Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Wednesday, July 12, 2006

    Brusko at ang Tulo

    Haay, pumapatak nanaman ang ulan, ang sarap matulog, ang sarap maglambingan, magyakapan, magkainan ng mainit na sabaw. Ngunit ang problema ko, walang nagbibigay init saakin ngayun, at nagtitiis nalamang ako sa kumot at yakapan, na mainam din naman.

    Gumising ako ng maaga na umuulan at malakas ang hangin, pero hindi ko ito ininda, naligo pa rin ako kahit nangangatog na ang aking buto-buto. Ngayun pa umulan kung kelan hindi ako sasabay sa kotse dahil "color coding" kaya't nagkomyut ako. Sumakay ako sa FX, biyaheng Quiapo, pero sa pagkakataong ito, hindi ako nakaisip ng istorya sa sulok ng FX, medyo inaantok ako kaya't tulog muna. Pagkagising ko, nagulat ako dahil nakapangko ang ulo ko sa balikat ng katabi ko na hindi ko kilala... ang masama pa nito hindi ko ito matanggal dahil nakapangko naman siya sa akin...mukha kami magsiyota, pero ang pinaka problema ko... lalaki siya.. Siyempre ako pasimple at kunwari pumreno ang FX at nagising, naalimpungatan din ang taga FEU na katabi ko... nahihiya ako, nanliliit, natatawa. Kinilabutan.

    Dumating ako sa klasrum ng maaga, kakaunti pa lamang kami sa klase kaya't kami ay nagbonding. Dumating ang aming propesor, pero wala pa din masyado estudyante kaya't sab niya na "excused" daw ang mga absent, at may insentibs naman ang pumasok. Alam naman natin lahat na "infamous" ang baha sa UST, kaya't siguro ekskyus na. 11, ang dismisal namin ng araw na iyon, at 11 din na suspinde ang klase, kaya't wala din ito kwenta. Kumain kami ng aking kaklase sa isang "Japanese Restaurant", at kumain ng kung ano-anong hilaw na bagay. Busog nanaman ako, sana talaga tumaba ako.

    Umuwi ako sa bahay... umuulan pa din. Dumating din ng maaga ang aking ermats, at inutusan ako na iipat ang aso sa tuyong lugar dahil kawawa naman daw si Brusko, basang basa na. Sa totoo lang, ayaw ko talaga sa mga aso, kahit askal man o may breed, ayaw ko sakanila... at lalo naman sa mga pusa. Nagpayong ako at sinubukang tanggalin ang buhol ng tali ni Brusko, pero hindi ko talaga ito matanggal... dumating na ang ate ko, at siya nalang ang nagtanggal. Sinabi saakin ng aking ina:

    Meme: ANO BA YAN! PARANG HINDI KA BOYSCOUT!
    Heneroso: HINDI NAMAN TALAGA AKO NAGBOYSCOUT!!! GRRR
    Meme: oh? bat nakakulot yang nuo mo?
    Heneroso: Grrr!!

    ....wala lang.... wala na talaga ako magawa sa buhay kaya't natulog na lang ako at sinulit ko ang suspendidong klase, sana lang talaga, may kayakap na ako sa susunod na tag-ulan.


    --------------


    Habang sinusulat ko ito, tumutulo ang ulan sa aming kisame sa may tapat ng PC, saan ko kaya ililipat ang PC... hay....grrr bat kaya may tulo dito!?

    -------------

    Sana din pala, iboto niyo ako sa blog of the week, pindutin lang ito.

    13 Comments:

    Anonymous maRty said...

    UUUY. yan naman at wala kang naisip na kwento pero may kapangkuan naman?! HAHAHAHA. ano naman kaya itsura nio nun? hehe.

    wow suspended ang classes. nice. why don't u spend the whole day to rest na lang para tumaba ka at maging lemon yan. HAHAHAHA.

    cge yun lang.

    Wednesday, 12 July, 2006

     
    Anonymous cars said...

    aba! yakapan. =)) hahah. wala lang. oonga, nasuspend classes sa UST. haha! kasi, pagdating ko sa ospital sa QC (binisita ko lolo ko) nandun ung pinsan ko at kwinento nya sa kin. :) nyaha.

    binoto na nga pla kita! wooh!

    Wednesday, 12 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    hahahaha! wala akong masabe sa post mo! hindi ko maisip ang right words! aehehehe! natatawa ako... ewan ko ba... basta... lolz!

    walang sense comment ko!

    Wednesday, 12 July, 2006

     
    Blogger aahhhron said...

    nice. wala kami pasok bukas. hehe

    Wednesday, 12 July, 2006

     
    Blogger xienah said...

    11 suspended na klase?
    langyah.
    kumakain pa lang kami
    ng lunch sa NRH nun ah.
    lintek talaga feu
    kahit kailan.
    pero 9 pa lang
    nabalitaan ko na
    wala ngang pasok ang UST.
    siyempre
    inggit kaming taga feu.
    haha.
    mapa rally, giyera, lindol, at kahit ano pang sakuna--huli man daw at magaling nasususpend pa rin. haha.

    Wednesday, 12 July, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Kung gusto mong tumaba, wag kang kumain sa japanese restaurant dahil hindi nakakataba ang sushi, sashimi at ang maki.

    Ayoko ang amoy ng aso kapag basa. Kadiri lang, sa tingin ko.

    Thursday, 13 July, 2006

     
    Blogger Jinjiruks said...

    bakit ayaw mo ng pusa.. huhu.. cute naman sila ah.. baka type ka nang katabi mong tulog din..

    Thursday, 13 July, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    hahahha...di bali darating din ung papatungan mo ng ulo..sooner or later..hindi na ung taong katabi mo..hahahha

    yea..jigs is right.. kung gusto mo tumaba wag ka kumain sa japanese restaurant.. more on diet pa nga ung mga food nila eh..hehe

    takot ako sa aso..haha =p

    Thursday, 13 July, 2006

     
    Blogger mai said...

    hmmm...ang cute niyo naman ng katabi mo...haaa sweeetttt! wala ka man kayakap nagkaroon ka naman ng instant unan sa fx. :lolz:

    about ust..nakow good luck talaga sa ganitong panahon ng tag-ulan. nawa'y di mo ma-experience mga naranasan ko dati sa paglusong sa tubig baha sa dapitan with matching dagang nagswi-swim at mga poopoo na nakalutang..o ha? san ka pa! meron pa nga dati buong ust maputik dahil sa baha..kahit na wala ng ulan suspended pa rin ang klase kasi nililinis ang buong ust at tinatanggalan ng tubig baha ang building namin..ay natin pala...commerce building. (bakit nga commerce bldg lang tawag dun eh andun din ang ab?) hehe!

    di din ako mahilig sa aso lalo na sa pusa.

    Thursday, 13 July, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    suspended ang klase yung kuya ko naunahan pa ako umuwi,,, :)) tas yung pinsan ko nagpunta parin ng uste!! wahaha... walang kaalamalam...


    sayang! walang istorya..

    bat hindi ka nagboyscout!? ayan tuloy wala kang pandesal.. (koneksyon?) hehehe...


    napadaan...

    Thursday, 13 July, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Haaaaay.

    Kahit papano, namimiss ko rin ang murky at muddy na baha ng UST.

    Memories... LOL

    Thursday, 13 July, 2006

     
    Blogger cruise said...

    nakakaaliw namang basahin itong blog mo. marami talagang bloopers sa pampasaherong sasakyan, dyan yung nakatulog ka tapos tumulo laway, o kaya mag head bang, o kaya makabitaw ang kamay sa hawakan ng kamay sa jeep... ay naalala ko tuloy ang mga bloopers ko, hehehe

    Thursday, 13 July, 2006

     
    Blogger Estupidormitorian Neil said...

    Hargh. Cold rainy mornings.

    My morning class's supposedly 7:30 am and I'm supposed to wake up at 6. But I intently dragged my hands towards the ceiling at 6:30 and pulled my back 90 degrees at 7:15.

    It's so hard to wake up with that kind of weather. Malambot ang unan, malapad ang kama, no. 2 ang electric fan, at makulimlim ang kwarto. Nakasarado ang pintuan. walang gumagalawa sa aking mga kasamahan.

    Who's gonna initiate to wake up in a jiffy? Me? Of course, not.

    Thursday, 13 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Si Goldilocks, Maria at Jose
  • Hik! hik! hek! hik!
  • kumukokak
  • mondar... random
  • ....
  • Patay kang bata ka!
  • Quiapo
  • emo at english
  • NEW LAYOUT
  • si Rizal at si Doding Daga
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.