Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Friday, June 30, 2006

    si Rizal at si Doding Daga

    Salamat naman at Biyernes na! Magagawa ko nanaman ang mga karaniwan kong ginagawa, ang mag "bloghop".... magbibisita ko na din ang mga nagtagg sa akin, mga nagcomment, at malilink ko na rin ang dapat ilink! Grabe, nakakapagod ang buong linggong ito, pero lahat nang yan, nakalimutan ko, dahil Biyernes na at naka-upo nanaman ako sa aking trono.

    Nung isang araw na hindi ako nagsulat dito, bumili ako ng "messenger bag". Kung matagal na kayo nagbabasa sa aking blog, malalaman mo na matagal ko na inaasam magkaroon ng bag galing sa "Team Manila". At sa wakas, nakabili din ako! Nilitratuhan ko nga pala ito:

    Ganyan talaga sa Teammanila, makabayan! ahihi! kaya ko nga nagustuhan ang Teammanila, wala ako kagaya. Ngayun ko lang napagtanto na "cool" pala si Rizal, mas cool pa siya kay "Che Guevarra", hindi ko rin naman kasi kilala si Che Guevarra, tapos ung iba anlakas ng loob magsuot damit na may litrato niya! Mabuti pa si Rizal, kilala ko, pambansang bayani. Dapat suportahan natin ang mga ganitong "quality products" ng Pilipinas.


    Kanina nga pala, may patay na daga sa harapan ng pintuan ng aming bahay. Sa karamirami ng pwede mamatay ang daga, sa harap pa ng pintuan ng bahay! Pero maganda din iyon, dati kasi sa loob ng sapatos ko siya nagpakamatay. Nilinis ko ang patay na daga, at sa ilalim ng kanyang bangkay, may nakasulat na liham. Binasa ko:

    To whom it may concern:

    Hindi ko na ito kaya, nakakalungkot ang buhay ko, mabuti pa't wakasan ko na. Ako'y sobrang lungkot sa aking napag alamnan na may kalaguyo ang aking kasintahan. Niloko lang niya ako, pinaglaruan, ginamit lang niya ako. At ako, isang tangang daga, nagpagamit. Patawirin na sana ako ng may ari ng bahay na ito, dahil ako ang ngumatngat ng kanyang brief. Sana mapatawad mo ako. Ako din ang kumupit ng Muncher Green Peas, gusto kasi ito ng aking kasintahan. Patawarin din sana ninyo ako dahil ininom ko ang Muriatic acid sa banyo, babayaran ko nalang po ito.

    Ang inyong resident rat
    Doding Daga

    Nakakaawang daga, napatawad na kita sa pag ngatngat mo sa aking brief.



    ------------------------------------------------------------------------

    Please po!

    henerosobistokya


    Sponsor:Pollhost.com




    Kapag hindi gumana... Pindutin ITO!

    11 Comments:

    Blogger Kiro said...

    Rens! ahihi perst!!! perst!!!... kawawa naman si dodi...doding daga! sayang ang kanyang buhey ahahahha... at ayus ah nakaupo ka na sa trono! hari ka talaga! hahaha... ayus yung bag kaya lang di o type aheheh

    Friday, 30 June, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Nyah!

    Uu nga, mas cool nga si Rizal.

    Tapos ung iba anlakas ng loob magsuot damit na may litrato niya! Mabuti pa si Rizal, kilala ko, pambansang bayani. Dapat suportahan natin ang mga ganitong "quality products" ng Pilipinas.

    Naks. Pero tama ka. Agree ako diyan, agree.

    Naaawa ako kay Doding Daga. Teka, yan din ba ang Doding Daga na nasa bahay namin? Pareho kasi sila ng pangalan.

    Saturday, 01 July, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    Kawawa naman si dodong daga!!
    HAHAH..

    Saturday, 01 July, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    dodong doding daga! hahaha

    Saturday, 01 July, 2006

     
    Blogger rex said...

    pareho tayo, Friday is blog-hop day for me.. kakapagod nga kung minsan eh. lahat ng comment, rereplyan, lahat ng nag-tag, pasasalamatan, haha!

    Saturday, 01 July, 2006

     
    Blogger -=hg=- said...

    san ba tlga yung teammanila? sa mismong ali mall ba yun?

    Saturday, 01 July, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    si doding daga..

    nice

    hehe

    Saturday, 01 July, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    AHAHAHAAHAH!

    laftrip amputah! sakin, awa ng diyos - walang ngumangatngat ng brief ko. haha. TEAM MANILA, san ba yun? at sino nga ba si che guevarra!!?

    hehe. di ko kilala eeh.

    ayun lang. astig naman si rizal. daming kalaguyo. manyak ata sya eh. kaya sya nasa bag mo - kasi parehas daw kayo. AMF.

    yun lang.

    MARUNONG PALA MAG-SULAT ANG DAGA!!! aba. ayos yun ha. :D tuturuan ko nga yung mga palaka samin na magsulat din.

    http://utakgago.blogspot.com dumaan ako at nag-comment!

    Saturday, 01 July, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    ahuhu iboto niyo ako sa blogger of the week

    Saturday, 01 July, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    buti naman at nabili mo narin yang sling bag na yan!

    w00tness ka talaga! la lang... hehe.

    Saturday, 01 July, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    dati ipis ngaun daga! baka sa sunod butiki nmn ah?!

    Sunday, 02 July, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • MALAGU?
  • Pagod
  • Nakanangtuts Longkatuts!
  • Eng-eng english...
  • Panaginip at basaan, sa english... wet dreams... a...
  • Kurimaw in the haws!
  • Tourist
  • si Ate Pablo at ang Highschool Girls
  • lang magawa sa buhey.
  • Happy Monthsary
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.