Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Friday, June 16, 2006

    Ihi at baha

    Medyo may kamalasan ako ngayong umaga. Bago kasi ako umalis ng bahay, uminom ako ng tubig, kaya buong biyahe, naiihi ako! Medyo mabilis na ang drive ni Pepe, nagdesisyon pa nga sila ni Meme na ihatid na ako mismo sa UST at hindi sa Philcoa, karaniwan kasi akong bumababa duon, para sumakay ng FX na quiapo, pero ngayon sabi nila mas magiging madali daw ako makakarating sa UST kung ihahatid nalamang nila ako.

    Trapik talaga sa may Espanya, kaya't nag "shortcut" si Pepe sa Dapitan, sobrang trapik din dito. Dalawang oras at kalahati ko nang pinipigil ang aking ihi, at habang tumatagal, lalong sumasakit ang aking pantog. Hindi ko na talaga mapigil ito, nag tingin ako sa paligid ligid, grabe, hindi ako pwede umihi sa pader. Wala din ako makitang "Urinal" dahil nasa Maynila ako. Kaya nakagawa ako ng isang desperadong taktika. May bote kasi na walang laman, kaya't... basta, alam niyo na siguro ang sunod kong ginawa... huwag niyo nalang itanong kung saan ko nilagay ang bote ng "Gatorade"

    Dumating ako ng 8:00 sa UST, sabi ng propesor na hindi daw ako "late", natuwa naman ako, pero madali itong nabura ng sabihin niyang "you're absent"... haaay.. nag research pa naman ako sa subject niya! Paano na ito! ang aking pag eermitanyo! ahuhuhuh Pero dapat sa susunod, aagahan ko na talaga, sa Monday, UST! HUMANDA KA AKO ANG MAGBUBUKAS NG GATE MOo.!!

    Anyhoo... Umuwi ako ngeyun mag-isa, wala nanaman ako kasama... gusto ko sana yayain mag-dota ang aking NFF pero nahiya ako... at isa pa, hindi ko alam kung saan ang magandang Dotahan sa UST. Kung may nakaka-alam, sabihin niyo naman saakin, para maging masmalakas ang "Bonding" ng 1LM1...

    17 Comments:

    Anonymous cars said...

    haha. bote ng gatorade XD may dilaw pa naman ata na gatorade! lol!

    you're not late.. you're absent.

    O_O

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    hahaha! kapag naiihi ako sa byahe hinid ako makaupo ng ayos. ahehehe.

    late?! sus ko! unang linggo late agad1 pangit na simula!

    ahehehe!peace!

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    sa gatorade pa... amp hahaha... ako pag naiihe sa biyahe pinipigil ko talaga ... di pa naman umaabot na kaylangan kong mag bote.. eh kase dito naman meron banyo... dyan ehhh limited? hehe

    peace tayu!

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Blogger j.0.d said...

    hindi pa ko nalate. hehe. or naihi sa byahe. un lng.

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    wahaha... hindi ka nga late...absent naman!!! wahaha.. anu ba yan.. umpisa pa lang ng taon.. hihi... buti hayskul palang ako!!!... wala lang.. wala na ko maisip icomment.... ayan na ha! hindi na talaga bluff... :)

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Anonymous othan said...

    grabe... umihi k tlga sa bote? cguro tlgang puputok n ang pantog mo kaya nagawa mo un... literally... Late k s first week ng class? I mean absent... Kelangan bawiin mo ang iyong reputation heneroso! hehehe... gudluk sau!

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Anonymous aaronjames said...

    haha. asan na kaya ang pobreng bote ng gatorade. haha

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    hahahahaha.. katawa mo naman post mo..heheheh..nahirapan lang ako mejo magbasa coz lalim ng tagalog..haha..awww absent ka..tsk tsk..uu next time bawi ka nalang and kaw na talga magbukas ng gate,..hahaha

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    uu eh... puputok na talaga...... pagkaihi ko nga isang oras pa uli ako nag hintay nun eh!

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Blogger Jigs said...

    LOL! LOL! Nakakatawa naman! When nature calls, you have to answer! hehe!

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Blogger rex said...

    hihi! in fairness, so far, hindi pa ako humantong sa ganyan na tulad ng Gatorade mo, hehe..

    'you're not late.. you're absent'.. <--bwahaha! at may konting sense of humor with a tinge of sarcasm pa ang prof mo hehe..

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    hay... gatorade.. that is so innovative rens.. hehehe

    hay.. may absent kna dhl late.. ok lang yan...
    hala panu ako.. may absent dhl sa cutting noooooooooooooooooo!!! wla lang..

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    nung second year pa ko - amputa araw-araw CUTTING ako! haha, kaya ayun - absent. absent nang absent. pero honor naman. :))

    wakokokk. gatorade. ginawa na nang kuya ko yan! ako hindi ko gagawin, siguro pag napagtripan ko na lang. hindi naman kasi ako maihiin eh.

    ang akala ko - umihi ka sa tubig baha. yuch.

    traffic lagi sa espana. lagi pang baha. asar. :))

    yun lang. wawa ka naman, nag-research ka na't lahat - LATE ka pa rin! HAHAHAHAHA! wawa ka naman, hahahah!!! http://utakgago.blogspot.com

    Saturday, 17 June, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    You're late. Tsk tsk.

    At oo, talagang trapik lagi sa Espanya at Dapitan. Nakaka-asar, buti na lang at nandiyang ang "silver snake" (LRT) para ako'y hindi ma-late.

    Haha! Anyway, kapag naiihi ako sa biyahe, hindi talaga ako mapakali.

    At DOTahan ba kamo? Haha! Sa Dapitan, marami dun. Dun sa i-net shop sa tapat ng gate, dun sa High School Bldg. Nakalimutan ko na ang pangalan. Basta, meron dun. Dun kami dati naglalaro...

    Wooot!

    Sunday, 18 June, 2006

     
    Blogger blueengreen said...

    talagang hindi na napigilan at bote ng gatorade ang napagdisketahan... nyahahahahaha...
    ndi naman masyadong bumabaha sa dapitan (taga-Dapitan ako), minsan lang naman... kesa sa Espana... pero traffic talaga bandang als 7:00 kasi ang raming kotse ng mga taga UST... tas pumapasok sila sa Gate sa may Dapitan... kaya aun... congested nga...
    may dota bind you all... nyahahahaha... pero totoo... may bonding powers ang dota... naging close ako last yir sa mga friends ko dahil sa dota...
    good luck sa pagbubukas mo ng gate ng UST...

    Sunday, 18 June, 2006

     
    Anonymous rudolfzeus said...

    meron sa acific.. sa labasan nga hs...

    kakanan ka.. ung katabi ng green na bldg...

    tapos

    hmmm

    ano p ba?

    hmmm..

    masami dyan...
    ung sinabi ko maganda dun

    pero kung mag papka ermitanyo ka bat ka mag hahanap ng gnyan..

    iihi m n lng uli sa getoreyd ang wiwi mo

    hehe

    hm....

    Sunday, 18 June, 2006

     
    Anonymous isaiah said...

    hahaha kawawa ka naman rens... pero ok na rin un diba at least nawala ang paghihirap na iyong dinadala... hahaha kawawa ka naman naabsent ka pa samin di ka na sasabihan na absent ka eh sa kanila na lang un tas pag naka6 ka na e singko naaa ehehehe

    Monday, 19 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Madyik Socks
  • Tinag-tag at Tinomasino
  • Batang Cubao
  • Bukas na lang kita mamahalin...
  • ahihihi, grrrr, ahuhuhu, gegu!
  • Deal or no Deal
  • Mystery Judge
  • Kumikitang kabuhayan
  • Hindi ako kumakain ng Spam
  • Ninja 101
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.