Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Tuesday, July 04, 2006

    Patay kang bata ka!

    Pagod na naman ako, andami ko na ginagawa, wala na ako oras sa sarili ko, pero sa isang kakatwang dahilan, nakakapagblog pa din ako. Sorry nga pala sa mga nagtatag na hindi ko manlamang narereplyan sa kani kanilang blogs, talagang madami ako inaasikaso sa eskwela. Pero naagaw ang aking ulirat sa isang nagtagg, nagpakilalang "concerned citizen" ... hindi ko maintindihan, siguro sadyang mahina ang aking "comprehension" o talagang pagod lang ako. Sana, kung nababasa mo ito...at concerned katalaga, kontakin mo ako sa YM, at sana wala din magpapanggap, seryoso ito.

    Nasa voting list na nga pala ang tshirt na ginawa ko, sana kung may taga "Leg Ma" na nagbabasa nito, sana iboto niyo ang entry #1 or entry#2.... ako lang pareho gumawa nun. Naasar ako duon dahil sabi saamin na puti lang ang kulay na pwede pero bakit kaya may itim dun...

    Pagod ako ngayun, pero hindi kasing pagod ng kahapon. Cost-cutting ako ngayun, gusto ko makapag-ipon, ewan ko ba, gusto ko lang. Nagpapataba pa naman ako, talagang ampayat payat ko, pwede na ako ilibing, barong pa ang uniporme ng AB, kaya't bulak nalamang sa ilong ang kailangan. Naisip ko tuloy, kung mamatay ako? Ano kaya ang naghihintay kapag hindi na gumagana ang ating utak? Totoo kaya na talagang may espiritu? ... Malalaman ko nga pero hindi ko naman mailalahad. Kaya kapag namatay ako, isinusumpa ko, na kapag totoo nga ang espiritu, magbibigay ako ng "sign" sa LAHAT ng nagbabasa nito. Kaya't pag nabasa niyo ito, kayo ay markado na ng aking sumpa. Pero nararamdaman ko naman na matagal pa titigil ang utak ko, naniniwala din ako sa isang paham na nabasa ko sa isang lyrics ng kanta "I'm not afraid of dying, i just don't want to" Ayaw ko masaktan ang mga tao sa paligid ko, at ayw ko din lumigaya ang mga kaaway ko, kaya nandito pa ako, may misyon pa ako, hindi ko lang alam kung ano.

    .... isa lang ang tanong na napagtanto ko... Kapag namatay ako, ano ang masasabi mo? Sana ilagay ninyo sa aking komento.

    ---------------------------------

    Nako po! baka isipin niyo na suicidal ako ah! wahihihi la lang... pagod lang ako. Kaya't hindi ako makapagreflect ng nakakatawang entry.

    -------------------------------------

    ahihihi iboto mo naman ako para sa week 11! please po!




    ANO? IBOT NIYO NA AKO!

    henerosobistokya


















    Free polls from Pollhost.com

    6 Comments:

    Blogger Jigs said...

    Ha! I feel the same way you do! I've been soo tired and stressed lately that I can't compose a really good post! Got a lot on my mind but I can't seem to gather my thoughts.

    Tuesday, 04 July, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    sa totoo lang nung binabasa ko itong entry mo... di ko naisip na suicidal ka... ikaw lang ang nagsabe... pero yea pahinga ka! At ang weird nung post ni "concerned citizen" Di ko ren maintindihan... At huy... aasahan ko ang pagdalaw mo sa akin at bigyan mo ako sign hahahaha... hahahahahha... natawa ako dun... at ayusin mo nga mga post mo para mawala yung link... nakakainis eh

    Wednesday, 05 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    nasagot ko na yan sa YM...

    Wednesday, 05 July, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    Huuyyy!! Don't talk about that! Those kinda things freak the hell out of me kaya wala akong masabi. Grr..

    Ang busy pala ni Gener. Kung gusto mo tumaba, may gatas naman para dyan. WEIGHTGAIN tawag (obvious ba?) hahah. Available yan dito sa Indo di ko alam if it's sold sa Pinas. Cge goodluck and don't talk about dying or suicidal notes anymore!

    Wednesday, 05 July, 2006

     
    Blogger mai said...

    hmmm...nagiging morbid ka pala kapag sobrang napapagod hanubez!

    akala ko ang sasabihin mo pag nawala ka na, magblo-blog ka pa rin para ilahad ang mangyayari sa utak mo..hihi!

    sige gud luck...sana ikaw manalo sa t-shirt design contest na yan. :D ngapala kelan ba start ng uaap? this weekend na ba? balitaan mo naman ako.

    Wednesday, 05 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    osige po ate mai! wahihi

    Wednesday, 05 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Quiapo
  • emo at english
  • NEW LAYOUT
  • si Rizal at si Doding Daga
  • MALAGU?
  • Pagod
  • Nakanangtuts Longkatuts!
  • Eng-eng english...
  • Panaginip at basaan, sa english... wet dreams... a...
  • Kurimaw in the haws!
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.