Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Wednesday, June 21, 2006

    si Ate Pablo at ang Highschool Girls

    Hindi nanaman ako nalate ngeyung araw. Nagbabagong buhay na talaga ako, kahit inumaga na ako ng tulog kagabi, dahil sa mga kachat kong "nagpapaka-emo". Masarap talagang makinig sa mga problema ng ibang tao, lalo na't may maipapayo ka sakanila. Hindi ko na sasabihin kung sino ang nakachat ko kagabi, hindi ko na din ikikwento dahil ako'y nagbitaw ng pangako na walang nagyari kagabi...

    Wala namang magandang nangyari sa eskwela, umuwi na agad ako dahil "excited" ako bumili ng bagong bag, nilulumot na kasi ang dati ko, aba! kolehiyo na yata ako, dapat kahit papano umasenso na ang bag ko! Baka isipin niyo na metrosexual ako dahil pinag-uusapan natin ang mga bag pero ayus lang dahil halos tatlong taon na din yata ako hindi nakabili ng bag.

    Dumating ang aking kaklase na gusto din bumili ng bag at mga damit sa Teammanila, nagkita kami sa "Jollibee" ng Alimall. 1PM palamang iyon, at pagkakaalam ko 3 pa magbubukas ang Teammanila sa Cubao. Kaya "nagbonding" kami ng tatlong oras sa Jollibee, kwentuhan lang naman iyon ng mga bagay-bagay, napansin ko din na pinagtitinginan na kami ng mga Manager at Waiter pero hindi naman namin ito ininda dahil ang kostumer ay laging tama. Medyo nahihiya na din kami kaya bumili na din siya ng "Batch 2" ng aming kainan. Onti lang naman ang aming nakain, dahil nagtitipid kami, wala naman kasi kaming pera dahil mga estudyante pa lamang kami. Umalis na kami sa Jolibee ng alas tres, at naglakad lakad kami sa mall na iyon. May kakatwang nagyari sakin sa loob ng mall. May mga "Highschool girls" na lumapit saakin, habang ako'y naglalakad. "Kuya, ipinapatanong ng friend ko ung name mo? pwede po makipagkilala?" Sabi ng isa. Ngumiti lamang ako, ayokong maging "rude" pero talagang hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kakilala, uu may itsura naman sila pero talagang hindi ako nakikipag-usap sa "strangers". Mapapatunayan iyan ng aking kasama, hindi ako pumatol! ahihihi.

    Lumabas na kami sa Alimall at naglakad papuntang Teammanila. Nag text na saakin minsan ang teammanila, sabi nila na "open" daw sila sa araw na iyon at pumunta ako, sabi din sa text na 5pm ako pumunta para sure, Pablo talaga ang pangalan ng tindahan, kaya ang pangalan na ipinangalan ko sa nag text ay Pablo. Siyempre eksayted kami, 3 kami pumunta, wala pa, sarado, kaya umupo lang kami sa umiilaw na upuan na nakalagay sa labas ng Pablo. Dumating ang nagtitinda ng bandang alas kwatro... at laking gulat ko babae pala si Pablo, hindi ko maisip dahil buong palagay ko na lalaki si Pablo, babae pala!... nag-aral daw siya sa U.S.T. at tamang tama naka uniporme ako nun. Pero sinabi din niya na wala daw silang bag sa teammanila, kaya ako'y nalungkot, angsayasaya naman ng aking kasama dahil may susuotin na siya araw-araw para sa UP niyang mahal. Bumili siya ng mga tshirt nga teammanila, naasar ako, hindi ko naman kasi kailangan ng tshirt dahil may uniporme naman ako... pero ayus lang... sabi ni ate Pablo, na itetext nalang daw niya ako kung may dumating galing sa teammanila. Napaka-astig ng "store" nila, kung ikaw ay mahilig sa art, ito ay nirvana. Umalis kami at pumunta sa kanya kanyang bahay.

    -----------------------------------------------------------------------------


    Ikinwento ko kay Meme ang karanasan ko sa babaeng nakasagupa ko sa Alimall, at ito ang script:

    Heneroso: Meme, kanina may nakipagkilala saking mga hayskool na nakauniporme ng light blue.

    Meme: HA! anu naman ginawa mo!!!

    Heneroso: nginitian ko...

    Meme: Anukabanaman! Mga pokpok un! ganyan ang modus operandi ngayon!kunwari mga naka uniporme! pero hindi! nako anak! wag kapapatol sa mga ganun! baka mamaya minomotel mo na yun!

    Heneroso: ...

    Meme: Alam mo ba yang tatay mo! nako! habulin yan ng mga ganyan! Kinwento niya saakin minsan na may mga pokpok sa mga malls na nagkukunwaring bata! Talagang natakot siya nun eh! Hindi na siya dumadaan dun ngayon... at isa pa, sindikato yang mga yan! ang binigiktima mga mukang malamya! Ikaw naman kasi pagnaglalakad ka para kang nanlalambot, kurkubado ka pa! STRAIGHT BODY!

    Heneroso: Meme, nakita mo na ba ako maglakad sa UST? Mala Zanjoe ako maglakad!

    Meme: Aba'y dapat lang!

    ...Sa puntong ito sumingit ang aking ate:

    ATE: DApat kasi naninigarilyo ka habang naglalakad! Tapos pag naglalakad ka, hahagok ka ng plema sabay dura! Yun macho yun! Tapos dapat nagkakamot ka rin ng pwet.

    Heneroso: ...osige bukas try ko...

    ...Ito ang pang-araw-araw na usapan sa aming mumunting bahay, walang dapat seryosohin...ganun talaga itsura ko kapag naglalakad ako kahit saan eh, muka akong innocente, ewan ko ba kaya ako lagi napagsasamanthalahan eh....hihihi



    ---------------------------------------------------------------------------------


    16 Comments:

    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    woot!

    langya rens! habulin ka talaga! kala ko ba may "goal" ka?! ahihihi! pagkakataon na yun! NYahahaha! Joke!

    dapat sumunod ka talaga sa ate mo! dahil yung dinescribe nya ang epitome ng isang machong lalake! (hehehe!) dapat sobrang lapot at dilaw ang idadahak mo... dahil kapag laway lang... ay naku... laos ka!

    wa! so kaya ka pala bising bisi kagabi sa chat... may "emo" ka ka chat din... ahehehe! dumadami talaga emo ngayun!

    woot!

    Wednesday, 21 June, 2006

     
    Anonymous cars said...

    haha. nakakatuwa naman ang conversation mo. naaaliw ako sa nanay mo! haha XD STRAIGHT BODY! =))

    Wednesday, 21 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    yehey! una ako!

    Wednesday, 21 June, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    Hahahahaha your ate is sooo funny..

    Tapos dapat nagkakamot ka rin ng pwet.

    Ang saya naman. I really read your post, you should be proud of that kasi I rarely read tagalog posts. Ahihihi..

    So hindi ka talaga nakabili ng bag? Sayang naman ang tagal tagal mo pa naman dun say place..

    HENEROGO! Bwahahaha..

    Wednesday, 21 June, 2006

     
    Blogger aahhhron said...

    Ang cute, para kayong family sitcom. Haha salamat nga pala sa kinuwento mo. Medyo nabadtrip nga lang ako. Syet. Haha

    Wednesday, 21 June, 2006

     
    Blogger aahhhron said...

    Ang cute, para kayong family sitcom. Haha salamat nga pala sa kinuwento mo. Medyo nabadtrip nga lang ako. Syet. Haha

    Wednesday, 21 June, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    aba araw-araw ka nagpopost ha!

    di naman ako smoker, pero i try.. (ang labo?) hehe pero di ako naninigarilyo sa campus. baka makabawas ito ng pogi points sa aken.

    at baka mawala na saken si jeng at carla. :-< hay.

    HAHAHAH si beverly at jenny pa. tsk tsk tsk dapat pinatulan mo na yng mga hyskool girls!!

    once may nakipagkilala pa saken sa wendy's, at nagpanggap pa na magkapartner daw kami sa SAGALA. naknampucha di nga ako nagsasagala eh! nanghihingi ng number ko sa cp. binigay ko naman.

    ayun. friends na kami. ang saya no?

    HIHIHI! ang saya! sige yon lang. http://utakgago.blogspot.com

    Wednesday, 21 June, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    hmmm.. modus operandi

    haha

    lagot.. me cellpone at pera ka pa ba? naingit ako a..

    haha

    Wednesday, 21 June, 2006

     
    Blogger rex said...

    haha! wag kang mag-alala, buhay pa ako.. :)

    noong freshie ako, old bag from 4th year high-school pa ang gamit ko. 3rd yr na yata nang bumili ako ng bagong bag.. minsan kasi, sapat na ang pouch bag or file case kapag pumapasok sa mga klase ko. nasa loob rin lang naman kasi ng campus ang apartment ko eh.. :)

    Thursday, 22 June, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    TANGNA HAHAHHAHAHA! SHET KA TALAGA ayus!!! ganun din cnasabe sa akin... lalo na ang STRAIGHT BODY... hahahhaha tawang tawa talaga ako dun hahahha akala ko mom ko lang nagsasabe nun hahahaha at habulin ka pala ng mga pokpok at bakla ha?!?! jowk jowk... akala ko pa naman astig na astig na may mga chix humahabol yun pala pokpok lang... pffft...
    Anu yung TeamManila?

    Thursday, 22 June, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Hahaha!

    Straight body! Haha! Naku po, naalala ko tuloy ang aking nanay. Pati na rin si ate, sa mga hirit niyang tagos hanggang buto. Haha!

    Nakakatawa ka talaga... pwede ka ng clown! Haha!

    Joke.

    Thursday, 22 June, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    hahahaha...galing mangentertain blog mo..heheh.. astig astig.. kala ko naman habulin na talaga eh..heheh..iba pala ang humahabol ;p nakakatawa conversation nio sa bahay..haha naaalala ko pa ang alimall.. pero ano ung teammanila?? and ung pablo..i got lost once again..haha..once hindi ko na naintindihan all the way na un x_x pero natawa parin ako..heheheh..teecee

    Thursday, 22 June, 2006

     
    Anonymous isaiah said...

    hahaha kakatawa naman nanay mo hehehe... edi ibig sabihin nun puno ng ganun ung alimall kasi andami nating nakasalubong diba? hehehe wag ka na magyosi baka mas lalo kang mgamukhang t-bihin hehehe

    Thursday, 22 June, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    hmm... alam ko na kung bat ka dumaan sa blog ko! magpapacomment ka nanaman... :)) hihi... nakakalimutan ko eh.. wahaha.. la lang..

    nakakatuwa naman tong post mo... excited ka bumili ng bag pero wala palang tinda dun.. tapos yung dialog ninyo ng "meme" mo saka ate mo... hehe,,, magkakamot ng pwet?? hehhee... macho pala yung ganun... hehehe... uu nga gawin mo nalang yun.. mas madali kesa sa pagpapataba... kaso pangit tignan matsong walang laman... :))

    Thursday, 22 June, 2006

     
    Anonymous othan said...

    uu nga sang-ayon ako kay seya... wlang maidu2lot n mabuti sau un... mukha k nang sakitin eh.. jowk!... talaga bang kelangan magkamot ng pwet? hehehe... la lng.... ingat sa mga pokpok.... hehehe

    Thursday, 22 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    asa pang manigarilyo ako! wahahah bad un for health

    Thursday, 22 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • lang magawa sa buhey.
  • Happy Monthsary
  • Pepe
  • Ihi at baha
  • Madyik Socks
  • Tinag-tag at Tinomasino
  • Batang Cubao
  • Bukas na lang kita mamahalin...
  • ahihihi, grrrr, ahuhuhu, gegu!
  • Deal or no Deal
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.