag kolboy nalamang, pero kanina pinagtripan lang pala ako ni Ermats para matuto ako na kailangan maging VIGILANT sa mga bagay lalo na't kolehiyo na ako. Maikli lang itong post na ito dahil nagmamadali ako, marami pa ako aasikasuhin sa eskwela para bukas.

    "Thursday" nanaman ngayun, big sabihin masusunog nanaman ako sa init ng araw dahil nga "SWIMMING" ang aking P.E. Masarap magswimming, nakakarelax, pero kanina nangangatog na talaga ako dahil sobrang lamig ng tubig, sabay init ng araw. Kung makikita ninyo ako, muka akong nognog. Lumbalumba. Haay, pero ayus lang, sabi kasi nila na "uso" naman ang maitim ngayun. Kung makikita ninyo ang aking "Tan Line" magugulat kayo, parang "Yin Yang" Nag piktyur-piktyur nga ako kanina eh, at pinikturan ko ito, pero baka naman sabihin ninyo na nagbebenta na talaga ako ng laman, lilinawin ko lang na ito ay "for educational purposes only" ... hindi ko nalang ipopost dahil madami din naman tayong taga subaybay na "underage"

    Bakit kaya ganuon, sabi nila maitim daw ang uso ngayun, o nagkakaruon nanaman siguro ng "colonial mentallity" ang ating bansa. Para talaga saakin, mas maganda ang maputi... muka kasi malinis at bata, pero hindi ko naman sinasabing madumi kapag maitim, ganuon lang talaga ang aking nakasanayan. Sa Pilipinas, mas magaganda daw ang mapuputi, isa itong "colonial mentallity" dahil nagsimula ito ng sakupin tayo ng mga Kastila, mapuputi kasi sila. Ngayun naman, uso ang magpatann... tayo namang mga Pinoy, sunod sunod sa uso... isa nanamang "Colonial mentallity" nauuso na kasi ngayun ang mga maiitim na artista lalo na sila "J-lo" at "Beyonce"... pati nga mga kano, gusto din umitim. Ngayun ang tanong ko lang, ano ba talaga ang magandang kulay? Kasi naman eh nalilito na ako, si Coco Channel kasi eh, pinauso pa ang pagpapatann! ayan tuloy... Hindi na nga natin tinatangkilik ang ating kulay... Ang maitim, nagpapaputi, ang maputi, nagpapaitim...

    Pinanganak akong mapusyaw ang kulay, kayumanggi. Kapag nalalapatan ako ng "flash" ng kamera, pumuputi ako, pero maitim ako sa personal... Napaka "racist" man ang topic ng kulay, pero sana irespeto natin ang ibinigay ng Panginoon, kaya kayo diyan itapon niyo na ang Likas Papaya na tinataggo ninyo sa aparador niyo, kunwari ka pa! wahihihi Naasar nga pala ako sa komersyal na may tagg na "Kutis Mayaman" ... bakit? Maputi lang ba ang pwedeng yumaman? Buti nalamang at nalugi ang kumpanya ng sabon na iyon, pati nga pangalan ng sabon nila hindi ko na matandaan. Sutla ata iyon... Haay, ang gusto ko lang mangyari ngayun bumalik na ang dati kong kulay...

    9 Comments:

    Anonymous aaRoN said...

    ahaha ayan ka na naman tsktsk nagbebenta ng laman wahaha peace...

    honga noh d ko rin maalala ung sabon ahaha pero familiar... hmmm yinyang? ahaha kulit... about naman sa racism...ahaha naalala ko tuloy ung isang episode ng MADTV Classics na ang topic nung video eh racism wahaha la lang... anyways... swimming? waw buti ka pa marunong lumangoy. ahaha cooL... well sa totoo lang ako gus2 ko pumuti wahaha pero hindi naman ung todo puti tulad dun sa commercial ng likas papaya..nyay :D hehe

    Thursday, 03 August, 2006

     
    Blogger Jinjiruks said...

    bakit maitim kba gener.. nde naman ah.. iyan ba ang kaunting post.. ang haba.. lower lower

    Thursday, 03 August, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Ako I like white talaga. Although you cant tell from my blog. I like my white complexion at I try my best to stay that way. Parang sira ulo nga ako eh. Pag nasa dyip or sa car, sinisigurado ko na hindi madapuan ng sinag ng araw ang aking exposed na balat! LOL! At lagi akong tumatambay sa malamig. Wierd ko noh?! Pero hindi ako gumagamit ng whitening products! Naturally attained ang kaputian ko! hehehe!

    Friday, 04 August, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    HAHA... grr tsktsk benta ng laman... you keep on implying yourself... tsktsk but anyway... me... hmm I dunno if i'm white skinned... but I can say that comparing me to some pure filipion.. i'm pretty light skinned... chinese na chinese ang aking skin -__- hahaha... and yea same thing as Jigs.. i usually try to avoid the sun as much as possible... its not because I want to be "white" its because I dont wnt my skin to be ruined at magka melanoma or skin cancer... x_x

    Friday, 04 August, 2006

     
    Blogger Jinjiruks said...

    dba chinese yellow

    Friday, 04 August, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Ako, maputi talaga ako. Kahit magbabad ako sa araw, hindi ako nangigitim. Sa halip, namumula ako ng parang isang kamatis. Ewan ko kung bakit, baka nagmana ako ang pagka-tisoy ko sa tatay ko. LOL.

    Yun lang.. :P

    Friday, 04 August, 2006

     
    Blogger Donya Quixote said...

    mas gusto ko yung skin na mukhang healthy... yung di masyadong maitim, pero di naman sobrang puti. yung tamang-tama na tan lang.

    ako, maputi ako, pero di masyado. kulang lang ng konti pang kulay.

    Friday, 04 August, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    errrr... ayoko sa masyadong maputi ayoko rin naman sa maitim. ayoko rin sa gitna... gusto ko maputi pero, hindi kayumanggi.

    ahehe. wala akong masyadong mareact...

    Friday, 04 August, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    haha nagbebenta ng laman.

    :P Wala lang. ang ganda ng topic mo ha! kulay. well, wala naman sa kulay ng tao ang kagandahan ng isang tao, DIBA?

    ayun =)) sige.
    dumaan.
    http://utakgago.blogspot.com
    kumento.

    Saturday, 05 August, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Toot tot tot tot tot toot tot tot...
  • Rainy days and mondays, always makes me cry... :-(...
  • Remote Control
  • Ekshush meh!!
  • Carefree
  • Mikeni Picnic Hotdog ko
  • Tae mo, tae ko, tae nating lahat
  • Teorya ni Machiavelli
  • Binubulitas nanaman si Manny!
  • Braces produce good-looking people.
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.