Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Tuesday, August 15, 2006

    ATAKAL!!

    Haay, ordinaryo nanaman ang araw na ito sa aking mahal na paaralan, absent nga pala ang dalawa sa aking propesor kaya masaya kahit papano... ngayun ko lang napag-alaman na mayroon pa lang nagbebenta ng Shawarma sa may "UST MALL"... haay, paborito ko talaga ang Shawarma, kahit nakakabaho ito ng hininga. . . ATAKAL... Amoy TAe ng KALabaw...

    Natutuwa naman ako sa masugid na reaksyon ninyo sa aking nakaraang entri, sori nga pala sa mga nalait ko duon, lalo na sila Rob, Ron, at Jhed... Sorry talaga, sana lang ay wag ninyo ako tambangan sa may labas ng UST... ako'y natatakot na. Anyhoo, alam ninyo ba na nagkaroon ako ng "achievement" dahil akalain ninyo na sa karamirami ng nagkokomento sa blog ni Cofibean, ako ang nauna! talaga naman! Nagulat nga ako kanina, dahil sabi ni Icarus kanina na may nagadvertise daw saakin sa kanyang "comments page"... kung sino ka man, maraming salamat... sana makilala kita sa personal at susuklian kita ng napakasarap na gantimpala ng isang kolboy na ipinapangako ko na hindi mo malilimutan sa habang buhay.

    Naasar ako sa aking template ngayun, talagang ampangit, umuusog... ano na ba ang gagawin ko dito, napakabusy ko kasi para gumawa ng bago, eto nga at isingit ko nalang ang pagsulat nito. Pero, ipinapangako ko, na talagang gagalingan ko na ang paggawa sa susunod na template, haay. "Promises are meant to be broken...", ay shet "Rules" pala yun... tsk tsk tsk, iba na tong utak ko, pagod lang talaga ako, at sobrang "cost cutting"... ginagawa ko na ang lahat, para maka-ipon ako, ewan ko ba... wala naman ako paglalaanan ng pera pero, gusto ko pa din mag-ipon. Nagpapataba pa ako, kaya mas magastos, kaya nga para makatipid, inangkin ko na ang trono bilang "Buraot King"... Minsan mahirap umiwas sa tukso ng pagkain... lalo na yung masasarap, alam niyo ba na iyon ang kahinaan ko. Kahit na gano ako kagalit sa isang tao, basta't inalayan niya ako ng pagkain, aba! "goodshot" ka na saakin, pero iba na ang usapan kapag nilagyan ninyo ito ng pampatulog at dinala ako sa isang motel para butasin at halayin.

    Inaantok a ako, para bang sumasara na mag-isa mata ko, tapos pagkasara ko, anlamig sa mata. Ibig sabihin kulang na talaga ako sa tulog, ewan ko ba, gusto ko matulog ng matulog!!! Kahit na masarap magpuyat, mas masarap naman matulog buong araw... Sobrang dami nga nakasulat sa aking "Planner" , may mga "service" pa sa isang orphanage sa Bulacan, tapos bibisita pa sa Bilibid, para bisitahin ang mga preso duon, at pupunta pa sa "Happy toothpaste factory" para malaman kung bakit malapot ang toothpaste... atbp... haay. Pero siyempre lahat mangyayari sa aking "future avtivities" isusu;at ko ito sa aking blog, subukan ko ito iupdate araw-araw... osige hanggang dito nalamang, maaga pa ako bukas.

    ------------------

    p.s. Natutuwa naman ako kay Ron, dahil nafeature ang isa sa mga kalansay ko sa blog niya, salamat ng marami, napatawa mo ako sa iyong entry tungkol kay Juan na nakipagtanan sa kapatid ni Enday... Si Enday nga pala ay galit na galit... lagot ka... pati ang ibang residente ng baul nagagalit na, siguro sa susunod makakakilala kayo ng isa....

    13 Comments:

    Blogger Kiro said...

    aheheheh pareho tayo na basta bigyan ng pagkain ay solve na at bati na ulit ahehehehe... basta pagkain isuhol mo sa akin kapag galit ka or may favour ka at pagawa mo sakin.... ang pagsuyo sa akin ay food hahahahha kaya ako tumataba! tsaka di pa ako nakakakain ng shawarma! ahehehe and yea man... nakakainis na mga kalansay mo! hmmmp aheheheh

    Tuesday, 15 August, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    Ang tagal ko na hindi nakapunta dito!! GRR.. And ngayon ko pa nakita previous post mo.. ako nga I did a shoutout post hahaha..

    Waahh Henerogo!! I love Shawarma. Hahha
    One of a kind talaga blog mo.

    I'm sleepy. Ahihihi.. bwahahha

    Wednesday, 16 August, 2006

     
    Blogger mai said...

    wow shawarma! gusto ko din yan!

    siguro di ka nakain nung monday kaya nang-okray ka. eh kung bibigyan kita ng shawarma ngayon..nora aunor pa rin ba ako?

    Wednesday, 16 August, 2006

     
    Blogger Tea said...

    hala! butasin at halayin???

    nagets ko yung halayin...pero butasin???

    Wednesday, 16 August, 2006

     
    Anonymous Neil said...

    Howaat? And UST even has its own mall? Such capitalist.

    Atakal. Oh, first time to encounter the term. Kinda dummy with pinoy slang... sheesh... poor me.

    The template goodness? Go to blogger template websites and copy their template. Then do the customization if you have the freakin' time. ^_^

    I actually like your blog. Will be a regular read. ^_^

    Wednesday, 16 August, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    want some food?

    hehe

    Wednesday, 16 August, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Yep yep! Sino ba makakatanggi sa pagkain di ba? Hahaha!

    Lalo kapag pizza... YUM YUM! Ayan, ginutom tuloy ako. Hahahahaha!

    Wednesday, 16 August, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    Food lover here! Hindi pa ba ibvious yun!? LOL! Mahilig din ako dati sa shawarma pero hindi na ngayon, wala na akong nakikitang mabilhan ng masarap gumawa eh! :)

    - Jigs

    Wednesday, 16 August, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    ayoko sa shawarma...

    grrrr! may tatlong sniper na akong pinapwesto sa labas ng ust kaya magingat ka! hmp!

    o sya... tulog narin ako... text text nalng.

    Wednesday, 16 August, 2006

     
    Anonymous Rowanda said...

    I really dont get it. Merong nagpost ng site na ito sa blog ni cofibean. They said mas nakakatuwa daw dito. No offense meant dude, pero I think ur blog is a pathetic attempt to create laughter. Masyadong OA. Kindly try a little less harder. And please tell your minions to stop spreading your blog. Ikaw rin naman ang napapahiya sa ginagawa nila e. Yun lang. Just wanna say my piece.

    Thursday, 17 August, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    damn, Ron's post are getting hilarious than ever.

    anyway, I love shawarma - although it depletes my killer smile and gives me a 'killer breath'. Haha.

    COFIBEAN! =)) I still love his conyo words, one day - I'll try to imitate his words. =)) *LOL*

    that's all! http://utakgago.blogspot.com - care to comment?

    Thursday, 17 August, 2006

     
    Anonymous cars said...

    lol! cofibeaaan! haha.. la lang. :)

    Thursday, 17 August, 2006

     
    Anonymous Josa said...

    rowanda's commentary should be taken off this blog. he/she is an obvious poser.

    Friday, 18 August, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Da buzz!
  • INC
  • Syo ang pulutan, sayo ang inuman! Hapihapihapi ber...
  • Backstab!
  • Sturbuck, pare... in your face Cofibean!
  • "What will the managers do??"
  • Enday is the new Jisika Sapra
  • Anak sa labas.
  • Tan Tan Tanan
  • Toot tot tot tot tot toot tot tot...
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.