Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Sunday, June 18, 2006

    Pepe

    Grabe, ang sarap magpuyat! halos isang linggo din ako hindi nakapagpuyat! mas maganda talaga ang pakiramdam ko pag nag pupuyat ako, pag kumpleto tulog ko parang puyat ako! haaay... gumising ako ngayon ng tanghali, aba! iba ata ang araw ngayon dahil may isiniselebreyt tayong araw, ang araw ni Pepe.

    Siguro nagtatataka kayo kung bakit Pepe o Meme, ang tawag ko sa magulang ko, ewan ko din eh. Ako lang ata ang tumatawag sa magulang nila ng ganyan.

    Ako nga pala ang "#1 fan" ng Renato/Delia fansclub. Ikikwento ko na lamang ang kanilang "Love story"... nagsimula kasi ang lahat nung nagtatrabaho si Delia sa isang bentahan ng "Camera", duon din nagtatarabaho si Renato. Minsan may inaabot si Delia sa isang mataas na kabinet, hindi niya ito maabot. Biglang dumaan ang "Hunk" na si Renato, tinulungan niya ang "damsel in distress". Nang kinukuha na ni Renato ang kahon ng film, medyo na "out of balance" siya at natumba, si Delia naman ang sumalo sa kanya, at duon nag katinginan sila ng malalim, nagkaroon din ng "Slo-mo" effect ang paligid, may mga bumagsak na "petals" ng kung ano-anong bulaklak. Nagkaamuyan sila ng hininga at duon sa puntong iyon, tumigil ang paligid. Afro pa nuon si Renato, at naka "tease" pa ag buhok ni Delia, halos 25 taon na silang nagsasama. Masaya naman sila, nagkaroon sila ng apat ng anak, at nuong pinanganak ang huli, kumpleto na ang Bistokya family.

    Si Pepe na ata ang pinakamaalahaning tatay, grabe, lahat na lang ng gagawin may kasunod na "Baka, mahulog ka diyan", "Baka, madapa ka diyan", "Mag ingat ka!!", "Kaliwa't kanan sa pagtawin". Napaka kabado palagi si Pepe. Nung unang araw ko nga sa UST, siya mismo ang naghatid saakin, eh "mass" nga lang diba? Hindi pa man siya nakaka-upo sa upuan niya sa Oppisina, nagtext na agad ako na nagpapasundo ako dahil wala kaming klase, medyo na "Guilty" pa ako nun. Pero ngayon kabisado ko na naman kung paano umuwi at mag"Commute" kaya't hindi ko na siya ginagambala. Dati, madalas kami "magbonding" tuwing magpapagupit kami sa barbero, pero simula nung nagpakamatay yung barbero namin, hindi na gaano, sa ibang bagay na lamang...

    Talagang huwaran si Pepe... at siyempre si Meme din, "It takes two to tanggo" ika nga... at nag papasalamat ako at nauna ako sa libo libong sperm cells na nag unahan nuong araw...

    At sa lahat ng Amang, nagbabasa dito ngayon, "Happy Father's Day!"



    ----------------------------------------------------------

    ako nga pala ay tinag-tag uli! grrr ni Jhed at ni Beverly!

    Instructions: Remove the blog in the top spot from the following list and bump everyone up one place. Then add your blog to the bottom slot, like so.
    1. Superblessed
    2. In My Pocket
    3. Surreptitious Travels to the Moon and Back
    4. Randomisity
    5. Kalansay sa Baul ni Heneroso

    Next, select five people to tag:

    Rob
    Aaron James
    Aaahron
    Zord
    Juice



    ----------------------------------------------

    BTW! vote nyo naman ako sa Blog of the week.... please! first time ko ho manominate na tungkol sa blog! please po! dito yung link.

    11 Comments:

    Anonymous othan said...

    Yahoo! una ako na magcocomment yez!!! Happy Father's Day sa Pepe mo Rens! hehehe.... ang kyut nmn ng love story ng mga magulang mo... with matching falling petals p tlga ah! Nice one mga nag-uunahang sperm cells ah... hehehe...

    Sunday, 18 June, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    awwwww..naks..ang sweet naman ng love story ng parents mo *blush* nyak..bat ako ang nagblush..hahahaha.. parang pangtelenovela ung effects ah..hahahaha..happy father's day sa dad mo ^^..and ang saya ng bonding nio..close kau..hehe.. sana laging ganun para happy lahat ^^..teecee lagi..yeyyy second ako..hahaa

    Sunday, 18 June, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    happy father's day sa "pepe" mu..! :) may effects pa talaga dun sa lovestory..hehehe... " mas maganda talaga ang pakiramdam ko pag nag pupuyat ako, pag kumpleto tulog ko parang puyat ako " baliktad ka ah?!?!?! hehehe....... napadaan lang... :)

    Sunday, 18 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    hapi fathers' day SAYO rens.. dhl trip ko lang... cge..

    Sunday, 18 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ako? ahahahh la pa ako anak? obaka tinatago niyo lang! ilabas niyo na!

    Sunday, 18 June, 2006

     
    Blogger blueengreen said...

    huwaw naman pampelikula ung love story ha... hehehehehe...
    sayan man nung barbero niyo...
    at dapat ka ngang magpasalamat sa mga sperm cells dahil kung wala sila walang magpapasalamat tungkol sa mga sperm cells ngayon di ba?... nyaahahahaha...
    hapi paders day...sa lahat ng tatay...

    Sunday, 18 June, 2006

     
    Anonymous rudolfzeus said...

    wow... ang lambing na anak

    pero wierd

    meme at pepe

    hehe

    Sunday, 18 June, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Haha! Nakakatuwa naman ang love story ng Meme at Pepe (astig ah!) mo... parang yung napapanood ko sa Love to Love? Hahaha!

    Happy Father's Day sa Pepe mo.. :P

    Monday, 19 June, 2006

     
    Blogger /iambrew said...

    astig ng love story... wahehehe...

    Monday, 19 June, 2006

     
    Anonymous cars said...

    awww. ang shwit naman ng pepe at meme mo. :D :D happy father's day sa dad.. ermm.. pepe mo! haha.. nga pala, binoto na kita. :D

    Monday, 19 June, 2006

     
    Anonymous bea said...

    Nakakatawa naman ang post mo. XD Happy father's day sa iyong Pepe!

    Monday, 19 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Ihi at baha
  • Madyik Socks
  • Tinag-tag at Tinomasino
  • Batang Cubao
  • Bukas na lang kita mamahalin...
  • ahihihi, grrrr, ahuhuhu, gegu!
  • Deal or no Deal
  • Mystery Judge
  • Kumikitang kabuhayan
  • Hindi ako kumakain ng Spam
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.