Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Friday, July 07, 2006

    mondar... random

    Grabe,sa sobrang pagod ko kagabi, at higpit ng iskedyul NAKALIMUTAN kong magsulat ng bagong "entry". Napakabusy ko din kasi, "first time" ko magswimming sa UST, maayus naman. Tinuruan kami ng "proper breathing" siyempre, sanay ako sumisid. wahihihi joke lang. Medyo insekyur din ako dahil naka "trunks" ako, at maliliit ang kaha ko, samanthalang ang iba may pandesal pa. Ang bakat ko, kalamansi, ang sakanila, "Lemon". ha'ay pero ayus lang, swimming naman ito at hindi "Bikini Open", at kahit papaano, natawid ko ang 20 feet na pool. Sana lang ay hindi ito, "begginer's luck".

    Pag ahon ko sa "pool" parang ang bigat ng pakiramdam ko, may tubig pa ako sa tenga, at sobrang itim ko. Masyado atang matapang ang klorinang nailagay, kaya't mas mabilis kami nangitim. Nang ako'y nagshoshower, napansin ko din ang "Trunk Line", grabe! amputi ko pala dati! Lakad nanaman ako, at pumunta akong Cubao, nakalimutan ko na hindi pala kami nagdala ng sasakyan, sana dumeretso nalang ako ng bahay.... kaya't pagod ako sa pag komyut kahapon. Andami din namin pagsusulit kinabukasan. Kaya't tumitirik ang aking mga mata at bumubula ang bibig ng gabing iyon.

    -----------------------------------------------------------

    Ngayun naman, laking tuwa ko at Friday na! Hindi ako gigising ng maaga bukas, pero aalis pa din ako. Pupunta kasi ulit ako sa aming paaralan para sumali sa isa pang org na patungkol sa debate. Matagal na ako interesado sa pagdedebate, pero hindi ko naman ito pinapraktis, kaya't estupido pa ako patungkol dito. Pero gusto ko talaga matuto, kaya't gusto ko sumali dito.

    Kakauwi ko lang galing sa aking paaralan dahil may mga inasikaso ako dito. Naalala ko, inimbita ako ng aking kaibigan sa UP na pumunta sa UP freshmen night, pero nakapagdesisyon akong wag nalang pumunta. Nakapunta kasi ako nun last year, at enjoy dahil madaming bandang tumugtog, kahit hindi ako taga-UP ayus naman... dun ko lang din naranasan makasama sa isang "Moshpit". Ha'ay, namimiss ko na din ang mga kaibigan ko noong hayskool, sana lamang hindi sila nagbago, o makalimot, dahil ako HINDI.

    Sana nga po pala iboto niyo ako para sa Blog of the week... TY

    9 Comments:

    Blogger Kiro said...

    haha nice one... namiss ko mga kaibigan ko jan... tingin ko di na nila ako kilala huhuhuhuh... matagal na ren kase yun eh... paano kaya if i didnt leave there... anu na kaya nangyare sa akin... tsaka hahaha calamansi hahaha baka sabihin mo buto ng calamansi hahahahahaha

    Friday, 07 July, 2006

     
    Anonymous maRty said...

    hahaha. patawa nman to o. haha. seo calamansi tapos sa knila lemon. hahaha. oonga, cguro may certain effects talaga yng chlorine na yan. hehe. nakakainis mangitim. tsk tsk.

    anyway, uy astig hah debate org. hayuf! hehehe. gudluck na lng sa lahat ng kng anu-ano pa!

    Friday, 07 July, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    hahaha naka trunks ka? hindi ba pwedeng mag board shorts nalang. kakahiya naman! tsaka turn off yun sa mga babae kung nag tru-trunks ang mga lalaki. hahahah. IMO ha..

    use whitening lotion so that you'll get white again. bakit hindi ka pumunta ng UP? i heard masaya daw talaga mga gigs dun.. :D

    o cge gudlack sa weekend mo!

    Saturday, 08 July, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    tugudoinkz. HAHA. ano ba course mo at tinuruan pa kayong mag-swimming? Proper breathing? DALI lang yan. tinuro naman saken yan, grade 3 pa lang ako.

    mala-eric buhain nga ako kung lumangoy eh!

    yun lang. DUMAAN!!! :D http://utakgago.blogspot.com

    Saturday, 08 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    ahihihi... wrong spelling yung beginner mo... hehe pero ok lang.

    nag swiswimming ka pala ngayon... goodluck nalang sa swiiming class mo!

    at may debate org ka pa na sasalihan! aba! naman! bibong bibo!

    Saturday, 08 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    at may drama ka pa sa hulihan ha... wag kang magalala... tuwing friday same plot at settings nina ron! ahehehehe!

    Saturday, 08 July, 2006

     
    Blogger xienah said...

    buti na lang
    hindi ka nga
    sa bikini open sumali.
    tagilid ka doon.
    swimming na lang.
    haha.

    Saturday, 08 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ahihihi!! Ung trunks.... Uniform po yun juicy... baka naman kasi maturn off kayo sakin! whaihihi

    Saturday, 08 July, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    swimming trunks?

    hala

    d ko makayanang mag suot ng ganun

    haha

    bat ba kasi swimmiong kinuha maong pe

    haha

    hmmm

    come to think of it..

    d me nakapag swimming ngaung taon n to a


    waaaaaaaaaa

    Sunday, 09 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • ....
  • Patay kang bata ka!
  • Quiapo
  • emo at english
  • NEW LAYOUT
  • si Rizal at si Doding Daga
  • MALAGU?
  • Pagod
  • Nakanangtuts Longkatuts!
  • Eng-eng english...
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.