Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Friday, June 09, 2006

    Mystery Judge

    Anong "T" ang maputi, malagkit, mainit-init, at karaniwang lumalabas tuwing umaga? Pero pwede din namang gabi?
    .
    .
    .
    .
    .
    Edi ano pa! kundi Taho! oo, Taho. Masarap ang taho, tuwing umaga dumadaan ang magtataho sa aming lugar. Naging "habit" ko na ang bumili ng taho tuwing umaga, (o ng ate ko kasi tulog pa ako sa oras na iyon, kaya binibili niya ako palagi) Sabi nila nakakkataba daw ito, at siksik sa Protina. At siyempre ako na "nagpapabuff" ay kailangang uminom nito. Pero kaninang umaga, pagkagising ko, walang taho... malungkot ako, parang pakiramdam ko na nanghihina ako, parang may kulang sa araw ko, nakasanayan ko na kasi ito at pabrito ko talaga ito. Ano kaya ang nangyari kay mamang mangtataho... sana bukas ay dumaan siya... miss ko na ang taho.

    Naisip ko tuloy, na balang araw, kapag ako'y yumaman at naging bigatin, gagawin kong "Comercialized" ang taho, siyempre maghahanap din ako ng tao na may alam na preserbahin ang taho. Ieeksport ko ito, at papangalanang "Heneroso's Taho" Siyempre, sariling atin ang produktong ito(o sa pagkakaalam ko), at madaming bibiling mga OFW/OCW dito dahil miss na nila dito sa Pilipinas. Aba'y pwede rin itong bumenta sa ibang lahi dahil ito ay eksotic. Naisip ko tuloy, uli ang aking future, ano kaya ang mangyayari saakin... successful kaya ako? Magkaka-anak kaya ako balang araw? Magkakaasawa kaya ako? o isang "bachelor" habang buhay? Nampucha ano ba itong iniisip ko! Grrr... Sabi nila sa internet daw, 75% are ugly. Aba!! Hindi ako makakapayag! ibig sabihin ba nun ay 25% lang kami, unfair yun! hihihi, Joke lang. Ako nga yata ang lider ng 75% na yun... kaya walang pumapatol saakin. Pero naisip ko na hindi "safe" ang paghahanap ng "mate" sa "internet". Marami kasi manloloko dito. Marami ang "poser" pero baka malay natin, baka isa sa mga bumabasa nito ang aking mapapangasawa... kaya ito ang aking "Rubrics" para sa aking mapapangasawa.

    • Kabaitan.......................15%
    • Kagandahan...................10%
    • Katalinuhan...................15%
    • Body..............................10%
    • Low Maintenance...........10%
    • Audience Impact............10%
    • Popularity........................5%
    • X factor..........................25%
    --------------------------------------------
    100%

    Ieeksplain ko girls:

    Kabaitan. Sino ba naman ayaw sa mabait na syota! Pero, minsan gusto ko rin ung "bad girls" hihi. Gusto ko kasi na kaya niya ako "I-tame". Basta ung sobrang bait.

    Kagandahan. Aba'y siyempre pangit akong bata, kailangan ko ng opposite. hihihi... joke lang. Siyempre ung maipagmamalaki ko ang mukha, lahat naman tayo gusto maganda ang syota. Pero ayus lang na hindi kagandahan, may Adobe naman eh.

    Katalinuhan. Hindi naman ako ganun katalino, pero gusto ko talaga matatalino. Ung kahit mag-usap lang kami, madami ako malalaman, atsaka gusto ko rin ang babaing mahilig magbasa, or mahilig mag sulat. Basta gusto ko, hindi siya nauubusan ng "sensible stories"

    Body. Kahit hindi katangkaran. Wala ako "height requirements". Wala din ako "weight requirement". Pag mataba ka, edi "huggable" pag payat naman, edi "stretchable" hihi joke lang... payat din kasi ako.

    Low maintenance. Ayoko ng babaeng bilmoko. Siguro pag mayaman na ako. Pero ngayon wag muna ah!

    Audience Impact. Gusto ko magaling makisama sa tao. At siyempre malakas ang "impact" sa "Greatest Audience" ang aking pamilya. Gusto ko, maging proud sila at maayos napili ko.

    Popularity. Wala lang, wala na kasi ako malagay sa "criteria". Maganda kasi kung maganda ang iyong reputasyon sa ibang tao. "Popular in a good way" ika nga.

    X Factor. Mataas ito, 25% ang gusto ko kasi, hindi ko alam kung bakit mahal ko ang isang tao, pag nawala kasi ang katangian na hinahanap ko sa kanya, mawawala din ung rason kung bakt ko siya minahal, kaya gusto ko misteryo yung 25% na yun, para hindi mawala. hihihi...korny ko talaga oh....


    Kaya Girls! submit your resume now... hihi joke lang... isa lang ito sa mga post ko dahil wala akong magawa sa buhay ko...wag niyo nalang seryosohin...

    P.S. Hindi ito ang aking prayoriti, dahil mag eermitanyo ako ng isang taon sa UST, para tumaas ang aking "Grades"

    19 Comments:

    Blogger aahhhron said...

    Haha, mag-eermitanyo. Haha

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Haha!

    Taho sa umaga at taho sa gabi? Nakaka-buff ba iyon? Problema ko rin ang aking "kakulangan sa timbang" (para hindi masakit pakinggan).

    Talaga namang may criteria pa sa girls ha... good luck... sa girl? Haha! Joke.

    Sisiw lang ang USTe. (Yah right...)

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger blueengreen said...

    teka lang anu pa bang t... ang pede?... di naman pedeng green ung sgot dun ah... o masyado lang talaga akong green na iniisip ko may green kahit wla naman...
    export ng taho.. tingin ko meron nang ganun.. check ko lang....ah... meron na nga sa ibang bansa...
    akalain mo nga naman o.. 25% lang pala tau... wahahahahahah... ang feeling .... hahahahahaha

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger LoueLa said...

    naman oh. dinescribe mo pa talaga ako. hihihi!!!!

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    talaga naman louela!

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger icarus_05 said...

    Astigin... sige lang, hanap lang ng hanap... ahihihi... Naks, louela... nasau na lahat...

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    taho! uy pag gising ko umaga laging may nakahandang taho sa lamesa namin. binibili un ng aking mommy.

    Audience Impact << ahihihi... pers taym ko lang nakita ko. ahhi...

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Anonymous jed said...

    every morning, i do kape+pandesal. hehehe

    sa rubric, walang family yearly income? hahaha, joke lang. ang kulet naman nung audience impact, lols.

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    nakakagago naman ang post na ito. mag-eermitanyo ka sa uste! galingan mo ha..

    pag mataba, huggable. pag payat - stretchable. nakakatawa!!

    taho. hindi ko masyadong type ang taho kapag walang - arnibal! wala lang, masarap siya eh. tsaka ayoko ng may sago!

    oo. siksik nga sa protina.

    may mga commercialized na na taho, pero mas masarap pa rin ang naglalako sa kalye tuwing umaga!!!

    yun lang! http://utakgago.blogspot.com

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Anonymous bulitas said...

    tamang ma-protina ang taho,
    pero sa tingin ko kailangan mong uminomng galon-galong taho para mag-buff ang iyong katawan.
    hehe.
    tama si kevin, me mga commercialized na na taho kaso di pumatok kasi di masarap pagkaka-manufacture.
    mnadali ata masira yung soya kaya ganun.
    ewan.
    kakaaliw tong post na 'to.
    hehe.

    sa mga babae, di kailangan magmadali.
    may darating at darating na para sa'yo.
    ganito na lang isipin mo, kung sila mahal at madame auring nga me mga lablayps, ikaw pa kaya?
    isa pa, bata ka pa kaya okei lang yan.
    apir!

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    waw!!! at nakarubrics narin pala ang paghahanap ng babae ngayun..!! haha.. ngayun ko lang nalaman may criteria pa!! hehehe tas may audience impact pa!!!... wahhaa.. kakatawa naman tong post mo.. sige! pagpatuloy ang pagpapabuff...! :))

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger psyche said...

    hahhaah :) naisip ko toothpaste :) hehehehe anyway, ok rin ung criteria mo sa girls. :)

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    hmmm

    mahihirapan ka nyan tol.. hehe

    pero

    hmmm

    wala lng

    wala ako magawa..

    ang kulit nung rubrics...

    at taho. hmmm... parang gusto ko un a... hmmm

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    too much taho is bad for your health.. once a week is ok but not everyday..

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    weh totoo ba un?

    Saturday, 10 June, 2006

     
    Blogger sky said...

    aba aba aba! pamilya din namin mahilig sa taho. in fact every morning d nawawala yan sa bahay. MR. T nga tawag namin sa kanya eh! at lagi ko rin cya cnasabihan ng "Mr. T, ang sarap talaga ng T mo ummm!" tawa naman cya, ewan ko ba wala naman nakakatawa sa cnabi ko dba?! =)

    naku! malay natin ako pla yung mapapangasawa mo! hahaha

    Sunday, 11 June, 2006

     
    Blogger lucerodelara said...

    hahaha! aliw... yeap... tama ka bulitas... meron ngang commercialized taho, ufo ung pangalan... uncle finns sOya... hahaha!!! meron nun sa mga mall ang alam ko...

    hai... aliw ako... at may audience impact pa tlgah! clap clap clap!

    Sunday, 11 June, 2006

     
    Anonymous othan said...

    waw nmn rens... magpapakaermitanyo k s uste? gudlak syo! i'll be rooting for you! mmmm...taho... if ever gagawa k ng taho business gus2 ko ung 'taho in can'... wahehe la lng....

    Sunday, 11 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    wahahaha.. post with most comments as of this time a..
    wla lang..
    cge.. kaya mo yan...

    Sunday, 11 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Kumikitang kabuhayan
  • Hindi ako kumakain ng Spam
  • Ninja 101
  • Pakwan
  • PBB
  • Taba, kapitan mo ako.
  • Kalmot at kalat
  • Too lazy to function
  • Baha
  • Sex Appeal
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.