Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Saturday, August 05, 2006

    Anak sa labas.

    Napansin ko na "Alternate" na ang aking pag-post sa "blog" na ito. Kasi naman kakaiba na talaga ang iskedyul ko sa panahong ito, pero "at least" diba, kahit papano nag-uupdate din naman. Madami akong karanasan na dapat ikwento kagabi, kayalang nga sa kasamaang palad, naunahan ako ng aking ate sa kompyuter at nag-internet siya magdamag, kaya ako, bilang nakakabatang kapatid... tiklop agad sa kanya.

    Kahapon kasi ng umaga, bumaba ako sa Philcoa dahil nagmamadali na ako at malelate na ako. Sasakay nalang ako ng FX para mas mabilis, kumpara naman sa pagdaan ko pa sa Cubao at mag LRT. Sobrang desperado na ako sa paghahanap ng FX, at pag sinabing desperado, desperado talaga! Ayaw ko naman kasi sumakay sa dyip dahil baka mausukan ako, ayaw ko kasi mausukan... lalo na ng tambutso, o sigarilyo, pansin ko kasi sa uniporme ko kakaiba ang tela, konting dumi lang kapit na agad, eh ayaw ko naman magmukhang dugyot, kaya kailangan maging maingat ako. Haay, balik tayo sa istorya, dahil nga desperado ako, kahit na anong FX nalamang ang aking sinusubukang sakyan, kahit na masikip ayus lang. Meron isang "FX" ang pumara sa harap ko, may nakita akong taga-UST kaya naisip ko na dadaan ito sa UST. May bumabang pasahero, ako naman pumasok sa loob ng "FX"...

    ... At dito na nagsimula ang aking pighati, ang nasakyan ko palang "FX" ay for "family use only"... Magkakapatid pala ang mga taga-USTe doon, nanay nila ung nasa harap, at tatay nila ang nagdadrive, sabi pa ng isang taga UST... "Oh ano yan?? Anak sa labas?"... talagang hiyang hiya ako.... dali dali akong lumabas, at tumakbo sa malayo... huhu, napagkumpara ko ang itsura ng sasakyan nila sa isang "FX" may pagkakapareho nga pero may pagakakaiba din... talagang nakakahiya ang pangyayaring iyon, natrauma ata ako sa pagsakay ng ep-eks. May dumaan uli na ep-eks na walang laman, sinigurado ko talaga na sertipikadong ep-eks iyon at sumakay. At dahil sa pangyayaring iyon, nalate ako sa klase ng Pilosopiya.

    -------

    Nagbayad na din ako ng prelims fee ng araw na iyon. Sobrang haba ng pila, nakakapagod, pero ayus lang nagkaroon naman ng "UBE" ang aking mga kaklase ng panahong iyon... UBE meaning, "Ultimate Bonding Experience." ... para sa mga nagbabasa nito, sana magkaroon din tayo ng ube balang araw... hanggang dito nalamang... magaaral pa ako sa Principles of Management.

    12 Comments:

    Blogger Jhed said...

    HAHAHAHAHAHAHAHA!

    Grabe. Nakakahiya nga yung ginawa mo. Haha! E, sino yung bumaba? Hay, nakakahiya talaga.

    Kasi naman, nasanay ng pasakay-sakay sa kung anu-anong sasakyan. Tama na kasi ang pagkokolboy. Hahaha! Joke.

    Anyway, ayun. UBE rin kami ng blockmates ko kapag bayaran. Haha! Akalain mo yun, mga intsik at naturingang mayayaman, hindi man lang magbayad ng full payment! Haha! Wala lang.

    Saturday, 05 August, 2006

     
    Blogger xienah said...

    toink.
    nakakahiya ka.
    pero
    sana nilubos mo na
    at tinodo mo
    may i come in
    with matching
    'itay, ako po
    ang nawawala ninyong anak.'
    para libre sa pamasahe.
    pag nasa uste ka na
    sabay karipas sa pag eskapo.
    panalo.
    haha.

    Saturday, 05 August, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    UBE! Masarap yan ah! LOL!

    Hindi ko mapigil ang sarili ko sa kakatawa! Habang tinatype ko ito ay natatawa ako! Pero on the other hand, I can feel the embarassment you felt. Pero nakakatawa talaga!!! LOL!!!!

    Saturday, 05 August, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    err whatcha talkin about Jhed na inchik mayaman... oo mayaman nga pero kuripot hahahha err... i'm not talking about myself here -__- ahehe... well anyway...
    what you did was the most... the most embarrasing thing... holy cow... its more embarassing than when some people asked us for food and they thought we were giving them away... marame lang kase kame noon nagbakasyon and we were handing out the food to everyone and some people thought it was for free hahaha it was funny... but yea HAHAHAHAHA! buti nga LOL....
    and as for the UBE... err no comment...

    Saturday, 05 August, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ikee gusto ni ron ng UBE whahaha

    Saturday, 05 August, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    UBE! Sino naman kaya ka UBE mo?!

    UBE!
    UBE!
    UBE!
    UBE!

    Haha! ka-chat kita ngayon. kaya dun ko nalang sasabihin lahat.

    Saturday, 05 August, 2006

     
    Anonymous aaRoN said...

    ahaha ayan hindi nagbabasa :P ahaha kulti tlga...tsktsk minsan hindi ko nababasa ung mga destination ng mga jip...at least kahit papano hindi ako nawawala...ahaha ^_^ pero meron xa sign na nagsasakay xa? baka naman wala..STUPIDITY na yan rens!!!

    Saturday, 05 August, 2006

     
    Blogger aahhhron said...

    UBE tayo sa Gateway! Haha

    Saturday, 05 August, 2006

     
    Blogger -=hg=- said...

    uu nga at nakakahiya at nakaka trauma yung nangyari sayo...

    ako nga rin nung may nangyaring nakakahiya eh natakot narin akong dumaan sa kalsada malapit sa BK sa dapitan...

    wahahaha

    Sunday, 06 August, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    HAHAHAHAH.. i couldn't stop laughing.. hahahha.. kung ako un hindi na ako papakita pa dun, kasi baka dumaan ulit ung sasakyan na un..hahahhaha

    Sunday, 06 August, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    hmmmm


    lakas ng tawa ko dito..

    ano kaya ang pakiramdam nun

    haha

    Sunday, 06 August, 2006

     
    Anonymous Dheena said...

    hahahahah youre so funny talaga. Luv na kita, mwah!

    Sunday, 13 August, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Tan Tan Tanan
  • Toot tot tot tot tot toot tot tot...
  • Rainy days and mondays, always makes me cry... :-(...
  • Remote Control
  • Ekshush meh!!
  • Carefree
  • Mikeni Picnic Hotdog ko
  • Tae mo, tae ko, tae nating lahat
  • Teorya ni Machiavelli
  • Binubulitas nanaman si Manny!
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.