Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Thursday, June 01, 2006

    Kalmot at kalat

    Malamig na tuwing umaga, patapos na ang summer dito sa Pilipinas, June 1 na. Gumising ako ng mas maaga sa itinakda kong alarm sa aking Cellphone. Nagluluha ang aking kaliwang mata, ewan ko kung bakit. Kahit na antok pa rin ako, kahit na ipikit ko ang aking mga mata, hindi ako makatulog, kung ano anong mga alalahanin, problema, at pantasya ang aking naiisip. Tumunog ang alarm clock it pinindot ko ang "Snooze" kahit ako'y gising sa aking ulirat. Masakit ang aking ulo, dulot ng ilang araw na pagpupuyat sa YM, at paggawa ng walang katapusang yearbook. Naisip ko tuloy na wag nalamang pumunta sa School para gumawa at tumulong pero naghimagsik ang aking katawan at ako'y bumangon. Kumain. Naligo.

    Lumabas ako ng banyo ng nakatishirt at boxer briefs lamang, wala naman ako pakialam dahil ate ko at ang aking pamangkin lamang ang nasa bahay, pero may iba palang tao... ang karpinterong, pero hindi ko na pinansin dahil siguro ay "busy siya sa pagpukpok ng kung ano ano sa kusina. Dumeretso ako sa aking kwarto at may napansin akong kakatwa sa aking hita. Eto:



    Isang Kalmot? Ano ito? ano ba ang ginawa ko kagabi? "Wala naman...siguro ito.." Sabi ko at hindi ko na ito pinansin... Dinala ko ang Digicam dahil may pipikturan kami para sa yearbook, at humayo na nga ako sa School. Pagsakay ko ng dyip, may napansin ako, may lilimang tao sa kanan, at walang nakaupo sa kaliwang bahagi ng upuan, kaya dito ako umupo. Naisip ko kasi na kapag may mangyaring masama sa aming biyahe, lahat sila patay at ako lamang ang "survivor"(Pero baka kabaliktarad.) May Iilang taong bumaba at sumakay sa dyip, lahat sila umupo sa kanang bahagi. "Bakit ayaw niyo ko tabihan!!! Hindi naman ako holdaper, maayos naman ang aking porma!" sigaw ko sa aking isip. Bumaba ako sa aking destinasyon at ininspeksyon ko ang aking sarili, wala namang dumi o kung ano sa aking katawan o damit, inamoy ko rin ang sarili ko at amoy bagong ligo, bakit nga kaya walang umuupo sa kaliwang bahagi ng dyip? Hanggang ngayo'y misteryo ang sagot.

    Dahil dala ko ang Digicam, piniktyuran ko na rin ang opisina ng "The carmelian" kung saan namin ginagawa ang Yearbook. Hindi ko rin napiktyuran ang ibang taga-UP kong katrabaho, masyado silang mailap sa kamera. Baka sa susunod na araw, ilalagay ko ang picture ng pakikipaglaban ko sa mga taga-up, pero ngayon dalawang litrato wont hurt.


    Ito ang "Corner" ng opisina, andyan ang mga nakaraang yearbook na gawa ng ibang batch.


    Ito ang kalat ng aking kinakain sa loob ng opisina. Ginawa kong "place mat" ang "The Carmelian(ang official newspaper ng MCS) na pinaghirapang ng staff. hihihi

    ..Umuwi ako sa bahay, at nagpalit ng damit. Tinatago ko ang kalmot sa aking hita kasi baka isipin ng mga tao dito na ako'y nakipaglampungan sa isang nangangalmot na babae.

    ... osige hanggang dito nalamang marami pa kasi ako gagawin...

    6 Comments:

    Anonymous deanne said...

    wirdo ..! hmff.. lagi nalang! hahahaha! =p

    Friday, 02 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    ... pinakita mo nmn ang 'the best' parts ng office...
    well,, that's lyf.. cge.. im off hunting some person...

    Friday, 02 June, 2006

     
    Blogger rex said...

    haha! nakakaintriga nman bakit ayaw ka nila tabihan, hehe.. :)

    Saturday, 03 June, 2006

     
    Blogger kreng said...

    hehe,,,nku rens nag iimprove ang blog ahh gud lak haha patingin nmn nung frames na ngwa mu... hehe cge kita kits sa ofis..teka..punta k pb?!

    Saturday, 03 June, 2006

     
    Blogger psyche said...

    hahaha ayaw ka nilang tabihan! ehehe :)

    Saturday, 03 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ewan ko ba kung bakit ayaw nila ako tabihan... ahuhuhuhu

    Saturday, 03 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Too lazy to function
  • Baha
  • Sex Appeal
  • Pus
  • Gabi ng Lagim
  • "Bistokya" Copyright 2006.
  • Smurfually Transmited Disease.
  • Pagod sa pakikipaglaban sa ipis, boxer, em-shi-esh...
  • Hay,,,3days na pala!!
  • Uhh..umm... Sikreto
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.