Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Saturday, August 12, 2006

    Syo ang pulutan, sayo ang inuman! Hapihapihapi bertdey!

    Grabe talaga ang araw na ito, ansarap ng buhay kapag walang ginagawa. Kain, tulog, kain, tulog, ayan ang "lifestyle" ko ngayun. Nawiwili nga ako sa pagkain ng isang uri ng "crackers"... yung, Blueskies na onion flavor. Ewan ko ba, simula nang nakakain ako ng isa, hindi ko na mapigilan kumain pa uli ng isa pa. Wala nanaman ako maisip na gawin, pero alam niyo ba, kaarawan ngayun ng isa sa mga "links" ko sa aking blog. Siguro naman ay kilala niyo siya kaya ayus na hindi ko nalang sabihin. Niregaluhan ko nga siya eh, pero wag niyo na itanong ang regalo ko, pero siguro nilagay niya lang iyon sa "recycle bin"

    Napakasaya talaga kapag bertdey mo. Naalala ko tuloy ang mga nakaraang kaarawan ko, akalain mo na 17 beses palamang ako nagdidiriwang ng kaarawan. Masarap talaga, pag kaarawan, dahil ikaw ang bosing. Walang palag ang mga nasa paligid mo. Minsan nga pumasok ako sa aming paaralan na hindi kumpleto ang uniporme, walang ID, may kulay ang medyas, at kung ano ano pang kagaguhan, dahil nga kaarawan ko, gusto ko ako ang ispesyal. Late din ako ng araw na iyon... hindi naman ako pinarusahan ng mabigat. Medyo malungkot ako kapag kaarawan ko dahil kasabay ito ng araw ng mga puso, pero ayus din naman dahil hindi ako nababakante ng "Date" sa araw na iyon. Lagi ko kasama ang tropa at pamilya ko kapag kaarawan ko, sa araw ng mga puso. Pero matagal pa naman ang kaarawan ko eh, haay...

    ----------------

    Natutuwa nga pala ako ngayun sa bagong palabas ng ABS, na "Dream Academy" wala lang, kakornyhan nanaman. May kakilala nga pala ako na nakapasok kanina, nag-aral siya dati sa aming mumunting paaralan ng MCS. Kabatch ng ate ko, hearthrob yun dati eh, habulin ng mga babae, aba akalain mo na bigatin na siya ngayun. Nakakatawa talaga kapag makakakita ka ng kakilala mo sa TV, kung ako ang tatanungin, ayaw ko lumabas sa mga ganyang palabas. Ayaw ko sumikat sa pamamagitan ng TV mas gusto ko pinag-uusapan ka ng patalikod. Yun bang kilala, pero hindi sikat. BASTA.

    Tama na ang tungkol sa ganyan, kanina nga pala may nagkumento na "boring" na ng aking template. Ako din naboboringan na dito, pero hindi ko maayos dahil madami akong ginagawa. Iniisip ko din mag"Podcast" pero offline si "Kuazee" kaya hindi ko siya matanong ng mga impormasyon tungkol dito. Gusto ko kasi masmaintindihan ng ating mambabasa ang aking blog, kaya binabalak ko ito lagyan ng "Voice over" mas maiintindihan niyo siguro ang aking mga punto. Siguro lalagyan ko din ito ng na sasign language sa gilid, un bang katulad ng sa palabas na "Kapwa ko, mahal ko" kaya nga nag hahanap ako ng talent para dito, isend niyo lang ang resume ninyo. Pinaaalalahanan ko din ang mga nag send ng resume para maging kolboy sa aking "Callboy Ageny" tatawagan nalang kayo ng aking sexytary... si Enday ah! maghintay lang kayo sa tawag niyo.

    wahihihihi la na talaga ako magawa sa buhay...

    24 Comments:

    Blogger utakgago said...

    first.

    GUSTO KO RIN NUNG GANON! yung may butas sa right side ng tv tapos may nakakulong na pipe na mag-sising language! ahahahahah..

    sana magkaroon ako nun T_T marami kasing pipe ngayun diba/

    at ayun. yun lang. http://utakgago.blogspot.com dumaan. :)

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    grrr
    second!!! uu nga haha "kapwa ko mahal ko" ahihi... ayus un!
    salamat po!
    ahehe dream academy ha... hmmm...
    and ung aking resume... na process na ba? ahehe... si enday ba ang mag proprocess... anu ba ang recquirements enday? nyahahah la lang ahihihih

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Nyahahay!

    Pasaway ka pala kapag birthday. Ako, disappearing act ako pag birthday ko. Ayaw ko nga manlibre. Joke. Haha!

    Napanood ko rin yung Dream Academy kagabi. Wala lang, hindi ko rin natapos. Nakakatamad e.

    Oh, callboy? Hmmm. Ayaw ko mag-apply. Maysado akong gwapo para diyan. Haha! Joke. :)

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger blueengreen said...

    ung dream academy... the pilot didn't reach my expectations... kala ko magarbo at maganda... ndi maxado... my ibang nakapasok an hilaw ung pagkanta... parang ang basehan ay luks na naman... mas maganda sana kung ung boses ung babasehan... but i'll still watch it... ako pa, adik ako sa mga reality shows ng dos... kahit scq kids summer edition at close-up to fame ay pinapatulan ko... nyahahahaha... anyway, kahit anu namang sabihin ko, e sure namang sisikat ung palabas at ung contestants, even though, gaya ng nasabi ko, there are better singers kumpara sa kanila....
    ayoko rin ng birthday kasi maggastos... nyahahahahha... kuripot ako e... and sometimes annoying ung babatiin ka ng someone out of the blue.... tapos lalao na ung s klase... cyempre, magpapakaphony ka nalang... ta sasabihing thank you classmates... tas magbibiro sila, libre,libre.... nakakainis lagi na lang ganun... tradisyon ba talaga un ng mga ninuno natin na naipasa hanggang ngaun...

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger jochie said...

    haha! kakatuwa nman!
    sige tatawag ako sa iyong sexytary na si enday!

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    naiinis ako nung bday ko... wala akong pera.

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger Jinjiruks said...

    wow anu kaya b-day present nito kay kiro

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger Donya Quixote said...

    di ako nanonood ng tv!

    di ako makarelate!

    mabohay ang walang alam!

    woohoo!

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger Estupidormitorian Neil said...

    Napadaan sa pamamagitan ni jhedster.


    Pinoy Dream Academy? Banal na kalabaw, hindi nga ito tumatak ng pangalan sa estados unidos. Sabi sa akin ng aking mga kamag-anak, dalawang linggo lang daw ang itinagal nito sa abc, na-tanggal agad sa ere. Ang tamis, hindi ba?

    Ewan ko lang dito sa pilipinas.

    Nilangaw nga daw yung auditions nito, sabi sa kin ng munti kong pipit. at nanulot pa nga raw ng mga nais lumahok sa Phil Idol. oh ang buhay.

    pagbati na lamang para sa iyong kakilalang nakapasok sa PDA.

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger Krayola said...

    yes mehn february 14 pala ang bday mo. waw, hindi mo tuloy malaman kung sarili mo ba ang reregaluhan mo ng bulaklak at chocolates o ang minamahal mo. XD

    hoy rens hindi pa kita nakakasagupa sa LRT.

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger aaronjames said...

    waw! ako rin gusto ko rin ng ganun. uy, may makakpagsagupa pa sau sa LRT. haha. kamusta ka naman? haha

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    hmmm

    wala ako masabi

    hehe

    basta

    andito ako...
    bat kaya ganun

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger Krayola said...

    uu, usapan namin sapakan kami n'yan e pag nagkita e tutal pareho naman kaming payatot. haha peace XD

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger Jonell said...

    ang ganda talaga ng blog mo! astig! http://www.henerosobistokya.blogspot.com/
    i-lilink kita!

    -- http://paurong.blogspot.com

    Monday, 14 August, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Kilala ko rin yung taong may birthday ngayon, nagreet ko na ri siya. Feb 14 pala ang birthday mo? Ka-birthday mo si john prats, heart evangelista at kris aquino! LOL!

    Mapopodcast ka na rin? Goodluck! :)

    Monday, 14 August, 2006

     
    Blogger xienah said...

    onion spring ng blue skies.
    kay tamis ng buhay.
    hehe.
    corny ng pinoy dream academy.
    uber.

    Monday, 14 August, 2006

     
    Blogger xienah said...

    onion spring ng blue skies.
    kay tamis ng buhay.
    hehe.
    corny ng pinoy dream academy.
    uber.

    Monday, 14 August, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    OO tama ka, you're the boss on your birthday. Our wish is there command, kaya lang, me kapalit. Libre! Haha..

    It's good you're eating a lot, diba sabi mo payatot ka. Haha.. sabi mo ha.

    Template mo? Boring? Hindi naman masyado. Pano kaya kung you change ur font, kasi this font is so Heneroso eh. Kapag pinalitan, parang hindi na ikaw nag blog. Subukan mo. Haha..

    Oo mag podcast ka nga!! English ha! =P
    Miss yah!

    Monday, 14 August, 2006

     
    Blogger chino said...

    kakaiba talaga ang iyung pag-iisip!.. at mabuhay ang iyung kolboy agency!..bwahahahahaha.. link mo ko! :P

    Monday, 14 August, 2006

     
    Blogger chino said...

    at nakakaasar din ang birthdays.. obligado akong manlibre...hahahahaha.. dos mil ang nagagastos ko sa libre.. bwisit..

    Monday, 14 August, 2006

     
    Blogger j.0.d said...

    masaya ako pag birthday ko. ako hari sa bahay namin e. wahaha. 2 buwan na lang birthday ko na!

    actually pinakhihintay ko kasi ung 21st birthday ko. sabi kasi ni ate malaking handaan daw. kasi debut na, year of graduation ko pa. hahaha.

    wala lang. may kakilala din ako dun sa Dream Academy. choirmate siya ng kaibigan ko. pero we've been introduced. haha.

    Monday, 14 August, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    Best regards from NY! tax preparation Mature woman spanked credit score harbor specialty insurance company new york land rover dealer Exchange conferencing venlafaxine and bipolar disorder fact neurontin Devon low mortgage rate75 colorado malpractice laws

    Saturday, 03 March, 2007

     
    Anonymous Anonymous said...

    What a great site Gatorade sports bottle Accounting finance job Concept pilates mexican ultracet prescription Free credit card deals moose creek denim barn coat Interior designer canning town Mortgage closing positions denver colorado nude lesbian cheerleader orgy ultracet c.o.d

    Tuesday, 06 March, 2007

     
    Anonymous Anonymous said...

    Very cool design! Useful information. Go on! »

    Tuesday, 24 April, 2007

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Backstab!
  • Sturbuck, pare... in your face Cofibean!
  • "What will the managers do??"
  • Enday is the new Jisika Sapra
  • Anak sa labas.
  • Tan Tan Tanan
  • Toot tot tot tot tot toot tot tot...
  • Rainy days and mondays, always makes me cry... :-(...
  • Remote Control
  • Ekshush meh!!
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.