Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Saturday, June 03, 2006

    Taba, kapitan mo ako.

    Masyado ko na siguro pinupuyat ang sarili ko, kanina lamang ay bigla akong nakatulog na hindi ko sinasadya. Maliligo kasi dapat ako, e hinihintay ko ang tubig, humiga ako, biglang nakatulog. Haaa'y paano na yan, sa aking college life. Gusto ko pa naman maging dean's lister, pero kahit sa panaginip siguro ay hindi na. Pero sana naman. Hindi naman kasi ako ganoon katalino... Tapos siyempre may iba pa ako agenda sa UST, kailangan ko na kasi makilala ang makakasama ko sa panghabang buhay... (pero baka kilala ko na siya hindi ko lang pansin).

    Kailangan ko na rin pala magpataba/magpabuff. Nag enroll na ako sa gym, kumakain na ako ng uber dami, pero onti palamang ang aking "progress". Gusto ko na kasi talaga maging macho. Mas malakas kasi talaga ang appeal pag malaki katawan mo. Pero nauubos ang pera ko, masyado magastos magpataba! Kaya ito, nag lista ako ng ilang bagay para tumaba ng hindi gaano mabubutas ang bulsa, pwede itong gawin ng mga payatot na katulad ko, ang iba dito ay hindi ko pa nagagawa.

    1. Kumain ng Kaning Lamig, lagyan ng asukal at malamig na tubig. Muka itong kaning baboy, pero yuon naman talaga ang ating "aim" mag mukhang baboy.

    2. Kumain ng "Muncher green peas" oo, muncher, nakita ko kasi sa likod, sa "Nutrition facts" na ang protien nito ay 7g! kaya't kung kakain ka ng tatlo o apat nito, para ka na rin uminom ng "Protien shake". Hindi ko lang alam kung totoo ang nakasulat sa likod nito, pero masarap naman ito.

    3. Mamburaot. Oo, ito ang pinaka matipid na paraan para tumaba.

    4. Pumunta sa isang "Chinese Drug store", marami kasing "Steroids" doon. Sabihin mo lang sa nagbebentang kamuka na Pokwang, "Miss pabili ng, Ling Zhi Chuang Yao Wan". At bibigyan ka niya ng isang botelya ng steroids.

    5. Habang tumatae, mag buhat ng dalawang balde ng tubig. Pero mag ingat dahil baka bumulwak ang bituka mo.

    ...ito nalang muna, isip pa ako... kung gusto niyo, mag dagdagan pa kayo, ilagay niyo lang sa comments... para may audience participation...



    UPDATE: Nanalo si Kim sa PBB teen edition, halata naman na siya ang panalo eh, dati ko pa siya sinusubaybayan. Pansin ko lang, puro babae na ang nanalo sa PBB... makasali nga para lalaki naman ang manalo...ahihihi jok lang

    8 Comments:

    Anonymous Anonymous said...

    tama yang mga advice mo.. sana mag work sakin hehehe

    Saturday, 03 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    Oo, mag isip pa kayo ng iba... para interactive naman itong blog ko....

    Sunday, 04 June, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    aba! desididong tumaba ah!! haha.. goodluck!... hehe yehes..! ang dami talagang alam o..hehehe..

    Sunday, 04 June, 2006

     
    Anonymous isaiah said...

    isa nanamang post na puno ng pangarap ni rens haha

    Sunday, 04 June, 2006

     
    Blogger LoueLa said...

    not enough vitamins

    Sunday, 04 June, 2006

     
    Anonymous Darwin said...

    Baka naman 7g ng protein bawat pack ang ibig sabihin nung label sa likod.

    Sunday, 04 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    ... rice in sugared water?? nagpapataba ka diba?? parang diabetes ang hanap mo.. hehehe...
    i'm surprised.. may progress nga ba?? hmmm... prang pumapayat ka nga e.. hehe

    pare.. protein.. check dictionary.com.. peace! at diba.. pampatangkad to?? carbo po ang hanap mo.. hehehe

    gudlak.. kelangan mo tlgang magpataba.. dahil malayo-layo ang daang tatahakin (at ilog na lalanguyin,, j/k) mo araw araw..

    ngyon,, iicipin mo cgurong from experience to.. pro hindi.. natural nakong ganto.. at palagay ko.. natural ka na ring ganyan.. pero.. gudlak prin... wahahahahahaha...

    Sunday, 04 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    sory sa typo...ahihihi nde ung mucher sa likod bawat mamiso...7g! promise..

    Sunday, 04 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Kalmot at kalat
  • Too lazy to function
  • Baha
  • Sex Appeal
  • Pus
  • Gabi ng Lagim
  • "Bistokya" Copyright 2006.
  • Smurfually Transmited Disease.
  • Pagod sa pakikipaglaban sa ipis, boxer, em-shi-esh...
  • Hay,,,3days na pala!!
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.