Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Thursday, July 13, 2006

    Lagi nalang amoy ulan...

    Laking salamat ko at suspendido nanaman ang klase ngayun, pero sa loob looban ko, may maliit na tinig na bumubulong na sana ay may pasok ngayun. Madami kasi ako hinahabol sa aking iskedyul, madaming proyekto, at kung ano ano na kailangang gawin sa paaralan. Pero mas malakas pa rin ang boses ng tuwa dahil kahit papano makakapagpahinga ako ngayung araw. Napansin ko na sanay na talaga katawan ko gumising ng maaga, binuksan ko kaagad ang aking kompyuter pagkagising na pagkagising. Grabe! andami online sa YM, at ika nga ng isang blogger, buhay na buhay nanaman ang "blogsphere".

    Antagal ko na din hindi nakapanuod ng telebisyon sa pangtanghalian, napanuod ko ang Game KNB, at ngayun ko lang nalaman na iba na pala ang "format" ng show na ito. Napanuod ko din ang Eat bulaga, at siyempre nakakatawa pa din ang Bulagaan... oo na sabihin niyo na mababaw ang tawa ko pero talagang natutuwa ako kila Teri Aunor at Jose.

    Andami na talaga pakulo sa telebisyon ngayun, kanina nga nasulyapan ko ang "Daisy Siyete" at aba, may patambling tambling at sipaan epeks na ang show nila, iba na talaga ang panahon ngayun. Hindi ko na din maintindihan ang mga drama ngayun tuwing tanghali kaya't pinatay ko nalang ang telebisyon. Natulog ako, at pagkagising ko, malamig pa din... naghahanap ako ng init, pero walang kumot dahil sa sala ako natulog at puro "throwpillow" ang mga nandun. Nag internet ulit ako, nagsurf ng kung ano-ano. Inisip ko, na sana magpatuloy ito hanggang bukas pero hindi nangyari, may pasok nanaman bukas.

    Umaambon-ambon pa rin sa labas, at masarap mag senti sa ganitong panahon, pero wala naman ako pag sesentihan, kaya't gumawa nalang ako ng aking asayment... amboring talaga ng buhay ko. Kanina nga pala, pininaw ko ang uniporme ko na nabasa ng ulan, haay, mag-aamoy ulan nanaman ako buong linggo...

    8 Comments:

    Blogger mai said...

    saya sana noh? kung walang pasok ngayon..dere-derecho ang haba ng bakasyon haha! kaso di nangyari.

    kung kelan maraming online kahapon at buhay na buhay ang mga bloggers, tiyempong tinamaan ng virus PC ko nung hapon...badtrip..

    Friday, 14 July, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Masarap talaga kapag walang pasok. LOL. Nakakamiss ang ganyang buhay, sana makapasok na ako sa susunod na semester.

    Oo nga pala.. aminin mo na kasi. LOL

    Friday, 14 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    grrr ka jhed! no yun? nde ko gets?

    Friday, 14 July, 2006

     
    Blogger aahhhron said...

    Sana walang pasok on Monday.

    Friday, 14 July, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    ang mga longkatuts namen (katulong), adik sa daisy siyete. ewan ko ba. lagi ko naririnig ang kwentuhan nila sa kusina.

    game k n b? never heard. JOKE. nung grade 6 nanonood ako nun. 4th year na ako't lahat - MERON PA RIN BA NUN?

    haha. lagi na lang amoy ulan. tama ka. maalimoooooooog talaga. SOBRA.

    yun lang. sarap ng walang pasok no!!!

    Friday, 14 July, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    comment ko! http://utakgago.blogspot.com

    Friday, 14 July, 2006

     
    Anonymous maRty said...

    haay... buti nga at walang pasok keo eh. hehehe. ako walang problem, kain..internet..tulog lang buhay ko. buhay batugan kumbaga. hehehe.

    anyway, teri aunor tska jose?! AMP. ang corny kaya nila. HAHAHA. nabbwiset ako kpag EB, kung ano yung no.1 yun pa yung panget. HAHA. hay nako, lalo na yang daisy siete na yan. jusko. bakit may palabas na tulad nun? kbadtrip. HAHA. la lng.

    haay. sarap matulog sa gantong panahon pero wala man lng patak ng ulan dto sa cagayan de oro. T_T amfufu!

    Friday, 14 July, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Ako din gusto ko rin sanang pumasok ng thursday kung di umuulan. Madami din akong dapat ayusin sa skul.

    Di ako kapuso eh, at ako kong mang-okray dahil habang usapin yan! Magsesenti nalang ako sa ulan! HAHAHA!

    Friday, 14 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Brusko at ang Tulo
  • Si Goldilocks, Maria at Jose
  • Hik! hik! hek! hik!
  • kumukokak
  • mondar... random
  • ....
  • Patay kang bata ka!
  • Quiapo
  • emo at english
  • NEW LAYOUT
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.