Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Sunday, July 09, 2006

    Hik! hik! hek! hik!

    Haay, wala nanaman ako magawa sa buhay ko, pero nagpapasalamat ako at Linggo na, at walang ginagawa. Ngayun ko nalang ulit nakumpleto ang aking tulog kaya't babagal-bagal nanaman katawan ko. Tulog ako buong araw, pero nag-online parin ako. Sumasakit na ang ulo ko, para akong lashing, naduduling na ako. Kanina nga pala naabutan ko si "Giant Cheek Mole" na online, kwento niya na masakit daw ulo niya, dahil naka-inom daw siya. Aba! Lasing na nga nag-oonline pa din! Nagawa ko na din yan! wahahhah

    Sabi niya hindi daw siya lashing, pero halata naman, at walang lashing na umaamin. Pag lasing ka daw, hindi mo alam ang iyong ginagawa, pero para saakin hindi iyon totoo. Pag lasing, alam pa rin ang ginagawa, pero sinasabi lang na hindi alam dahil nakakahiya ito. Nadadagdagan kasi ang ating tapang kapag naka-inom. Pagmatapang ka, madami ka nagagawa, pero hindi ibig sabihin nuon na hindi mo na ito alam.

    Madali lang malaman kung lashing ang isang tao, una namumula. Pangalawa, kapag madaldal ang isang normal na tao, tahimik siya pag lasing, kapag tahimik naman, madaldal siya. Pero pwede din kabaliktaran. Siyempre, may kakaibang amoy din ang mga lashing, parang amoy Chiko, paborito ko pa naman ang prutas na iyon.

    Mahirap kapag nilasing ka, at nakatulog ka. Baka baliktad na "underwear" mo pagkagising. Natatakot ako sa mga ganyan, may kinwento nga saakin na "Atiban Gang" na naghahalo ng pampatulog sa mga inumin, at pagkatapos ay rerapin ka. Pagkagising mo, butas butas ka na. Nakakatakot talaga, kaya ako hindi umiinom nga tubig sa baso, gusto ko sa bote, o can.

    Balik tayo sa inuman, masaya makipag-inuman, bonding ika nga. Pero pangit kung linggo linggo umiinom, sakit na iyon. Nakakapangit pa ng kutis, ipin at figyur ang sobrang pag-inom ng alkohol. Kaya't steady lang kayo diyan mga kakosa ko sa kanto, umagang umagang kape niyo empi! Amp, atay niyo ang madadali diyan. Naasar nga ako sa kapit bahay ko minsan, lagi kasi may inuman sa kanila, tapos kapag tapos na ang sesyon AWAY NA! Basagan na ng bote sa mukha, yan ang wag natin gayahin.

    ...Sana minsan ay makainuman ko kayong mga blogger friends ko, para bonding naan tayo balang araw...

    11 Comments:

    Blogger juice is justine said...

    Wala ng English post. :(

    Hahah oo naka chat ko rin si giant cheek mole kanina. We talked about that rin.

    Ako ay madaldal, kapag lasing LALO naging madaldal! Apparently, according to my friends, kapag lasing ako, they take advantage of me (NOT IN THAT WAY HA!!) meaning they make fun of me and ask me to do things which are super embarrassing.

    One incident nga I was drunk (DAW) tapos tumakbo ako sa street, threw my bag in the middle and started crying. They followed me, and one of them almost got run by a taxi. And I never knew that happened.

    Gawd, I haven't had real INUMAN since April. Miss ko na.

    ...Sana minsan ay makainuman ko kayong mga blogger friends ko, para bonding naan tayo balang araw...

    Tama ka!! Huhuhu.. kelan kaya..

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    SIGE BA! inuuman tayo kapag nag-college na ko! HAHA. kita kits ha! (lul.)

    oo. ako, bata pa lang medyo lasinggero na ako. medyo lang. haha, kadalasan kapag wala kaming magawa ng barkada ko - magpapabili kami sa katulong nila na matanda.

    ayun. BEERy happy kami! haha. tapos nood movie, o kaya batuhan ng popcorn. tapos mamaya-maya, mahahalata mong lasing na kami. ako, tahimik kapag lasing. sila - lahat ng sikreto, nabubunyag!!

    aminado ako, marami rin akong nakekwento kapag lasing HAHA!!

    miss ko na ring makipag-inuman. nowadays kasi, lahat kaming magkakabarkada - inaasikaso ang applications for college.

    ayun lang!! http://utakgago.blogspot.com COMMENT ka tol!!!

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger Ymir said...

    sagot ko na lang kwento at makikipulutan. mahina ako sa inuman. hahaha!

    tumalon mula kay jinjiruks.

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger xienah said...

    occassional drinker
    kaso
    araw araw
    may okasyon.
    wahaha.

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger Dantes said...

    Inuman? San? Kailan? Paano? Walang maglalagay ng pampatulog ha! hahaha

    "Butas butas"

    This is really a funny term :)

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Too bad you no longer have english posts.

    Anyway, I've only been drunk once. I think tipsy is the right term, di ko kasi sure eh! LOL!

    I'm one of the people who hold the hair back of my drunk friends when they throw up and make sure they don't pass out on the bathroom floor.

    I drink but not to the point of getting drunk.

    Monday, 10 July, 2006

     
    Anonymous hannah said...

    bat hindi na english post mo ngayong sunday?

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ahihihi nde kasi nameet ung 20 post eh... kailangan tumupad

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    wow ha! siguro mangiinom ka rin... pero sa tingin ko hindi dahil under age ka pa..

    tinanong ko si GCM, pero hindi naman daw... ahihihi.

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    wala nang ingles!!!?? hehe sayang! haha... la lang napadaan... lasenggo ka! hehe joke langg... :))

    Monday, 10 July, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    errr... no comment

    Monday, 10 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • kumukokak
  • mondar... random
  • ....
  • Patay kang bata ka!
  • Quiapo
  • emo at english
  • NEW LAYOUT
  • si Rizal at si Doding Daga
  • MALAGU?
  • Pagod
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.