Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Friday, August 11, 2006

    Backstab!

    Natapos na ang lahat, makakapagblog na ulit ako ng maayos dahil tapos na ang "preliminary exam" para sa ngayung "semester". Ayus lang naman, madami sana ako balak na ipost kagahapon pero hindi ko ito nagawa dahil marami ako inasikaso sa aking mahal na org at nag-aral nga ako sa Pilosopiya at Sosyolohiya. Naaasar ako sa sarili ko dahil hindi ko manlamang nabuksan ang aking PC kagabi. Pero ayus lang, dahil "hierarchy" pa rin saakin ang pag-aaral. Namiss ko na tuloy ang internet, ika nga sa ingles, "it's better than sex..."

    Madami talaga ako gusto ikwento, pero sa sobrang dami, bumabara ito sa aking utak at ayaw lumabas... bumabara kaya talagang wala ako maisip na maikwento, haay. Kanina nga pala, napanuod ko na ang pelikulang "Click" ni Adam Sandler, maganda ito, sulit naman sa pagbayad sa sine. Hindi ko na ito ikekwento o magkikritik mala Enday, dahil sobrang ganda talaga, nakakatawa pero may kirot sa puso, alam mo yun? Basta panuorin ninyo nalamang. Grabe, kailangan ko na talagang makapagtipid ngayun, sobrang hindi ko na madebaydebay ang aking ekspenses, mas malala pa nga dahil ito ay nagdodoble doble pa! Hay, andami ko pa ininiintindi ngayun, sa isang salita ako'y "stress"

    Stress, nako kailangan natin iwasan yan, lalo na sa ating mga lalaki, kasi alam ninyo ba na kapag istres ang isang lalaki, hindi siya nakakapagproduce ng spermcell... wala sa "quota" ika nga... Kailangan ko na siguro mag istres tabs, pero hindi ko na rin naman kailangan dahil unti-unti na nawawala ang aking mga ininiintindi, pero madami pa din... naalala ko tuloy nung ako'y semila pa lamang, nakipag racing ako nun grabe, ambilis ko pa lumangoy. May nakilala ako nun, pero wala pa kami pangalan sa loob, iba kasi ang tawagan dun... by number, ako si 4366622, siya naman si 779223... ganito ang aming pag-uusap habang nag-uunahan sa finish line:

    4366622: Elo!

    7779223: Hi.

    4366622: Musta na?

    7779223: Ayos lang!!! ikaw?

    4366622: Eto....

    7779223: Anong Eto??

    4366622: Anyhoo...musta ka naman?

    7779223: Kakasabi ko lang ah?

    4366622: Ahh.. ganun ba.. ahihihi

    7779223: Kulit mo!

    4366622: Ui! Artista oh!!! Sa likod natin!

    7779223: San?

    4366622: Ulol! naunahan na kita! babay!

    7779223: Grrrr!!!

    ...at yan ang istorya kung bakit ako nandito ngayun. Nanalo ako dahil ako'y mandaraya. Back biting, at pagbackstabbing, pansit eating mader happer... yan ang batas para maging "successful". Oo, kahit na sabihin ninyo na ito ay hindi "morally upright", pero nangyayari ito sa ating lipunan. Pansin ko lang tuwing tatanungin ang isang tao kung ano ang ayaw nila sa isang tao, ang sasabihin nila, "Backstabber", mandaraya , mga epal, o plastik. Pero hindi ninyo alam, nagagawa din natin ito, "subconscious" pa minsan. Pero wala lang iyan, napansin ko lang... ahihihihi, wala na kasi ako maisulat. at inaantok na din ako.

    13 Comments:

    Blogger aahhhron said...

    ako ang una! Yay!

    Nakaktuwa naman, napanood mo na yung Click. Sana ako rin.

    May number talaga ang sperm cell ah? Hahaha

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    ahehehe oo nga stress stress ahehe dude.. click... it looks okay... i kinda dont like adam sandler...

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    ayus din yung mini fiction mo ah

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    Bakit wala akng macomment? I read the whole post naman. Haaay, my brain's running slow.

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Hala! Ganun ba ang nagagawa ng stress? AMPF! Haaaay.. di bale ng kulang ang sperm cell count, ang importante ay may lumalabas. Haha! Joke.

    Nakakatuwa yung nag-uunahang sperm cells. Haha! Wala lang.

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Blogger mai said...

    sperm cells naman ang usapan ngayon. haha!

    pero korek ka sa backstabber part ng post mo. nagmamalinis minsan pero ginagawa din naman...tulad ng mga nasa opposition, akala mo kung sino makabintang kay gloria eh pare-pareho lang naman sila di ba? ika nga mga magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw. :)

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    ayoko kay adam sandler. mukhang.. ewan. :) pero balita ko nga, maganda ang CLICK, nabasa ko rin sa isang blog na sana may remote daw sya na ganun.

    anyway.

    BAT DI KO MATANDAAN ANG SARILI KO NUNG AKO'Y SEMILYA PA LANG?

    at susyalen. may number! grabe naman ang usapan dito sa BLOG mo!!

    MTRCB ka na dapat!

    nasan na si enday? idol ko talaga yun! para bang si jisika sapra. :P http://utakgago.blogspot.com comment ko.

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Blogger chino said...

    wahehehehehe..ang extensive nasman ng memory mo.. hahahaha.. :)

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Pang number 666,666 yata ako! Nakow! LOL!

    Lahat naman ng tayo ay backstabber or cheater. we just dont wanna admit it! Pero there are time na nakakamit natin ang tagumpay ng walang daya. Kakaibang feeling yun! :)

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Anonymous Dheena said...

    template is boring! huhummmm

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Blogger blueengreen said...

    un bang ibang spermcells ang pinagmulan ng mga kalansay sa baul?...
    hay, buti ka pa tapos na... ako magsisimula pa lang ang kalbaryo ko sa mga pagsusulit....
    i hate backstabbers... that's why i hate myself sometimes... pero ayoko talga sa kanila... lalo na ung todo ang kaplastikan... siguro tama ka rin na sometimes we don't notice na nambabackstab na tau... pero ang nakakinis ung mga taong... buhay na ang pangbabackstab to get their wants...

    Saturday, 12 August, 2006

     
    Blogger Jinjiruks said...

    ayaw natin sa backstabber kasi ganun din tayo.. ayaw natin pauuna.. ganun lang

    Sunday, 13 August, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    click

    mapanoood nga

    hmmmm

    about the sperm number..

    ang dami nmn nun

    hehe

    Sunday, 13 August, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Sturbuck, pare... in your face Cofibean!
  • "What will the managers do??"
  • Enday is the new Jisika Sapra
  • Anak sa labas.
  • Tan Tan Tanan
  • Toot tot tot tot tot toot tot tot...
  • Rainy days and mondays, always makes me cry... :-(...
  • Remote Control
  • Ekshush meh!!
  • Carefree
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.