Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Saturday, July 29, 2006

    Ekshush meh!!

    Kagabi, nagkaroon ng "power failure" sa amin, kaya't hindi ako nakapag blog... actually, maaga naman nagkailaw eh mga 8:00, pero talagang inantok lang ako kaya't hindi ko na binuksan ang PC at ang aking blog (tamad lang talaga ako).

    Haay, wala na nanaman ako maisulat ngayun, bwiset kasi eh, kailangan ko pa gumawa ng isang article tungkol sa dalawang SONA ni gloria noong 2005 at 2006. Ipapagkumpara daw... isang aktibity sa Eng101, haay, wala nanaman magawa ang aming propesora, eh halata namang walang nakikinig ng SONA ni gloria eh, pinapasulat pa ng reaction paper.

    Simula ng ako'y pumasok ng kolehiyo, madami na ako nakakasalamuhang tao, minsan, wirdo, minsan naman astigin kasama. Pero hindi ko pa sila lahat dapat pagkatiwalaan kasi "getting to know" palang ang "status". Mahirap ngayun at iba-iba na ang aking pinakakasamahan... Grabe, kung mababasa niyo ito, mga new friends ko, ewan ko lang. Sa abot ng aking nalalaman eh 7 sa 37 kong bagong kaklase ang nakapunta na sa aking blog, hindi naman sa may tinatago ako sa kanila, ganito naman talaga ako maloko, pero parang nahihiya ako na mabasa nila ang aking blog, ewan ko ba... pero ayus lang.

    Kakaiba ang seksyon namin (1LM1) Kakaiba ang mga tao, sa una hindi mo ito mapapansin, pero pag tumagal na, nakakatakot ang ugali ng IBA sa kanila (pero karamihan sa kanila astigin), ikekwento ko sana kung bakit sila naging weird, kaya lamang ay natatakot ako na mabasa nila at sabihin nila na binabackstab ko sila. Hindi naman ako backstabber eh, sinasabi ko lang ang napapansin ko... ahihi, talaga ngang nabibilang ako sa 1LM1, wirdo din ako...

    Naaalala niyo pa ba nung sumali ako sa T-Shirt, design contest ng LM? Natalo ako... pero ayus lang. Ang hindi ko lang nagustuhan ay nanalo ang T-shirt na ayaw ko, mabuti sana kung "puti" ang kulay ng Tshirt na nanalo, eh itim eh, nakakainis, ang init-init dito sa Pinas, at kailangan namin isuot iyon, muka kaming mga rakistang poser, kurimaw. Meron ako nakikita sa aming building, first year din siya, at pang-asar ang itsura niya. Ewan ko ba, ang angas ng dating eh, pero pinagtatawanan namin siya pag dumadaan siya. May suot pa siyang "Emo geek glasses" tapos fitted palagi ang Tshirt, tapos may chains pa, ang buhok, spike.Kahit sobrang init, naka itim siya at fitted. Wala lang nantitrip lang kami ng mga kaklase namin, naiinis kasi kami sa kanya dahil feeling pogi, eh hindi naman... inaangasan ko nga yun eh, wala namang palag. (Wahihihi, talaga naman umaangas na si Heneroso!! woot woot) Hindi ah! joke lang namin yun, hindi ako maangas, siguro naman kilala ako ng mga tao na kilala ako sa totoong buhay, ako'y affable... pero baka naman yung mga kaibigan ko na wala nang komunikasyon sakin sabihin na nag iba na daw ako...hindi naman eh...hihi :-(


    Naisip ko tuloy ang nangyari sakin kahapon, nagkomyut lang kasi ako, at sumakay sa isang terminal, yung terminal ng MMDA, mahirap talaga sumakay dun. May malaking mama na nakaharang sa daan, eh nag mamadali na ako sumakay dahil umaambon na, makitid ang daan, sabi ko "ekshush meh" pero hindi siya nagbigay ng daan, nakaretainer kasi ako kaya ganun ako magsalita. Inulit ko ito ng isa pa pero parang walang narinig... kaya tinulak ko nalang siya at nasubsob siya. Tiningnan ako ng masama, at pumorma na mamamatok, pero hindi ko siya pinansin at sumakay na... wala naman siya nagawa. Nag dalawang isip siguro dahil natakot saakin... natakot sa buto-buto ko...haay, ampayat ko parin, kelan kaya ako tataba. Wala naman siguro ako kasalanan dun, eh nakaharang siya nag excuse me naman ako! anlakas pa ng boses ko non! haay, ampayat ko parin, kelan kaya ako tataba.



    ------------------

    Anyhoo... tingnan ninyo ito! nakuha ko sa isang sayt.

    Your Blog Should Be Orange

    Your writing has a star quality - it's charming, bold, and flamboyant.
    You write what's on your mind, without fear of embarrassment later.
    You are one of the most honest bloggers around, and people appreciate your daring persona.


    ----------------

    And lastly, binigyan ako ni Talksmart ng Award... ang Hall of famer award sa kanyang blog, ansaya talaga eto pa nga yun oh!! Maraming salamat kay Talksmart para dito

    18 Comments:

    Blogger Jhed said...

    Nyahahaha! Uy, sa totoo lang, cool yung "emo geek glasses" ah. Teka, yun ba yung black yung frame? Haha! Basta, cool yun. Gusto ko nun. Pero hindi ako bumibili nun, kasi, hindi bagay sa akin. LOL.

    Anyway, yun lang. Lahat naman tayo nababaliw pagdating sa kolehiyo. Mas marami na kasing makikilala. Ako nga, naging coniotic dahil sa aking mag sosyal na blockmates. LOL. Alam mo naman.. iba tayo e. Nyahahaha! Joke.

    Yun lang... :P

    Saturday, 29 July, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    May suot pa siyang "Emo geek glasses" tapos fitted palagi ang Tshirt, tapos may chains pa, ang buhok, spike -- wahaha... huwataface... nakakainis yung ganung hitsura..ahihi.. pero depende sa nagdadala... kung ganun talaga siya,.

    payatot!hehe.. hindi ka na tataba! may bulate ka! ahihi joke lang... nakakatawa naman yung kwento mo nung sa terminal.. bagay sa tugtog eh...! haha ...

    nagulat talaga ako sa tugtog! wahihi

    Saturday, 29 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ahihhi mabuti nga sana kung bagay... eh hindi eh... feel ne feel pa niya! whaha

    Saturday, 29 July, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    ANG YABANG ha! gwapo daw? lol.

    pero natawa ako nung nasabi mong - may retainers ka at sabi mo sa mmda - ekshush me. :)

    :D

    ayun. nagago lang ako. >:) sige yun lang. comment ko ha ;) http://utakgago.blogspot.com

    Saturday, 29 July, 2006

     
    Blogger Donya Quixote said...

    hehehehe... naaasar din ako sa mga filing-rakista na mga yan. sarap upakan.

    [kukuha din ako ng blogthing na yan... kyut kasi. wihihihi.]

    link ex?

    Saturday, 29 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    hi rens! long time no chat tau ha! kamusta ka naman! yung inoffline ko sayo ha... dont forget.

    anyways... ang yabang mo talaga! gwapo daw! sheez! at maganda yung black na frame na glasses ha! kapag lumabo ang mata ko gusto ng ganon!

    :)

    Saturday, 29 July, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    Sama mo ha! Bitching mode ka ngayon! haha.. Kawawa naman ung emo guy, baka nadapa na yun sa bitching mode mo dito sa blog. Haha..

    Uyy congrats sa Hall of Fame! Payat! People wanna be thin man haha.. Ikaw talaga Heneroso =P Sige color orange na next layout mo ok? Aabangan ko yan. Goodluck din the black tshirt! Hahaha..

    SOrry if I haven't been commenting or making dalaw, a little bit busy lang, but thanks for always being in my blog. Take care! Hugs

    Saturday, 29 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ung Guy na un nde xa emo dahil tawa xa ng tawa sa coridor kapag dumadaan xa! nakakaasar talaga

    Saturday, 29 July, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    HAHAHA..payatot ka nga pero ang lakas mo parin.. napasubsob mo ung mama..heheh

    bully ka siguro sa school noh??hehehe..nyweiz..hmm..good luck sa college, new school, new life din db?? hehe.. siguro kelangan mo pa time para makaadjust lalo..hehe

    Sunday, 30 July, 2006

     
    Blogger kuazee said...

    hahaha. weirdo din ako *apir*

    yung Mama.. meron lang tlgang mga taong ganun.

    Sunday, 30 July, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Congrats sa pagkapanalo mo! Karapat dapat ka naman eh! :)

    Alam mo dapat nga siguro palitan mo na ang itsure ng blog mo. Gawin mo nang ORANGE! LOL!

    Sunday, 30 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    buti naman at hall of fame ka na... at matitigil narin yang pangangampanya mo.

    Sunday, 30 July, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    ohhh..btw, i tried the color-blog-thing.. and i got green..tee hee.. it was my motif before..

    CONGRATS..finally, you got it!!! remember to keep your feet on the ground, baka mamaya di ka na namin mareach ah..hehe..pero lam ko naman di ka ganun eh..ehhe..teecee

    Sunday, 30 July, 2006

     
    Blogger blueengreen said...

    congrats nman at hall of famer ka na!
    kawawa naman ung mama, tinulak mo talaga? evil... nyaha... buti na lang at di nagalit...
    ung mga feeling rakista, hayaan mo na lang sila, sila naman ung mga nagmumukhang tanga at katawa-tawa...wag mo na lang patulan...

    Sunday, 30 July, 2006

     
    Blogger justine said...

    Congrats sa Hall of Fame Award!!!

    Sabi mo payat ka, pano mo ntulak ugn mama? Well,nkkrelate rin ako s changes s pgsasalita pg nka-retainer. Ang hrap kc d mo mpronounce n maigi ang "s" at "h".. ehehe...Tpos ung mga feeling rakista, well may seatmate akong gnyan. Buti nlng nka-uniform kmi. Pero my kung anu-ano png knkabit s ktwan pra mgmukhang-tanga.. Malas lng nya kc presidnt ako at bwal un. Ehehehe...

    Sunday, 30 July, 2006

     
    Blogger mai said...

    naks hall of famer na! congrats!

    hmmm gusto mo tumaba? be careful what you're wishing and praying for..baka mamaya maging obese ka naman niyan. :D

    Sunday, 30 July, 2006

     
    Blogger kreng said...

    oi rens hehe npadaan lng grabe sineryoso mo itong blog mo ha hehe aun nkkmis ka haha lam mu nguupdate na c cofibean hehe grbehan na ung mga posts nia aun la lng geh..ingats c ya wen i c ya

    Sunday, 30 July, 2006

     
    Blogger Jinjiruks said...

    hmm.. emo look.. masubukan nga.. acheche

    Sunday, 30 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Carefree
  • Mikeni Picnic Hotdog ko
  • Tae mo, tae ko, tae nating lahat
  • Teorya ni Machiavelli
  • Binubulitas nanaman si Manny!
  • Braces produce good-looking people.
  • Ako si Bonjing
  • Anong Bago?
  • Sore ry...
  • Lagi nalang amoy ulan...
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.