Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Tuesday, June 06, 2006

    Ninja 101

    Kanina, pumunta ako sa MCS, gaya nga ng sinabi ko sa nakaraan kong "entry" hindi ako magpapakita kanino man sa MCS, dahil ayaw ko magmukhang papansin. Noong 4th yr kasi ako marami ang alumni na bumabalik sa Mater, at ang naiisip ko sakanila, na papansin lang sila. Ngayon naramdaman ko na, ang magmukhang papansin na walang ka efforteffort. Dumating ako sa MCS, itim at pula ang aking damit, may dalang belt bag na puno ng mga armas kung sakaling kailanganin, ninja ako ngayon, pinirmahan ko ang libro ng mga bisita, at pumasok sa loob. Sa gate pa lamang marami na ang estudyante, kaya ako ay naglakad "surreptitiously". Dumaan ako sa likod na gate at may tatlong 4th year na nakakita saakin, dinukot ko ang kanilang mga mata at tinapakan ito katulad ng ginawa ng "The Bride" kay "Elle Driver" sa "Kill Bill vol. 2", nahirapan ako doon sa isa dahil may suot siyang salamin, pero ayus lang. Umakyat ako ng hagdan at may babaeng Nakasalubong saakin, "Hi, kuya Ren....swaaaaaaaah" bago pa man niya mabanggit ang tunog na "S" pinutol ko ang kanyang leeg, sa pamamagitan ng aking "Samurai". Nakapasok na ako sa opisina ng Carmelian, at doon nakita ko ang dalawang Taga-UP. Ginawa namin ang aming kailangang gawin... ang walang katapusang Yearbook...

    Pinikturan ko ng palihim ang 2 taga-UP:




    Hindi ko pinakita ang kanilang mukha dahil baka ma exploit sila. Hihihi... mas mabuti nang pinangiingatan ko ang kanilang katauhan.



    Piniktyuran ko din ang yearbook namin nuong ako'y grade six palamang, nakita nyo naman nawalang ka desedesenyo ang aming yearbook. Pangit pa ako dito... Pero hindi ko rin sinasabi na gwapo na ako ngayon:



    Katulad ng sa kanina, tinakpan ko rin ang kanikanilang mga pangalan at mata, para maprotektahan ang kanilang pagkatao.

    Walang kwenta ang aking "secret entrace" dahil pumunta din kami sa "Canteen" at doon madaming kumakain na estudyante, nararamdaman ko ang kanilang mga titig... Kumain kami sa lugar na kinakainan ko nuong ako'y estudyante palamang... naalala ko tuloy ang Popcorn. Masarap ang popcorn sa aming paaralan. May bago nga palang binibenta sa aming Canteen, parang "rice in a box" pero "home made". Wala na siguro ako magagawa kung mag-isip sila ng masama na pabalikbalik ako sa MCS, wala na ako pakialam sa iniisip nila... Manhid.

    ngayon ay 666...at wala ako pakialam, mabuti sana kung may bumagsak na meteor o lumakad ang mga bangkay para exciting naman ang buhay natin...


    PS: Some scenes are Hyperboles only, not to be taken seriously.

    10 Comments:

    Anonymous Anonymous said...

    subra ganda ng araw mo ah! dami acrivities..

    Tuesday, 06 June, 2006

     
    Blogger LoueLa said...

    asensado na mater my 'rice in a.. stryo' na! hahah!!

    Wednesday, 07 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    hihihi uu nga eh! talaga naman...alam mo pala un siguro pumunta ka dun noh! hihi

    Wednesday, 07 June, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    ang gwapo tlga ni papa ren.. tsk buti navisit ko toh bago mahuli ang lahat.. oi pautograph sa backstage xoxox

    Wednesday, 07 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    hala na? O_o.....hihihi

    Wednesday, 07 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    .. prang ginawa mong crime victims ang mga tao.. hehehe...

    Wednesday, 07 June, 2006

     
    Blogger lucerodelara said...

    ang samurai mo ba ay gawa ni hatori hanzo?! hahaha!!! astig... kill bill vol2!!! hahaha!!! nga pala, bumangon ulit kahapon si paula stuart! :D patay ka!!!

    Wednesday, 07 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    woot! nung nabasa ko yung bandang gitna ng post mo... gusto ko tuloy mag marathon ng kill bill! hehe...

    Wednesday, 07 June, 2006

     
    Blogger blueengreen said...

    tayo'y magkatulad sa pag-iisip ukol sa pagbabalik sa ating paaralan... noon din ay inisip kong nagpapakita lang ang mga nakapagtapos na, upang magyabang sa kanilang mga narating... ngunit hindi pala, tulad lang nila akong nakadarama ng pagka-miss sa aking paaralan...
    at tulad rin ng iyong nabanggit sa mga nakaraang tala... hindi naman ganoon kahalaga kung saang pamantasan tayo magtapos. nasa paraan lang iyan ng pagsisikap mag-aral. mayroon tayong kanya-kanyang daang tinatahak at lunang patutunguhan subalit ang mahlaga ay ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya. whew, matagal-tagal na rin akong hindi nakapagsusulat ng Filipino...

    Wednesday, 07 June, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    hmmmm

    hmmmm

    wala masabi

    madugo rin ba at umuulan ng dugo like the killbill movies? masaya un

    Friday, 09 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Pakwan
  • PBB
  • Taba, kapitan mo ako.
  • Kalmot at kalat
  • Too lazy to function
  • Baha
  • Sex Appeal
  • Pus
  • Gabi ng Lagim
  • "Bistokya" Copyright 2006.
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.