Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Monday, June 19, 2006

    Happy Monthsary

    Mahal kong blog,

    Happy Monthsary sa ating dalawa, o ayan going strong ta'yo, marami na din tayong napagdaanan...mga hiatus na pinagsisisihan ko hanggang ngayon, sana mapatawad mo ako. Madalas kitang iniisip, hindi mo lang alam kung gaano kasakit na mawalay ako sa iyo tuwing ako'y papuntang eskwelahan. Pero kailangan ko itong gawin para sa ating kinabukasan, alam mo naman na nag eermitanyo ako duon. Sana maintindihan mo din ang aking tight schedule paminsan-minsan, hindi ko manlamang magawan ng bagong damit ang aking mahal, pero ipinapangako ko, sa lalong madaling panahon. Ngayong isang buwan na tayo, madami akong balak para sayo. Madami na ding saksi sa ating pagmamahalan, "as of now" may roon nang kulang kulang na "1800 visitors", sila ang patunay kung gaano kita kamahal, sana ay mas maging matagal pa ang ating pagsasamahan. May nagrerekwest nga pala na mag english naman tayo paminsan minsan, sila Beverly at Juigy...sige subukan natin minsan, pero wag ka magselos sa kanila, oo maganda sila at matatalino, pero ikaw lang ang mahal ko... ako'y alipin mo kahit hindi batid, aaminin ko minsan ako'y manhid, sana ay iyong naririnig, sa 'yong yakap ako'y nasasabik...Hanggang dito na lamang...tulog na ako...

    Nagmamahal,
    Heneroso Bistokya
    sealed with a kiss*
    -----------------------------------------------------------------------------------------------------

    Salamat sa inyong suporta sa aking blog! pinapangako ko na masmaganda at mas kyut ang mga susunod na topics! sana iboto niyo ako sa blogger of the week! please! Ganito ako magsulat ng "love letter" sana lang ay totoong babae ang binibigyan ko nito.... magparamdam ka na kasi!

    IBOTO NIYO AKO DITO!

    please po... ako'y nakakaisang buwan na... maganda itong regalo sa blog kong mahal. ahihihi.


    ----------------------------------------------------------------------------------

    Kanina nga pala, wala namang nangyaring kakaiba saaakin bukod sa sumakay ako sa MRT at hindi ako nalate, may kumausap din saakin habang ako'y nakatayo doon sabi niya:

    Man: Wow! ambata mo naman, diba sa Manila City hall ka nagtatrabaho?

    Heneroso: Opo, naaccelerate po kasi ako 13 times.

    Man: Grabe, galing mo pala, pwede ko makuha number mo, coffee lang tayo diyan sa "Starbucks"

    Heneroso: Ay madami pa po kasi ako aasikasuhin sa Manila City hall. *Bumaba sa Legarda at tumakbo.*

    ...kung mababasa niya ito, hindi ako nagtatrabaho sa Manila City hall, at lalong hindi ako naaccelerate ng 13 beses... Grabeng kakaiba itong uniporme ko... sa Manila City Hall pala...ahihihi... Nakatanggap nanaman ako ng "indecent proposal"



    DISCLAIMER: Juigy and Beverly... sorry kung ginamit ko name niyo promise mag eenglish ako "one of this days"

    19 Comments:

    Anonymous cars said...

    aww! happy monthsary sa inyo! XD haha.. at sana manalo ka sa blogger of the week para may mauwi ka sa knya! lol!

    Monday, 19 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    yeah! pls do vote for meh! whahh

    Monday, 19 June, 2006

     
    Anonymous jed said...

    ang sweet niyo naman ng blog mo. lols :D

    Monday, 19 June, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    yes.. isang buwan ka na pala at nang pinakamamahal mong blog.... sana tumagal pa!! ... :D... hihi.. sana rin manalo ka sa blogger of the week... hehe.. nung bumoto ako.. 2 lang yung lamang mu...

    Monday, 19 June, 2006

     
    Anonymous isaiah said...

    haaaayyy and i thought ur not one of them wahahaha joke... gets mo ba ko? feeling ko hindi eh anyway add nyo ko sa friendster ehhehe la lang... seya_see@yahoo.com.sg.. go UP!

    Monday, 19 June, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    henerogo natuwa talaga ako sa post mong ito.

    this is the first time i read FULLY through your post. hahah happy monthsary to you and your blog!

    may balak ako gawin kang daily. my very first full filipino daily. oh diba?

    cge goodluck sayo at sa blog mo. vote din kita! tekkkeeerr!!

    Monday, 19 June, 2006

     
    Blogger juice is justine said...

    May nagrerekwest nga pala na mag english naman tayo paminsan minsan, sila Beverly at Juigy...sige subukan natin minsan, pero wag ka magselos sa kanila, oo maganda sila at matatalino, pero ikaw lang ang mahal ko... ako'y alipin mo kahit hindi batid, aaminin ko minsan ako'y manhid, sana ay iyong naririnig, sa 'yong yakap ako'y nasasabik...

    hahaha salamat, salamat :D

    Monday, 19 June, 2006

     
    Anonymous isaiah said...

    o musta naman kau ni abi? ay aila na pala hahaha pinagpalit mo na ba sya sa blog mo? hehehehehe

    Monday, 19 June, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    hi lang.. dadaan..

    commetn comment lang..

    kami malapit n rin amg 1 month ng blog ko.. pero parang nanlalamig say sakin e.. tulungan nyo namn na mag init sya ulit

    Monday, 19 June, 2006

     
    Blogger aahhhron said...

    Man ba talaga yun? Hahaha

    Riding the MRT's fun. Ako I have all sorts of people looking at me, lalo na when I wore my hawaiian shirt. Umuulan ata nun. hahaha

    So kung natuloy pala ako sa UST, para rin akong taga-Manila City Hall? Haha lols

    Monday, 19 June, 2006

     
    Blogger aahhhron said...

    Saw Abi este Aila kanina, hahaha

    Monday, 19 June, 2006

     
    Blogger Jhed said...

    Haha! Happy Monthsary sa iyo at sa iyong blog. Sana'y umabot kayo ng inyong golden anniversary.

    Naks! Iba ka talaga... may indecent proposals ka pa. Haha!

    Sige. Woot!

    Tuesday, 20 June, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    Grrr... I feel bad for your partner Heneroso... she or he w/e u call ur blog must be desparate to leave you... di lang sya makapag salita WAHHAHAHAHAHAHHAHAHAAH JOWK JOWK... kakaasar... masungit daw? nyahhh at buti nga sayu! wahahahha jowk... mamaya ka na....

    Tuesday, 20 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    hay.. wla lang.. cge...

    Tuesday, 20 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    Rens,

    Napaka sweet mo palang tao lalo na sa gelpren mong blog. sana'y magtagal ang pagsasama ninyo kahit na hinahabol habol ka ng mga vadaf sa MRT... haha!

    kachat kita ngayon! ampness ka!

    Tuesday, 20 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    woot! oist rens tnx nga pala! alam mo na... ;))

    Tuesday, 20 June, 2006

     
    Blogger fllnngl1225 said...

    RENSS!!! hahaha..happy monthsary sa inyo ng blog mo^^ hehehe..

    salamat at iyong tutuparin ang iyong pangako (haha!! lalim nan!! hehe)

    ingatz ka palagi ah..bubuto ulit kita^^ muahz

    Wednesday, 21 June, 2006

     
    Anonymous othan said...

    hehehe...waw monthsary nyo na pla! waw congrats nmn! hehehe...sana manalo ka sa blogger of the week!

    Wednesday, 21 June, 2006

     
    Anonymous anonymous commenter said...

    hehehe.... nakita daw ni aaahhhron c abi oh! hehehe

    Wednesday, 21 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Pepe
  • Ihi at baha
  • Madyik Socks
  • Tinag-tag at Tinomasino
  • Batang Cubao
  • Bukas na lang kita mamahalin...
  • ahihihi, grrrr, ahuhuhu, gegu!
  • Deal or no Deal
  • Mystery Judge
  • Kumikitang kabuhayan
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.