Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Saturday, July 15, 2006

    Anong Bago?

    Aba'y akalain mo nga naman na sa sobrang pagod ko eh nakagawa ako ng bagong layout! Ganyan talaga ako, ewan ko rin ba kung bakit. Naasar ako ngayun, hindi kasi ako nakapunta sa "dapat kong puntahan"... hindi kasi ako pinayagan ng aking butihing ina. Gusto ko talaga pumunta, pero wala ako magawa, kaya't ako'y nagmukmok nalamang sa tapat ng kompyuter. Wala talaga akong ideya, na gumagawa na pala ako ng bagong layout, basta't hinayaan ko lang ang aking kamay na gumawa at magclick ng kung ano-ano.

    Kahapon nga pala, may isa nanaman akong karanasan sa isang FX, ewan ko ba, lagi nalang sa FX! pero nakakaasar kasi ung dalawa kong kasabay na pasahero. Nakakahiya silang dalawa, nakauniporme pa nga sila ng UST at kabuilding ko pa, parehas pa kami sa AB. Kahihiyan sila, para silang mga anak-anakan ni Cofibean. Pero mas ayos pa si Cofibean, atleast nakakatawa... eh sila nakakainis! Ito nga pala ang ilan sa mga natatandaan kong usapan ng dalawa.

    Sosyalera 1: Ei, im gona make sleep over to your house tonight ah!, is your dad there?

    Sosyalera2: I don't know if he already balik to our house

    Sosyalera1: Ay! 500 ang nagastos ko ngayung araw, pero i dont know where it went"

    Sosyalera2: oh?

    Sosyalera 1: I saw a leather shoe sa mall kagabi... so cheap, 900 kailangan ko bumili madami, bahain dito eh.

    Sosyalera 2: Uu nga eh, I got marks na nga on my sakong eh.


    ...naaasar lang ako sakanila! Hindi tuloy ako nakatulog sa FX, ang lakas kasi ng boses nila. Kaya't nag tulugtulogan nanaman ako at nakinig nalang sa usapan nilang walang kwenta. Naisip ko pa nga na sana maholdap ang FX na sinasakyan ko, wala naman ako pera kaya ok lang. Sumilip ako ng kaunti sa karakas ng kanilang mukha at talagang lalo akong nainis! Ayos sana kung magaganda sila, eh mukha silang longkatoots! ang kapal ng mukha nilang magmataas! Buti nalamang ay nakapagpigil ako, dahil kung hindi, sasabayan ko sila ng aking mga natutunan kay Cofibean, sasabihin ko sana,

    "Hoy! you uber baho loser orcs! You're all native bobo posers naman eh, why dont you all just drop dead nalang diba? I mean pare, you look like one of our katulongs nga eh! Mang Tonio and Hillario looks better than you noh! In your face, pare!
    ...ahihihi, sa sobrang pagbabasa ko ng blog ni Cofibean, siguro naman kaya ko na siya gayahin, pero hindi pa din, dahil aminado akong isa akong orc, pinagtataka ko lang... sino kaya si Cofiebean? Ano kaya itsura niya? Anong kumpanya kaya ang pinapatakbo niya? Sana makilala ko siya sa aking lifetime... kasi talagang natatawa ako sakanya. Magaling siya, in a way.

    ------------------------------------------------------
    Ngayon palamang nararamdaman ko na namadodoble ang pagkabusy ko ngayung dadating na linggo, kaya't ihanda niyo na ang sarili niyo sa mga post na katulad ng kahapon

    13 Comments:

    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    ahehehehe! wow! pede ka nang pumalit kay cofibean!

    grabe!

    "Uu nga eh, I got marks na nga on my sakong eh"

    pakshet naman yang mga babaeng yan... parang mga Uy-Ay!

    Saturday, 15 July, 2006

     
    Blogger icarus_05 said...

    Ahihi.. Idol mo pala si Cofibean ah?! Gusto ko makakita ng mga babaeng ganyan, tapos pagsasampa-sampaling ko ang kanilang mga kaluluwa... damn, i hate posers... They're so uber arte pare, na-ruin ba nila ang iyong macho aura? ehehe... Yuck.. Tawa ako ng tawa.. More!!!

    Saturday, 15 July, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Mga wannabee posers nga sila! I mean come on! magcoconio ka na nga lang at magyayabang pa kung gano kadami pera ginastos mo, sa FX pa talaga! Kung may pera nga sila, dapat nagtaxi nalang sila para mas comfortable at solo nila diba? nakakairita!

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Blogger xienah said...

    ang dami kong kakilala
    na ganyan.
    ang aarte
    pero sobrang baho naman
    the face.
    like--hell i care
    if you have
    lots a moolahs.
    like--can you bribe
    st peter to
    let you enter in heaven.
    come on.
    pare.
    pasensya hindi ko kaya.
    haha.

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Anonymous pilimon said...

    waw! badtrip un dre! :P

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Hwaaaw!

    Your layout is uber good-looking dude. Nice job.

    At oo, diyan kilala ang UST.. sa mga feelingero't feelingerang posers. Masakit man isipin, pero totoo yun.

    Tanggapin mo na. LOL

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Anonymous Jed said...

    hahaha pa-sosy people hehe

    re: your layout, i love black and white. nice ;)

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    hala..

    wag igeneralize ang ust na ganyan

    nasasaktan ako

    my gollie, im not like kagaya nila

    those poser n tao na so conytoic
    tha is not nakakatawa na enimor..

    hihi

    hmmm

    nakakaaliw wila..

    sawa n ko sa kanila

    haha

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Blogger Mec said...

    i actually don't mind taglish-coño speak much... so long as i know the ones speaking it are not the poseurs pretending they CAN actually speak English fluently but are trying lang to speak some Tagalog/Filipino
    :)

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Blogger j.0.d said...

    sila ba yung tipo ng tao na sinapian ni Kris Aquino? sa tingin ko hindi. kung katulad pa sila ni Kris magsalita, tanggap ko pa.

    tsaka, tama nga stereotype yan ng UST. haha. anyway, mas steretyped naman ang Ateneo ng conyotic people. pero hindi posers. haha.

    anyway, peace. hindi ko kilala si cofibean at naisipan ko na lang na magcomment.


    meow, meow.

    meow.

    WHATEVER!

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Blogger jef said...

    Just droopin by. Ayos ha...well written. Galeng!

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    LOL..yayy..sa wakas..nakacomment din^^

    nyweiz..yan..nawalan na ako ng sasabihn..haha..nasabi ko na sa ym eh..hehe..

    ohh and rens..hmm.. CALM DOWN..hahaha..

    pag nakasabay mo na sila ulit..upakan mo na..este pabayaan mo lang sila..papansin lang mga un..hahah

    tc

    Monday, 17 July, 2006

     
    Blogger rex said...

    hahaha! nakakainis nga ang mga pangit na conyo, diba? somehow, when conyos are pretty, their eye-candy looks make up for their lack of substance diba, hehe..

    Friday, 21 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Sore ry...
  • Lagi nalang amoy ulan...
  • Brusko at ang Tulo
  • Si Goldilocks, Maria at Jose
  • Hik! hik! hek! hik!
  • kumukokak
  • mondar... random
  • ....
  • Patay kang bata ka!
  • Quiapo
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.