Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Monday, July 03, 2006

    Quiapo

    Grabe, sa tatlong linggong pag sakay ko sa LRT, ngayon ko lang namaster ang pagtayo ng walang hawak na pole. May "stance" kasi na sinusunod para magawa ito, at kung gusto mo mamaster ito, kailangan mo ng mahabang preparasyon. May Yellow belt, Pink belt at siyempre pag master ka na Purple Belt. Pakiramdam ko ang galing galing ko kapag nakatayo ako sa LRT at wala akong hawak na pole, tinitingnan ko ang iba, dalawa dalawa pa ang hawak. Nung baguhan ako sa LRT, MRT pa ang tawag ko, at dalawa din ang hawak ko sa pole na iyon, kulang nalang ay gumiling ako at mangseduce ng baklang nanghihipo. Hindi ito madali, medyo pagewanggewang ang LRT bandang J. Ruiz, kaya't mag-ingat.

    Simula nang sumasakay ako ng LRT, hindi na ako nalate... kapag 7 na, sumasakay ako ng uber mahal na pedicab. Hindi ko naman masisi kung bakit mahal maningil ang mga pedicadista, ansakit sa singit mag padyak! sigurado pawis iyon araw-araw. Karaniwan ako sumasakay sa dyip, na sobrang tagal lumarga naghihintay talaga ng mga pasahero, siyempre hindi ko din sila masisi, may "discount" ang lahat ng pasahero niya, kaya kailangan mapuno niya kundi luge siya.

    ---------------------------------------------------------

    Kanina nga pala, ramdam na ramdam ko na ako'y assassin na nagtetraining, prang sa "Kill bill" ung ginawa ni Pai Mei kay Beatrix, talagang ganito sa buhay, hindi puro sarap. Nagkaroon ako ng misyon, ang pumunta sa Quiapo na bente pesos lamang ang pera, walang sinturon, walang polo, kargador istayl. Grabe, kakaiba talaga sa Quiapo, pero hindi naman ako na "Culture Shock" dahil sanay ako dito. Mabuti nalamang ay nagtraining din ako sa Cubao. Madami ako nakita sa Quiapo, may kung ano-anong tinitinda, katulad ng mga pekeng DVD. Naasar nga ako at bente pesos lang ang dala ko, kung wala ako misyon dun sana binili ko na ang mtagal ko nang hinahanap na DVD/CD ng "Battle Royale" ni Chiaki Kuriyama. May mga binibenta ding blower, panty, brief, vibrator na may tatak na "thunder stick pro", atbp, lahat makikita mo, nawili pa nga ako dun sa isa na parang singsing pero may tusok tusok at gawa sa goma, pero hindi kasya sa kamay ko, medyo malaki ito, san kaya sinusuksok iyon? Anyhoo, nasa misyon ako, hindi ako dapat magliwaliw, anghaba ng nilakad ko, pakiramdamo ko nagtreadmill ako para lang makita ang isang bukstor. Naasar ako sa "National Bookstore" dahil hindi sila nagbebenta ng hinahanap ko sabi saakin ng isang saleslady na may malaking nunal sa ilong, "Manong WALA NA PONG GANYAN NGAYON" Aba'y tawag saakin ay manong, eh mas mukha siyang matanda saakin! Kaya sabi ko sakanya, "HOY MANANG DISPATSADORA, PAG MAY NAKITA AKONG GANYAN SA IBANG BOOKSTORE ISASAMPAL KO SA NUNAL MONG TINUBUAN NG MUKA!"... pero hindi ko talaga sinabi iyon, nasa isip ko lang, umalis ako sa kanilang bookstore na nagbabalak na sunugin ito balang araw. Walang katapusan ang lakad ko, sa buong Quiapo, at nakaabot akong Avenida. Sa wakas natagpuan ko ang aking hinahanap. Lakad ulit ako, lakad pa, lakad ng lakad, walang katapusan... at sa wakas, sumakay ako ng UST Dapitan. Sa sobrang pagod ko, nakatulog ako at lumagpas sa UST, wala akong dalang pera, nagastos ko na lahat! Pero talagang kakaiba ang pagkakataon, hindi ko alam kung siya ang seraphin na nagbabantay saakin, pero may isang aleng inabutan ako ng sais pesos, talaga naluha ako... sa kagalakan, isa talagang anghel ang Aleng iyon. Kaya't sumakay ulit ako sa dyip at sinigurado ko na sa UST ako bababa. Tinakbo ko ang opisina ni Pai Mei, pero laking gulat ko, hindi ko na siya naabutan, siguradong durog nanaman ako pagkakita ko sa kanya sa susunod, umalis na ako, at naglakad nanaman....

    ...Naasar ako dahil nagsulat ako ng entry kahapon, parang gusto ko burahin, pero nabasa niyo na, at wala na kwenta.... talagang kakaiba ang mga nangyayari ngayun, hindi ko alam kung sa paligid ko nagmumula ang problema o sa akin na mismo... gusto ko malaman kung ako na ang problema...
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    grrrr KA KIRONOBU-KUN! nahahawa ako sa ka Emo han mo!

    8 Comments:

    Blogger juice is justine said...

    Buti you're not getting late na.

    Yeah what sucks about those jeeps is they wait until it gets suffocately full until it totally goes off.

    Hahaha EMO!!

    Monday, 03 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    lolz! you've deleted your post! haha! emo ba yan? hindi naman ha...

    Monday, 03 July, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    Hahaha EMO BOY!

    paborito ko ang battleroyale. Hehehe streppers pol hahahaha. Tol... hinay hinay lang...

    Monday, 03 July, 2006

     
    Anonymous hannah said...

    ayus ha... dumayo pang quipo... may mga bookstore din naman sa may tapat ng FEU...

    road trip!!!

    Tuesday, 04 July, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    wahaha sa payat mong iyan na tawag ka tuloy manong! :)) hehehe..... naeemo ka na ng ganyan.. ha!? hehe.. joke lang.. napadaan lang.. o ayan ha.. nagcomments na ko. :|

    Tuesday, 04 July, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    hayan ang mahirap kapag nacocommute ka lang... lalo na kung jeep lang ang sinasakyan mo... bawat kanto terminal ng jeep! grabe, bawat kanto na lang di pwedeng magistop ang jeep! grr... tapos malalanghap mo pa ang lahat ng usok!

    Tuesday, 04 July, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    oh, the comment above this was from me. tinotopak kasi ang blogger as of the moment..

    christian
    asteeg.net

    Tuesday, 04 July, 2006

     
    Blogger justine said...

    masaya talaga ang mag-commute lalo na sa lrt. adventure ang sumakay dito. ayun... regarding naman sa mga salesgirl ng mga bookstore, kkbanas tlga ang mga taong gnyan... young at heart. sna nkikita nla ang sarili nila sa slamin. ehehe..

    Wednesday, 05 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • emo at english
  • NEW LAYOUT
  • si Rizal at si Doding Daga
  • MALAGU?
  • Pagod
  • Nakanangtuts Longkatuts!
  • Eng-eng english...
  • Panaginip at basaan, sa english... wet dreams... a...
  • Kurimaw in the haws!
  • Tourist
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.