Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Sunday, July 16, 2006

    Ako si Bonjing

    Sunday, walang magawa sa buhay, kundi tumunganga at matulog at magkompyuter. Naasar parin ako ngayun, dahil na "realise" ko kung gaano ako ka bonjing, oo, para sa lahat ng nagbabasa nito BONJING AKO!!! Ako'y stuck dito sa bahay, at hindi manlamang makaalis dahil hindi pinapayagan ng aking magulang. Ayus din naman iyon, ibig sabihin iniingatan nila ako at mahal nila ako, pero sana naman, matikman ko din ang kalayaan paminsan minsan.... naalala ko nung hayskool, mas malaya ako, pero bakit ngayong kolehiyo na, mas nagiingat sila, haaay! Alam ko naman ang limitasyon ko, hindi naman ako magdadrugs! At hindi din ako mambubuntis!! ...at lalo nang hindi ako mamimick-up ng pok-pok.

    Habang ako'y nakahiga sa kama at nagmumunimuni bago mag siyesta, naisip ko, kung magiging "successful" ako balang araw, pero sa aking pagkahilata sa kama, natanong ko sa sarili ko, ano ba talaga ang "success" para saakin... Maraming pera? Malaking Bahay? Asawa? ANAK? Kasikatan? San ba talaga ako maligaya... ako, hindi ko din alam hanggang sa ngayun, kaya nga ako gumagawa ng kung ano-ano, para matuklasan ko ang tunay na kaligayahan....

    -------------------------------------------------------

    Bukas nga pala ang simula ng aking kalbaryo sa aking uber busy skedyul. Kapag iniisip ko ito, sumasakit na ang ulo ko, pero kapag naiisip ko ang mga susunod na linggo, nawawala ito dahil alam ko na luluwag ito kahit papano. Siguro hindi masyado mag uupdate ang blog ko sa linggong ito, pero sana ipagdasal ninyo na makapagblog ako, ang ibig sabihin lamang niyon ay may oras pa ako sa sarili ko... sigurado ako na hindi ako makakapagblog sa araw ng "Wed" at "Fri". Sa "Sat" naman, siguradong ikikwento ko na sainyo lahat ang aking pinagkakaabalahan sa mga nakaraang linggo, iyon ay kapag wlang nangyaring masama, at hindi pumalpak ang aking mga plano.

    Oh? Ano? hanggang bukas nalang... madami pa ako aasikasuhin, para nanaman akong trumpo ngayun, kapag natapos ko talaga toh, gagantipalaan ko ang sarili ko, naadik na kasi ako sa trabaho at pagka busy eh, parang hinahanap na ng katawan ko, bisyo na toh. Ika nga ng mga nagtatatag sa aking blog, magpahinga naman daw ako, pero hindi talaga pwede magpahinga... at ayoko din mamahinga ng tuluyan.... wahihhi.





    10 Comments:

    Blogger Jinjiruks said...

    gener.. malapit ka nang gumawa ng blog entry tungkol sa kakambal mo.. ahehe.. send ko sa email mo ngayon..

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Blogger Estupidormitorian Neil said...

    Nakakatuwa naman. Bihira ako kung pagbawalan ng aking nanay na umalis ng tahanan. Punto nila, pinagkakatiwalaan nila daw ako.

    Baka hindi ka na pinagkakatiwalaan. ^_^

    Biro lang. -___-;;;

    -si neil

    Sunday, 16 July, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    Hindi ba dapat mas strict sila nung high school? Anyway, Sana makapag unwind ka sa coming week para di ka masyado mastress at makpagblog parin!
    Good luck sa lahat ng gagawin mo next week!

    Monday, 17 July, 2006

     
    Blogger xienah said...

    bonjing?
    why not.
    bagay na bagay.
    pero ipagdarasal ko
    na buhay ka pa
    after ng mga activities mo.

    Monday, 17 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    goodluck nalang sa mga "trabaho" mo... kung ano man yun... bibo ka talaga... ako man ay busy rin... pero hindi ganong ka-tindi... dahil araw araw parin akong nakakapaginternet... ang isang sagabal lamang sa aking buhay ay ang pera. kung saan nakagawa pa ako ng isang "post" tungkol sa pera.

    at mawawalan ako ng kachat gabigabi kapag hindi ka nagonline... ahuhuhuhu... hehe drama ko.

    ---

    buti pa pala ako, kasi pinapayagan ako kahit saan ako mag punta... kahit sa impyerno pa yan! joke! ahehehe... may tiwala kasi ang aking ina sa akin... kaya eto... ako'y isang malayang nilalang. at isa pa 21 na ko... :P

    Monday, 17 July, 2006

     
    Blogger Ymir said...

    wag mo masyadong isipin ang pagiging successful. mahirap din kasi mahuli yang success na yan. alamin mo muna kung ano ang gusto mong gawin sa buhay. kapag nakita mo ang kasiyahan dito daig mo pa ang taong "successful".

    Monday, 17 July, 2006

     
    Blogger cruise said...

    bonjing, palagay ko nga iniingatan ka ng iyong mga magulang kasi sa edad ng isang nasa kolehiyo ay hinog na para mapikkot! pikuting bonjing ka siguro.

    hayaan mo kapag successful ka na, magagawa mo lahat ng gusto mo na masasabi mong tagumpay ka sa buhay!

    Monday, 17 July, 2006

     
    Anonymous lezah said...

    e2 n comment ko: hehe,lam mo, di nman cguro mttawag n "bonjing" ang isang bata n laging sumusunod at nakikinig s parents nila. di nman ibig sbihin n kung strict sila sau, they are already depriving you of your enjoyment. tama ka, concern lng ang parents mo sau at dpat k matuwa dun.

    bsta,"just stay as obedient as you are sa parents mo" and I'm sure you'll reach that "success" you're dreaming of.

    Monday, 17 July, 2006

     
    Blogger Gener said...

    elo ate lezah! nakakatouch naman ng iyong komento! salamat! ahihi

    Monday, 17 July, 2006

     
    Blogger rex said...

    bkit naman ayaw kang palabasin ng bahay?

    Friday, 21 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Anong Bago?
  • Sore ry...
  • Lagi nalang amoy ulan...
  • Brusko at ang Tulo
  • Si Goldilocks, Maria at Jose
  • Hik! hik! hek! hik!
  • kumukokak
  • mondar... random
  • ....
  • Patay kang bata ka!
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.