Nang magsabong si Heneroso at UtakGago
Napakasama ng pakiramdam ko ngayun, unang-una kagagaling ko lang kahapon sa aking PE, swimming... naka "8 lapse" din ako kaya sobrang pagod na, subrang itim pa, hindi naman kasi "covered" ang pool, mas masarap daw kasi pag ninanamnam ang init ng araw. Kaya masakit ang kasukasuan ko, at balat ko at nakasinghot pa ako ng tubig kaya masakit ang ilong ko hanggang ngayun, na para bang lalala pa patungong "tonsilitis".
Ngayun naman, masakit ang ipin ko, hindi ko alam kung bakit, pero talagang masakit. May tumutubo ata saakin na pangmatanda lamang, ang "wisdom tooth" Sobrang sakit nito, pero para bang nakakakuha ako ng "pleasure" sa sakit, ang hindi ko lang gusto, ay hindi ako makatulog tuwing gabi. Kaya ngayun habang sinusulat ko ito, nararamdaman ko ang tibok ng aking lalauman, sa sobrang sakit.
Ayus lang iyan, may kakaiba kasi akong karanasan kanina, naisip ko tuloy na napaka liit talaga ng mundo. Kanina habang ako'y naglalakad sa UST, may nakita ako, si UTAKGAGO. Uu, nakita ko siya, nagkatinginan kami, at sinugod niya ako, nilabas niya ang kanyang samurai, at naghamon ng laban, kasama ang kanyang mga "subordinates". Nilabas ko naman ang aking samurai na ginawa pa sa Okinawa, Japan. Grabe ang labanan namin, mala strit payter, at teken at ang venue, sa tapat ng UST Health Service. Nag espadahan kami, matinik na kalaban si Utakgago, may nalalaman pang mga kung ano anong ispesyal teknik. Aba ngayun ko lang napansin na makinis pala itong si Utakgago, nakasuot pa nga siya ng "asul" na polo. Tuloy pa rin ang aming labanan. Tumalsik ang aking Samurai at doon ako'y nakorner sa may bandang "Main Bldg". Lumuhod ako sa harap niya, at tinutok niya ang kanyang Samurai sa aking leeg, pero naging mapaglaro ang tadhana dahil nakapulot ako ng "Red Brick" sa sahig at inihampas ko ito sa kanyang ulo. Ayun, nahimatay siya. Itinali ko siya at itinapon sa malalim na baha ng UST sa may Dapitan...
...Ahihihi, haay, gumana nanaman ang aking imahinasyon. Ganito kasi ang totoong nangyari, kagagaling ko lamang nuon sa "McDonalds" dahil kumain ako. Dumaan ako sa UST health service dahil yun ang pinakamalapit sa opisina ng aking "org". Habang ako'y naglalakad siyempre dapat kahit papano tinitingnan mo ang nasa paligid mo, at doon, sa may kanto ng "UST mall". Una tiningnan ko siya, nakilala ko na agad, ang balak ko kasi, aangasan ko siya, pilit kong pinipigil ang aking ngiti. Hindi ko manlang siya pinansin kahit na alam ko na siya iyon. Umalis na tuloy ako. At iyan ang karanasan ko ngayung araw.




18 Comments:
Check out Full Frontal Nudes for the largest fully-searchable collection of free galleries on the net!
Friday, 18 August, 2006
WOW. FULL FRONTAL NUDES? spam spam spam!
ako FIRST Dito! lecheng spam. anyway, WOW! astigin naman at nandyan ako! =)) pauwi na talaga kami nun...
then naglalakad ako sa tapat ng UST Health Service.. tapos nakita kita! ANG ITIM MO TOL! ewan ko ba kung bat ko nasabing ikaw yung nakita ko..
di naman kita kilala tlaga.
pero alam kong ikaw yung nakaputi na polo na may badge sa kaliwang part ng collar mo at may bag.
ewan. ANG WEIRD.
=)) ngumiti ka nga eh! kaso pigil naman. amputa, bat kaya??
KITA KITS ULIT! lagot ka saken, sa susunod - HAHARAPIN NA TALAGA KITA! =)) http://utakgago.blogspot.com
Friday, 18 August, 2006
WOW ha... nyahahaha! DUDE that must be a weird event nyahaha UtakGago vs. Heneroso Bistokya ... nako may part 2 pa! ikeeeeeeee...
ay anu yan ... woot! FULL FRONTAL NUDE wahehehe *click* lolz...
ang dream ko ngayun sana makita ko si UtakGago... ahehe joke lang nyahahha
Friday, 18 August, 2006
nga pala. salamat sa papuri na makinis ako. WAFU ako no! =)) haha. pang-callboy ba?
Friday, 18 August, 2006
talaga talaga?? you guys met? Haha ang saya.. hope we could have a blogger party at one time. Hahaha..
Dapat you guys should have said hi to each other. Haha iba talaga pag online at personal noh? I wouldnt know what to do nga eh if I met any blogger people.
=)
Saturday, 19 August, 2006
Awe... envy envy envy. You're able to see blogger friends/hoppers/spammers/whatever on the flesh.
Envy envy envy. Perhaps I'm the only blogger from Cavite State U actively participative in the blogosphere...
Envy envy envy...
Saturday, 19 August, 2006
parang bitin ang karanasan mo ngayung araw na ito...may part 2 ba yan ahihihihi
luv yeah kuya!
Saturday, 19 August, 2006
Bakit ako hindi sumakit ngipin ko habang tumutubo ang wisdom teeth ko?
Hattori Hanzo ba yang samurai na yan! Ngek! LOL! Mas exciting naman yung story mo kaysa sa totoong nangyari. Di man lang talaga kayo nagmeet! LOL! :)
Saturday, 19 August, 2006
phentermine nice :)
Saturday, 19 August, 2006
wow! mabuti pa ka pa! may nakita kang blogger! ako ? kahit isa wala! pano ba ako makakakita ng blogger dito? nasa mindanao ako! ang konti lang ng bloggers dito!!
waaaaaaaaaaaa!!
Saturday, 19 August, 2006
hmmm
ano masasabi ko.. napdaan...
utakgago..
mag u-ust ka?
hmmm
me hahantingin nnmn ako..
haha...
ung iba.. galit n nga sakin e...
hahahah
sosorry ako duin d namamansin
wakeke
Saturday, 19 August, 2006
Nyahahay!
Naku, nagkita na pala kayo. At hmmm... wala lang. Ahahaha! Haaaaay.... Nga pala, baka daan ako sa UST.. ahmmm... next week! Lalabas kami ng former blockmates ko. Nyahahay! Baka makita mo ako dun... :)
Saturday, 19 August, 2006
hahahahahahha.. gusto ko makita reaction niong dalawa nung nagkita kau..hahahaha..
sakiting bata..tsk tsk..kasi payat..hahahah..bakit nung tumubo wisdom tooth ko hindi naman masakit?? hmmm..
hehehe
kita kits din tayong lahat..kelan kaya?? hehe
Saturday, 19 August, 2006
naku dude.. ingat ka sa mga spammers na yan.. buti ako isa lang nag comment nang ganyan.. yung 2nd spam poster mo.. i moderate mo na ang comment section mo
Saturday, 19 August, 2006
wow! buti pa kayo nagkikita na... ako... eto nag-iisa... malungkot... walang kasama...
hehe... drama.
Saturday, 19 August, 2006
I had tried phentermine and that was really cool!! - Now I know everything's gonna be ok. and you?
I look for here:
phentermine
buy soma online
soma record
Wednesday, 25 April, 2007
hm dood? turn the word verification on. too many spam comments.
haha, anyway, natawa ako dito sa post mo! hyperactive talaga ng imagination mo! hahahaha! will come back here. visit me sometime naman. also, link ex?
http://lizette.i.ph
Wednesday, 25 April, 2007
aba.nagkita kaio uli.destiny na yan.
heneroso. im back.haha.
Wednesday, 02 May, 2007
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home