Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Sunday, July 30, 2006

    Remote Control

    Friend: Haay, gwapo ka sana payat mo lang.

    Heneroso: Hayaan mo, magpapataba ako para sayo.

    Friend: Dapat lang noh!

    Heneroso: ewan ko ba, nde ako tumataba...

    Friend: Gusto mo sayo nalang taba ko??

    Heneroso: err, no... madumi ka eh.

    Friend: mas malinis pa ako sa yo gegu!


    Haaay, isinusumpa ko, sa aking katawan, ako'y tataba! bigyan ninyo ako ng isang buwan. Ngayun seryoso na ako! kailangan ko tumaba! Pag hindi ito nagawa, sa loob ng isang buwan, titigil lahat ang tibok ng puso ng lahat ng may account ng blogger. Ayan ang aking sumpa! Bwahaha! Lahat kayo mamamatay! ahihi... haay kakornyhan ko talaga oo.... WALA nanaman ako magawa sa buhay.

    Linggo nanaman, at wala ako magawa kundi kumain at matulog, ewan ko ba wala akong mga "adventures" ngayung araw, pero natulog lang ako, at hindi ko matandaan ang aking panaginip. Umalis na nga pala ng tuluyan si Glenda, at ngayun rumaratsada naman ngayun si Henry, haay masarap parin matulog dahil umuulan, kaya't nakahilata lang ako buong araw! Nakakatamad talaga, sana bukas walang pasok. Natapos ko na din ang lahat ng asayment ko para bukas. haay, nakipagchat din ako kung kani-kanino ngayung araw. May Webcam pa! Pero "wholesome" po ako, hindi ko kayang paligayahin ang lahat, sorry, hindi ko kayang magshow!! Isang gabi kasi, may "creepy old man" na nag message sakin, habang ako'y nag wewebcam, nanuod siya at sabi niya, "Lower, lower" ahihihi wala lang... Joke lang un... ahuhuh

    Mahirap talaga kapag malakas ang iyong "Sex Appeal" Minsan, bigla nalang yumayakap ang mga tao sayo, para bang may magnet sa buto mo. Ewan ko ba, sumpa na ata ito... hay wala nanaman ako magawa kaya't nakakapag imbento ako ng mga storyang "JOKE"... pero ika nga nila, "Jokes are half meant, ergo, Im half sexy??" ahihi.. ganun ba iyon?

    Habang isinusulat ko ito, inis na inis ako sa pinapanuod ng mga tao dito, ung kay Sharon Cuneta, isama mo pa ang baklang si Uma, na co-host niya. "Fan's night" daw ang tema ng kanilang show ngayun, haay... wala lang, naiinis lang ako, sa mga ganyan, parang parepareho lang ang mga ganyang show, pati sa ibang bansa, katulad ng kay Oprah, at Tyra na kahit na maraming may gusto sa kanila, ayaw ko parin ng mga ganyang mga "talkshow" haay... isama mo pa ang "Home boy" at ang walang kamatayang "Sis" na gusto ko nang masunog sa impyerno ang mga sponsor na nagbabayad ng show nila... Ewan ko ba, korny lang talaga siguro ako kaya't ayaw ko ng mga talkshow at mas gusto ko ng "gag shows", na mas walang kwenta. Gusto ko kasi wala akong iniisip kapag nanunuod ako, ayaw ko ng papaisipin pa ako, pero minsan... kapag tinopak ulit ako gusto ko ang mga ganuong shows katulad ng "Nip/Tuck" ... lipat lipat lang ako ng channel, at akalain mong sa channel 5, kung saan "iba tayo" may Pinoy Idol na! wahahha nakakatuwa naman, nag "franchise" na pala tayo nito, balita ko mahal ito ah! nakakatuwa naman, wala lang, sisikat kaya ito? Ito na kaya ang magpapa-angat sa Ch5? haay.. tingnan nalang natin sa susunod na araw! Hanggang dito na lamang, la na ako maisip eh.. haay

    14 Comments:

    Blogger Johnjan said...

    may extra packets of fats and cholesterol ako dito. gusto mo? malinis ito at purong-puro. mala-Birjin cucunat oyl to! wahehehe =P

    Sunday, 30 July, 2006

     
    Blogger teepsee said...

    mag-coke diet ka dude. as in every meal mo, may kasamang coca cola. give it a week, presto, tataba ka na. hehehe =p

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger Jinjiruks said...

    phil idol? sa ch.5 ewan ko lang.. mga judge nde bigatin.. wala lang.. si cayabyab lang pwede.. pero yung 2.. nah..

    choco power ka na lang lalo na cadbury.. jowk

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    "Jokes are half meant, ergo, Im half sexy??"

    Natawa naman ako sa mga pinagiisip mo! hehe! Ako din hindi mahilig manood ng talkshows, nakakainip! Wala namang bagong sinasabi! Mahilig din ako ng gag shows pero hindi local! Corny magpatawa ang gag shows natin eh! SNL or MadTv and pinapanood ko!

    Monday, 31 July, 2006

     
    Anonymous rina said...

    i can donate some fats if you want. it's FREE. hahahaha. donation nga eh. tsktsktsk! pero pwede ka magbigay ng tip LOL~ haha. palit tayo... tsktsksk

    talkshows.. hahaha.. gusto ko ano.. ewan ko.. wala di ako mahilig sa ganun.. nyahaha... jerry springer HAHAHA sabog~ :D daan daan lang ako :)

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger kuazee said...

    hahaha. medyo korni nga ang pinoy tv shows.. ang pinoy idol!? omigosh.. magkaka-william hung na ba ang pinas.

    speaking of fats.. ba't di ka kaya magweights?! mas ok yun kaysa magdagdag ng taba.

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Haha! Parang kilala ko si "creepy old man". Nyahahaha! Natatawa ako. Hindi naman siya ganun ka-old.

    Anyway, pinanood ko na lang ang Pinoy Idol kagabi. Wala lang, nakaka-aliw din. Kaysa naman yung kina-Sharon at All Star K! Nyahahaha! Aabangan ko na linggo-linggo yung PI.

    Ayun.. yun lang. Gym tayo para sabay tayong tumaba. LOL.

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    hmmm

    hmmm

    lets give pi some time para malaman kung sisikat

    aliw tlaga ang super mario

    hehe

    by the way

    highway

    ung logic mo

    hmm

    bahala ka

    sariling paniniwala mo yan e

    hehe

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger Donya Quixote said...

    hay naku frustrating talaga ang filipino tv. wala na talagang pag-asa. [but yeah, i confess that i do watch oprah.]

    nagpapataba din ako!!! [mabuhay ang mga payatot!] plan ko, one glass of full-cream milk every day. sa tingin mo, tataba ba ako dun?

    Monday, 31 July, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    gusto ko din mag-gain. kaso i think it's easier to lose weight than to gain. and what if your stomach's really small? It's unfortunate, really.

    -jed tabulas.com/~the_madhatter

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    hindi ka na talaga tataba! wahaha.. joke lang.... at naihalo mo pa ang sis... naalala ko.. nung last last week nagtaping ang sis sa mater,,, wahaha.. ang korny.. ehehe.. la lang...

    antagal magame over.! ^^

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger aahhhron said...

    Natuwa ako dun sa kumanta ng Voltes5 theme sa Phil. Idol. Haha

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger Jinjiruks said...

    na curious tuloy ako sa creepy old man gener.. saang chat room kba naglalalagi.. bakit may lower your cam pa.. haha..

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ahihi nde ako pwede sa Chatrooms... kakilala ko ung creepy old man na yun...
    whaihihi

    Monday, 31 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Ekshush meh!!
  • Carefree
  • Mikeni Picnic Hotdog ko
  • Tae mo, tae ko, tae nating lahat
  • Teorya ni Machiavelli
  • Binubulitas nanaman si Manny!
  • Braces produce good-looking people.
  • Ako si Bonjing
  • Anong Bago?
  • Sore ry...
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.