Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Monday, June 12, 2006

    Bukas na lang kita mamahalin...

    Bukas na magsisimula ang aking kalbaryo, ang paglaban sa temptasyon, at pag aaral ng mabuti. Maaga ako magigising bukas dahil 7 ang simula ng klase. Medyo nag-aalinlangan pa nga ako pumasok dahil may tsismis na kumakalat na "mass" lang daw bukas. Nag-aalangan din akong isuot ang uniporme dahil baka sabihin na "excited" ako masyado, pero wala ako pakialam, "excited naman talaga ako

    Pinikturan ko rin pala ang aking uniporme. Muka itong kostyum ng mga taong nilalagay sa kabaong.

    ...ahihihi... dahil nga excited ako, nakalagay lang yan diyan sa kama ng buong araw. Lalo ako magmumukang bangkay diyan sa barong naming uniporme, mabuti pa ang mga taga-UP, walang uniporme, pwede isuot ang nais. Pero kahit papano, pwede ko sabihin sakanila na "We are required to wear this, you chose to wear that" ...ahihi peace tayo ah! mga friends ko diyan sa UP...ahihihi matatalino naman kayo eh.

    Naasar ako dahil kagabi may langgam na kumagat sa aking kanang tenga. Namumula ito at mas malaki sa kanang tenga! Paano na ito...



    Wala ako masyado maisip ngayon eh, pero bukas ikikwento ko ang nangyari sa aking "First day high". Hanggang dito nalamang muna, tulog ako maaga.



    P.S. Sa mga taga UST na nakabasa nito na alam ang mangyayari bukas... ano ba talaga gagawin bukas? May mass ba? klase na ba? orientation? ano na? kontakin ninyo ako please.

    -------------------------------------------

    Nakalimutan ko na "Independence day" pala ngayon eh ano... malaya pa ba talaga tayo? ahihihi ikeee nasyonalistik!

    16 Comments:

    Blogger LoueLa said...

    im sure bagay sau uniform niu. (!) hihihi!! gudlak sa 1st day..!!! ^_^

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    uu naman! model ako eh kahit ano talaga bagay! whahaha joke lang

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    ahihihihi! excited ang mokong!

    grabe ha! parang kasal! masaya talaga ang 1st day! hindi ko makakalimutan ang 1st day ko sa college!

    :D

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    grabe ka! alas sais mo na nang gabi naalala na independence day ngayon!

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger Living Doll said...

    ang kulit!oo nga..sasabak na rin ako sa gera! :)_

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger aahhhron said...

    "Naasar ako dahil kagabi may langgam na kumagat sa aking kanang tenga. Namumula ito at mas malaki sa kanang tenga! Paano na ito..."

    Naguluhan ako. Haha

    Ayon sa aking "friend" na taga-UST din, mass daw.

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ahihihi namamaga kasi tenga ko eh.... pano na yan bukas!

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger blueengreen said...

    sabi naman sa akin nung kebigan ko sa uste... orientation raw... at lahat sila hindi aattend...
    "i chose to wear this, you chose to wear that"... hindi ko choice... choice ng magulang ko... ahihihihi... hala nahahawa na ako sa yo...ahihihihihihi

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    ayus lang yan uniporme... excited ka na talaga ah? nasa kama na... hehe kase dude uniform ko dto ganyan den but with either vest, sweater, etc... basta hehe gusto mo pa ba piktyur? wag na....

    Monday, 12 June, 2006

     
    Anonymous arvin said...

    at commerce ka pala.. commerce nga ba o AB?

    since incoming first year ka pala.. punta ka sa mass. joke :D pero mababato ka lang pramiz! sana mabasa mo ito para hindi ka na pumasok.. university mass lang tom. wala ng iba pa.

    okey lang isuot ang uniform nde ka magmumukhang stranger..

    tungkol sa mga taga-UP. - no comment.

    cge plus na sa kanila, matalino naman eh.

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    isa kang freshy

    kaya mag mass at amg orientation ka..

    kami

    hmmm

    patambay tambay lang..

    haha

    matatnda na kami sa uste

    haha

    Monday, 12 June, 2006

     
    Anonymous fllnngl said...

    nice uniform, nakahilata na sa kama..hehehe.. obvious na excited ka na ah..ehehe..pero ang ironic, yaw mo pumasok kasi mass lang? hehe..sige sige po..link din po kita, ausin ko lang muna un..hehe..teecee lagi ^^

    Tuesday, 13 June, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    huwaw! yehes! college na!..wahahaha.. kuya ko ust..di na pumasok.. la lang wahaha..

    Tuesday, 13 June, 2006

     
    Anonymous thian said...

    kamusta naman un kapawa tomasino pala tau!

    Tuesday, 13 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    hehehe... hay.. prang anlaki ng uniporme nyun pra syo...


    tungkol sa mga taga-UST. - no comment.
    paganti lang,, cge!!

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Anonymous othan said...

    wahehe... i choose to wear blah blah k png nlalaman ah! hehe.... kamusta nmn ang ulan nung 1st day? wla bng namuong lag....wag n nga since uste dominated 2ng blog mo... i won't say anything... ahehe mahirap na... peace tyu!

    nagkapantal ako sa mukha nung 1st day.... grrr... at least ikaw tenga lng.... hay

    Wednesday, 14 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • ahihihi, grrrr, ahuhuhu, gegu!
  • Deal or no Deal
  • Mystery Judge
  • Kumikitang kabuhayan
  • Hindi ako kumakain ng Spam
  • Ninja 101
  • Pakwan
  • PBB
  • Taba, kapitan mo ako.
  • Kalmot at kalat
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.