Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Wednesday, June 07, 2006

    Hindi ako kumakain ng Spam

    Naaasar ako dito sa blogger, bakit kasi may "word verification" pa pag ako'y magpopost! Madami pa naman akong ilalagay pero dahil sa prosesong "Word verification" nawala na lahat. Ang istillo ko kasi sa pagbablog ganito:

    1. Bubuksan ang Blogger.com ng maaga

    2. Pipindutin ang "New post"

    3. Magsusulat ng "random Word"

    4. at ilalagay sa "Drafts"

    5. Babalikan ang "Drafts" kapag ako'y nasa dimensyon ng kaotisikan.

    6. Magsulat at magpublish... mga alas onse ako natatapos.

    ...Pero dahil sa "Word Verification" na tinotopak, nahihirapan na ako. Pinindot ko ang button na may nakadrowing na tandang pananong, lumabas ang "Pop-up", at ito ang nakasulat:

    "Blogger's spam-prevention robots have detected that your blog has characteristics of a spam blog. (What's a spam blog?) Since you're an actual person reading this, your blog is probably not a spam blog. Automated spam detection is inherently fuzzy, and we sincerely apologize for this false positive.

    Before we can turn off mandatory word verification on your posts we'll need to have a human review your blog and verify that it is not a spam blog. Please fill out the form below to get a review. "


    Naasar ako, muka ba akong "spammer"? teka ano nga ba ang "Spam Blog"? Sabi ng Blogger:

    "What Are Spam Blogs?"

    "As with many powerful tools, blogging services can be both used and abused. The ease of creating and updating webpages with Blogger has made it particularly prone to a form of behavior known as link spamming. Blogs engaged in this behavior are called spam blogs, and can be recognized by their irrelevant, repetitive, or nonsensical text, along with a large number of links, usually all pointing to a single site. "


    Wala namang mga "large links", "Nonsensical text", "Repetitive posts" dito. Meron lang "Nonsensical Ideas", at siyempre "Links of good bloggers" ... Naasar lang talaga ako, ilang beses ko na inireport ang problemang ito, pero wala paring nangyayari. Ako'y nawalan ng gana sa serbisyo ng Blogger.com... Pero ano ang magagawa ko... May naisip tuloy ako, "Bumili kaya ako ng sarili kong "Domain" at "Host"... pero masyado akong baguhan sa ganito, at baka masayang lang ang pera ko sa pambili nito. Pero gumawa ako ng "wager" sa sarili ko, Kapag umabot ng 3000 ang aking "hits" sa loob ng dalawang buwan, bibili ako, mukang imposible?? Ika nga sa isang paham, "Nothing is imposible, just mathematically improbable"...

    At nawala na ang ideya na dapat kong isulat dito para sa araw na ito, para kasing tubig na sinalok sa mga kamay ang aking utak, tumutulo. Grrr, kanina nga pala napanuod koang "Deal or no deal" ni Kris Aquino, namangha ako dahil kabisado niya ang pangalan ng lahat ng mga babae sa show na iyon, eh humigit kumulang na 30-50 iyon...Yuong ibang tao nga diyan kahit pangalan lang ng asawa nakakalimutan pa... hihihi...


    P.S. Naalala ko na ang naisip ko... Pero sa susunod ko nalamang ilalahad.

    15 Comments:

    Anonymous anonymousse said...

    hmm.. ganon ba ka hassle ang pagveverify ng word?? la lang..

    Thursday, 08 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    uu nakakaasar talaga......

    Thursday, 08 June, 2006

     
    Blogger blueengreen said...

    pareho tau... nabwibwiset rin ako sa blogger... kagabi halos dalawang oras di gumagana ung syt nila.. nung isang gabi rin... dulot kaya ito ng napakaraming users?... o sadyang pumapalpak lang sila...
    may mga libre namang webhosting services... maganda ung sa bravenet... kc user-friendly... naiisip ko na ring lumipat... kaya lang parang may pumipigil sa kin... ewan ko kung ano... siguro un ung takot ko na ring baka kaunti lang ang bumisita... kc website na un e... ibig sabihin mas mabusising paggawa ang kailangan at mas maraming features, e ang mga blogger... ang gusto lang kadalasan ay magbasa.... isa pa, di pa naman ganun kakumplikado ang buhay ko...

    Thursday, 08 June, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    Idol! gawan mo ko ng blog gaya ng sayo.. salamat!

    Thursday, 08 June, 2006

     
    Blogger psyche said...

    nakuuuu. anyway, this is what i know kaya they're asking yung word verification. kasi ung spam blog, or spammer means na baka machine ka or automatic na blogger. meron kasing mga programmer na gumagawa nito and nasisira yung system nila pag mashadong madami gumagawa nito thats why they ask for word verification. :) yun lang.

    Thursday, 08 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    eh kaya nga ako naasar eh... nde naman ako machine... tao din ako nasasaktan! ahihihi nyay!

    Thursday, 08 June, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    wahihihi... kawawa ka naman.. mukha ka ng spammer hihihi.. hehehe... joke lang... kabago bago palang ng blog mo eh.. may ganyan ganyan na agad..hehehe... pupunta ka nanaman ng iskul... mukha ka ng pampam nyan hehe joke lang..,, :)

    Thursday, 08 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    huy! idol! try mo sa notepad muna mag type tapos ipaste mo nalang sa editor. at ipublish. hehe. ;)

    Thursday, 08 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    uu nga noh....hihi

    Thursday, 08 June, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Naiintindihan kita jan, brader.

    Naasar din ako sa *putakteng* word verification na iyan. Oo, spammer ako, pero sa mga forums lang, hindi sa blog ko. Haha!

    Minsan nga i-pupublish ko na lang, kailangan pang maglagay ng WV. Asar. Hassle talaga.

    O, at napapanood ko rin yung Deal or No Deal. Haha! Oo nga, kabisado lahat ni Kris Aquino ang pangalan nung "26 Ks (or case)". Haha! Aliw...

    Nakita ko nga pala ang link mo kay Edgar-tot. Wala lang. At UST ka rin pala. Kapwa Tomasino! (BS PT ako, pero stop muna ako. Sa October na lang tayo magkakasalubong sa catwalk.)

    Yun lang...
    http://thesleepinggiant.blogspot.com

    Friday, 09 June, 2006

     
    Anonymous louie said...

    tagalog kase ang blog mo kaya siguro napagkakamalang spam...

    yeah, nakakabilib si kris! woah! alam nya lahat ang mga pangalan! napaisip nga ako kung nanghuhula lang siya but it looks like na alam nya talaga ang mga pangalan nung mga babae...

    Friday, 09 June, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    kabisado ni kris

    kasi isa n syang game show queen

    sanay n sanay n gna sa sasabihin nya on air e..

    hmmm

    ang spam ay pag kain.. maalat un diba

    Friday, 09 June, 2006

     
    Blogger lucerodelara said...

    hai... baka naman mamya ay may nagcomment na sa iyo ng spam message (hindi ito kaisa! hihihi!) kea may ganung mga lumalabas na messages... sana maaus na...

    si kris aquino?! ewn ko kung kabisado niya... basta for me, hindi siya efficient host ng deal or no deal... kng wla lang sigurong working commitments sa government ay mas nakikita kong effective si edu manzano... dont u think?!

    Friday, 09 June, 2006

     
    Anonymous othan said...

    may tanong ako bat pinangalan na spam ang spam?

    Friday, 09 June, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    Have you ever called for some dough, szybki kredyt forum still solely don’t are right up until fast cash? Them will happen kredyt bez bik udzielę that will millions of Individuals nationally regular. Something is available and also you want pożyczka bez bik some cash, but your verify isn’t deposited nevertheless. If only kredyt bez bik there was clearly methods to kredyt bez bik lukas become an advance payday loan internet, correct?

    Friday, 30 November, 2012

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Ninja 101
  • Pakwan
  • PBB
  • Taba, kapitan mo ako.
  • Kalmot at kalat
  • Too lazy to function
  • Baha
  • Sex Appeal
  • Pus
  • Gabi ng Lagim
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.