Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Monday, July 31, 2006

    Rainy days and mondays, always makes me cry... :-(

    Kaninang umaga, umuulan nanaman ng malakas, maaga palamang sinabihan na ako ng aking Ermats na magdala ng payong pero hindi ko siya sinunod, ewan ko ba kung bakit. Umiral nanaman ang aking pagka "Rebel with a cause". Sabi kasi niya na kapag naulanan ako magkakasipon daw ako, ang sabi ko naman, "It's not the rain, it's the virus" Umiinom naman ako ng Vit. C, at multivitamins. Kaya simula pa nung umulan hindi pa ako nagkakasipon o anumang trankaso. Ewan ko, yun na ang paniniwala ko, pero talagang tama palagi si Ermats, hindi nga ako nagkasipon o lagnat, mukha naman akong basang sisiw kanina. Nasira ang preparasyon at arkitektura ng aking buhok na pinaghirapan ko ayusin ng 15 min... Haay, sa susunod talaga magdadala na ako ng payong.

    Wala nanaman nangyayari sa skool ngayun, absent ang propesora sa CWG, at nagalit saamin ang propesora sa ENG101, mabuti naman kahit papaano, umalis siya ng maaga. Late nanaman ang propesora sa Lit, pero ayus lang, nakuha ko na nga pala ang "college shirt" ko... ayus lang talaga ang "design" ang ayaw ko lang ay ang kulay, itim... magmumuka kaming papuntang "rock concert" mabuti sana kung may puti, o blue, basta't wag lang itim... pero wala na ako magagawa, itim na ang nanalo, at kailangan isuot kung hindi OP ako bukas para sa aming GA day.

    Pwede ako magpuyat ngayun, dahil hindi naman ako maaga bukas, kaya sana marami mag pa mag online, akalain ninyong 9 ym windows, at 5 tabbed sites ang pinagsasabay sabay ko ngayun, kaya ganito ang pagsulat ko ngayun ng blog paiba-iba ng "topic". Habang tinitingnan ko ang blog ng ibang tao, ikinumpara ko yung kanila saakin, parang bulok ang blog ko kumpara sa kanila, kaya ako... "insecure" nanaman. Kaya nagpaplano ako ng bago para sa aking mumunting na blog... pero paunti unti lang ang pag babago, sabi kasi sa isang "test" orange dapat ang kulay ng aking blog, swerte din ito para saakin.

    Habang sinusulat ko ito, nakakachat ko nga pala si Rina, tungkol sa mga lovelife, haay, ansarap talaga makipagkwentuhan ng lovelife kapag umuulan, bakit nga kaya? Ako'y may amats sa pag "reminisce" sa mga nakaraan at hinaharap, ang mga dilema ng pag-ibig, nga naman. Kung matatandaan ninyo, ang una kong post, sinabi ko na ipinanganak ako sa araw ng mga puso, pero hindi ibig sabihin na ako'y "successful" sa larangan ng pag-ibig. Hanggang ngayun, hindi ko pa rin siya nakikita... haaay, ewan ko lang, baka nakita ko na o naka-usap pero hindi ko lang pinansin. Ewan ko ba, marami ang nagsasabi na "manhid" daw ako, hindi nila alam ako'y nagmamanhidmanhidan lamang dahil ayaw ko masaktan... GRRR eto nanaman ang ka "MUSHYHAN" ko! Ayaw ko na ipagpatuloy, kung gusto ninyo malaman ang kwento ng buhay ko sa YM nalang para mas "intimate" tayo, basta't wag mo lang ako sabihan ng "lower, lower"

    11 Comments:

    Blogger aka ZORD said...

    hmmmm

    hmmm

    lablyf nnmn

    haha

    hmmm

    busy busyhan ba..

    wala na ako masabi

    haha

    basta

    higher

    higher

    hehe

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger Jinjiruks said...

    haha.. higher gener higher.. sawa na kami sa lower..

    Monday, 31 July, 2006

     
    Anonymous cars said...

    reens.. ngayon lang ata ako magcocomment tungkol sa layout mo. buahaha. ang daming ngipin! pero ayus lang. hahaha. mahal ko ang ulan. napapaisip ako tuwing umuulan habang nakapulupot dto sa harap ng computer kasi ginaw na ginaw na ko. pano ba naman kasi, naka number 3 ang electric fan sa kwarto at tapat na tapat pa sa kin. hahaha. eh natatamad naman akong galawin. tska naisip kong sayang ang hangin pag hindi nakatapat sa akin. ahahha.

    ay nako, ka yong mga lalake, mas matagal pa mag ayos ng buhok sa babae. .. well, at least sa akin. =)) isa lang nman itsura ng buhok ko kahit anong gawin mo eh. haha. waah. goodluck sa lablyp. waka ako nyan. :D :P

    Monday, 31 July, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Wahahahaha! Natawa talaga ako sa ending ng blog post mong ito! "LOWER! LOWER!"
    Wahahahahaha!

    Para sakin ayus lang ang black tshirt! Paborito ko yun eh! LOL!

    Ako din nagseselos sa mga blog ng iba dyan! LOL! Ang panget ng sakin! waaaah!
    Gusto ko ang dating ng sayo, simple pero nakakaaliw! :)

    Tuesday, 01 August, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    grrrr! lower lower! hahaha!

    naku po... ulan ulan... parang lahat ng blog ngayon ulan at pag rereminice ang topic. ahehehe.

    amp nga kanina eh. nagdala ako gn payong tapos yung tubig sa kalsada pumnasok naman sa sapatos ko! grrrrness!

    anyways... yunlang. :)

    Tuesday, 01 August, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    Mother knows best ;)

    Tuesday, 01 August, 2006

     
    Blogger pam said...

    eh kamusta naman kasing hindi magdala ng payong eh talagang tag-ulan.hehe.. natawa naman ako dun..:-)

    anyway, makikita mo rin yan kung sino man yang nakalaan para sayo.naks.hehe.

    magdala ng payong..=)

    Tuesday, 01 August, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    i love black..my wardrobe's full of black, red and white.. hehehe

    nyweiz..love life..err..di ako makarelate eh..manhid na ako sa ganun x_x joke lang..hahahah.. mxdo kasing complicated kaya hindi ko mxdo pinaguusapan un as much as possible..-_-

    yan, basang sisiw ka na tuloy..ahahah.. payatot na nga eh naging stick pa..HAHAHAHA..

    kung ako sau, hindi ko icocompare blog ko sa blog ng iba, coz syempre unique sarisarili natin blog diba??? hehhe

    Wednesday, 02 August, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    nyeeh corny mo...
    just go drink your medicine! so you can feel better...
    lovelife lovelife... pffft...
    and at least you made your own layout dude...
    pffft lower ka jan... nyeehh...

    Wednesday, 02 August, 2006

     
    Blogger Donya Quixote said...

    lower... lower...

    hahaha

    ako din, di na nagpapayong, kasi yung payong ko, pang-barangay. nakakahiya, buong sidewalk nagppart para sa akin. parang moses and the red sea lang: "MAKE WAY FOR THE GIANT UMBRELLA!"

    at oo, masaya talaga magkwento ng lovelife sa chat.

    lower... lower...

    classic talaga yan. hehehe

    Wednesday, 02 August, 2006

     
    Blogger justine said...

    Mother knows best talaga!

    Okay naman ang layout mo... Killer smile sa itaas.. Ehehehe... At ang buhok, talagang dapat ay may arkitektura... Naks naman!...Sa lablyf nmn, well, hindi ako mxdong mka-relate... Masa masarap mag-aral kaysa maghanap ng minamahal. Ehehehe...Goodluck sa lablyf at s GA Day nyo!

    Wednesday, 02 August, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Remote Control
  • Ekshush meh!!
  • Carefree
  • Mikeni Picnic Hotdog ko
  • Tae mo, tae ko, tae nating lahat
  • Teorya ni Machiavelli
  • Binubulitas nanaman si Manny!
  • Braces produce good-looking people.
  • Ako si Bonjing
  • Anong Bago?
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.