Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Monday, July 10, 2006

    Si Goldilocks, Maria at Jose

    Kanina pag-uwi ko, kumain ako sa Goldilocks, at umorder ng lumpiang sariwa at dalawang extra-rice, sana talaga tumaba na ako. Nang patapos na ako umorder pa ako ng Sago't Gulaman at ininom ko habang nkasakay sa FX. Ang sarap talaga, ngayun nalamang ulit ako nakauwi ng maaga dahil sa aking mga Orgs. Bukas balik nanaman sa dati.

    Sarap na sarap ako sa aking Gulaman, gusto ko makain ang lahat ng sago pero ang hirap talaga higupin nito lalo na kapag ubos na ang "syrup". Nagmumukha na akong tanga dahil, karir mode ako sa pag higop ng sago't gulaman. Pinagtitinginan na ako dahil may tunog na ng hangin ang paghigop ko, baka mautot ako nito sa sobrang daming hangin ang aking na higop. Sa aking pag higop, naka-isip ako ng istorya. Magmuli. Nanaman. Sa pangalawang pagkakataon, sa sulok ng FX.

    May magsiyota, sina Jose at Maria, mahal nila ang isa't isa pero hindi sila pwede magsama dahil isang isla ang kanilang pagitan, sa dagat na iyon punong puno ng pating. Naguusap lang sila sa pamamagitan ng pagtext. Minsan nag text si Jose, "Beh, kung mahal mo ako, tumawid ka ng dagat na ito." Si Maria naman, naghanap ng paraan, ang kilala niyang may bangka sa kanilang isla ay si Pedro, na may lihim na pagtingin sakanya. Si desperadang Maria ay lumapit kay Pedro, pero himingi siya ng pabor kapalit ang bangka... Ang makasiping si Maria ng isang gabi. Pumayag naman si gaga, kaya't nakuha niya ang bangka, para naman ito sa kanyang mahal na si Jose. Pag dating niya sa isla ni Jose, sinabi niya ito, pero nagulat siya dahil ikinatwa siya ni Jose, hindi niya matanggap na hindi na birhen si Maria. Lumayas si Maria, bumalik, sa kanyang isla at isinumbong ang lahat ng pangyayari kay Juan, na matalik na kaibigan ni Maria. Sinugod ni Juan si Jose at pinatay niya ito. Bago mamatay si Jose, nakita niya si Maria, humahalakhak na sinabi "Buti nga sayo".


    Tapos na ang kwento. Ngayun, himayin natin ang kwento, sino ba talaga ang may pinakamabigat na kasalanan? Si Jose, Maria, Pedro, o si Juan? Kung gusto niyo magpalitan tayo ng kuro-kuro sa aking comments page, para mabuhay naman ito, lagi kasi itong stroke.

    Sana din iboto niyo ako para sa Pinoy blog of the week

    ------------------------

    "And lastly"... natutuwa ako sa asignaturang Pilosopiya, marami ako nalalaman.... may iniwan nga saaming parilala, hindi ko pa rin ito maintindihan hanggang ngayun, alam kong ito'y "ambiguously redundant", pero pano mo ito aayusin?

    "No unclever is not non-stupid"
    Sa mga matatalino na nagbabasa, tulungan niyo namang ako maintindihan ito.... salamat po... wag kalimutan bomoto!

    19 Comments:

    Blogger Jinjiruks said...

    hehe.. no unclever double negatives.. magiging positive nba sya? as well as not non-stupid.. being clever is stupidity?

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    eh ung tungkol kay maria't jose? ano tingin niyo?

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    errr.... naku! ha! wala akong naintindihan sa post mo! ahihihi... ang hirap i comprehend... ang tingin kongmay kasalanan ay si Jose dahil sya ang lalaki tapos hindi sya ang pumunta kay maria.

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    Sa totoo lang ang may kasalanan nyan ay si Nene... kase siya ang nagsabe kay Jose na sabihin kay Maria na tumawid sya sa tubig. Naisip ni Nene na hamunin si Jose para mapatunayan ni Maria ang kanyang pagmamamahal. Pero merong ibang motibo si Nene... para mamatay si Maria or manghiram sya ng banka kay Pedro. Kasabwat ni Nene is Pedro. Si Nene ay mayroong pagnanasa kase kay Jose at gusto nyang maghiwalay sila Jose at Maria. One way or another magkakahiwalay sila. She would either die or gets pregnant by Pedro.
    err wow its harder to explain in tagalog. anyway yea... no one won there except Pedro because he got to sleep with Maria.
    *bow*

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    no unclever is not non stupid. meaning - walang bobo (unclever) ang hindi (not) matalino (non-stupid).

    LABOOO! ahh nasta yun na yun.

    alam mo, pansin ko lang - kapag sumasakay ka ng FX - kung anu-ano ang storyang nagagawa mo!

    at kay maria, jose at kung sino pa yun. nakakagago lang. bigla na lang sumulpot si juan, tapos nakipag-siping pa si maria kay pedro para lang kay jose.

    LABOO. un lang! http://utakgago.blogspot.com comment ko!!

    Tuesday, 11 July, 2006

     
    Anonymous marty said...

    "no unclever is not non-stupid." so does that mean na ang isang hindi madiskarteng tao ay hindi ibig sabihing bobo? ay ewan ko seo. kinakalawang na utak ko. HAHAHAHA.

    anyway, nice nman ng kwento mo. makasakay nga ng FX para makisip rin ako ng mga ganyang kwento, at may pasiping-siping pa. HAHAHAHAHA.
    ang may kasalanan dyan eh si JOSE. in the first place, LALAKI siya. kung sakaling siya na ang nanghiram ng bangka, walang mangyayaring siping-siping na yan dahil naman siguro lalaki ang may ari ng bangka. ay ewan. kakagago eto. hahahaha.

    huy, i knw how it feels na talagang kina-career ang paghigop sa sago. hahahahaha. grabe. yung tipong sarap na sarap kang higupin yun pero at the same time, ang dami mong hirap na pinagdadaanan bago makain. hahahaha. KAYA PARANG FEEL NA FEEL MO ANG BAWAT SARAP NG SAGO DAHIL SA ALAM MONG PINAGHIHIRAPAN MO TALAGA ITO! HAHAHAHAHAHAHA. yan nman, yan ang sago't gulaman! hehehe.

    Tuesday, 11 July, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    wala naman akong ginawa kundi tumawa lang sa post mo..hahahah..

    no unclever is not non-stupid?!?!?! what the heck does that mean?? haha..hindi ko din gets eh x_x

    wala..kasalanan un ni jose.. eh kung mahal nia ba si maria eh dapat naintindihan nia sia db?? nagsacrifice na nga si maria para sa kanya tapos baliwala lang para sa kanya..tsk tsk..unfair un.. kaya naman siguro sa sobrang pagkadepress, nabaliw at kung ano na sumagi sa kukote nia.. aun, bilis ng karma.. haha

    haha..namimiss ko na sumakay ng fx...and pati kumain sa goldilocks..oist..padala ka naman ng siopao ng goldilocks dito oh..hehehhe

    it's nice to be back here ^^

    Tuesday, 11 July, 2006

     
    Blogger xienah said...

    si jose ang may kasalanan
    dahil in the first place
    kung mahal niya si maria
    dapat hindi niya hinayaan
    na makatawid yun
    sa dagat na may pating.

    no unclever is not non-stupid.
    cancel mo lang ang mga negative magiging positive kaya
    clever is not stupid.

    para kasing
    we cannot not communicate
    din yan.
    lalabas na
    we can communicate.

    tae.
    haha.

    Tuesday, 11 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    Masisi niyo ba si Jose, wala ngang bangka sa isla nila... sa isla lang ni Maria.... atsaka pwede naman sabihin ni maria na hindi siya makakapunta dahil nga dun sa favor ni Pedro... pwede naman tumanggi ang dalada pero hindi niya ginawa! wahihihi

    Tuesday, 11 July, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Lahat naman sila may kasalanan! Si Jose ay gago dahil napakaclose-minded nya, at si Maria pa talaga ang pinatawid nya! Si Maria naman, walang respeto sa sarili at walang consensiya! Si Pedro, bastos, pinagsamantalahan ang pangangailangan ni Maria. At is Juan pinatay si Jose dahil lang sa sinabi ni Maria! Sira ulo silang lahat!

    Pero kung kailangan mamili ng isa, Si Pedro ang dapat sisihin dahil, kung pinahiram nalang nya yung banka at di na humingi ng pabor, edi wala na tayong problema! Pwede na ba yang sagot na yan?

    Tuesday, 11 July, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    waw! anu ba yang kwento mo! hehehe... grabi... walang kwenta si maria!!! pero si pedro parin ang mas walang kwenta...!!!!

    No unclever is not non-stupid >> double negatives nga.. :)) hindi ko rin tuluy naintindihan! wahaha... napadaan.

    Tuesday, 11 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    rens, sabagay may point ka... pero mahal nya talaga si Jose. Dapat si jose ang gumawa ng paraan...

    Tuesday, 11 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    wahahah ewan ko sainyo! whahaha sasabog na utak ko....

    Tuesday, 11 July, 2006

     
    Blogger j.0.d said...

    no unclever is not non-stupid

    sinasabi lang na walang bobo na matalino. un lang.

    himayin din natin.
    no - wala
    unclever - bobo
    is - ay
    not - hindi
    non-stupid - matalino/mautak

    diba?

    heh. actually. kasalanan ni jose. kasi wala na akong ibang masisi. hehe

    peace.

    Tuesday, 11 July, 2006

     
    Blogger aahhhron said...

    I'm back.

    "No unclever is not non-stupid."

    Masyadong double negative. Maayos nga.

    No unclever man is clever.

    Mas ok di ba? Haha

    Wednesday, 12 July, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    Nakaka aliw ka talaga Heneroso.

    You're making me miss Goldilocks. Don't worry I also have that sound when I deal with gulamans. Hahaha..

    Hindi ko talaga na gets ung iba. Pati ung clever unclever ek ek.

    =P

    Cge i-post ko ung JUIGY version next post. Hihihi

    Wednesday, 12 July, 2006

     
    Blogger shang said...

    Astig nung story. Tamang tama dahil bumabagyo ngayon. (KONEKSYON?) Sa aking palagay, ang masama ay si Jose dahil hindi niya naintindihan na mahal siya ni maria kung kaya't nagawa nito ang di dapat niya gawin kay Pedro, napasubo siya (Hehehehe ;)) Ang sunod naman ay si Pedro, dahil abuse of power siya tulad ng mga tao sa gobyerno ng pilipinas.

    At ang bilog ay si maria, dahil dati siyang mabuti na naging masama nang itinatwa siya ni Jose.:D At siguro si Juan ay ano.. OKAY lang siya. :D

    Naks, semi-novel analyzation na ang ginawa ko kung hindi man, dahil shorter than short story naman ang istorya ng magsyota.:D

    Baka magphilo rin ako for college, good for law school daw eh :)

    `http://the-sansoucious.blogspot.com

    daan ka rin ng blog ko :) (pag may time ka)

    Wednesday, 12 July, 2006

     
    Blogger shang said...

    This comment has been removed by a blog administrator.

    Wednesday, 12 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    post deleted amp?

    Wednesday, 12 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Hik! hik! hek! hik!
  • kumukokak
  • mondar... random
  • ....
  • Patay kang bata ka!
  • Quiapo
  • emo at english
  • NEW LAYOUT
  • si Rizal at si Doding Daga
  • MALAGU?
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.