Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Tuesday, June 13, 2006

    Batang Cubao

    Ahihihi...this is the moment! Gumising ako ng maagang maaga para lamang makahabol sa 7 o clock na schedule ko, siyempre "excited" ako! Dumating ako sa Ust mga alas sais! talaga namang excited si Heneroso! Kumakabog talaga dibdib ko! Namumubrlema ako sa aking building dahil hindi ko alam kung nasaan ito. Buti nalamang ay nakita ko si Yssabelle at Roxxane na Nag aaral dati sa MCS. Naging "Feeling Close" ako sakanila, kahit na hindi naman talaga. Si Yssabelle kasi kaklase ko noong first year at may pinagsamahan din. Sa Education siya, samanthalang si Roxxane o RX, ay kabuilding ko. Si RX kasi dati lagi ko inaasar, medyo "bully" kasi ako noong araw. Pero ngayon bait baitan ako sakanya dahil alam niya kung saan ang building namin. Pero nung nakita ko na ang "building" humiwalay na ako sa kanya.

    Nang nasa klassroom na ako, sinabi ng gwardiya na wala daw pasok! Hay naku naman! bwiset talaga! Mass lang daw ngayon! edi pumunta akong Mcdonalds para kitain ang aking mga dating kaklase sa MCS. Sinundo na ako ni Pepe, isang tawag ko lang, grabe isa talaga syang ulirang ama. Binaba niya ako sa Cubao, ang aking "Home Base".

    Isa na akong batang Cubao, simula kasi ngayon, dito na ako palagi pagkatapos ng klase ko sa UST. Nag libot-libot ako, naalala ko na kailangan ko pa pala bumili ng "School Suplies" dahil wala ako kahit ni isa, uunahin ko na ang "Bag". Nag-isip ako kung saan pwede bumili nito, at saan pa ba maganda bumili ng bag na "Hip" at mura kundi sa Teammanila! Naalala ko na magaganda ang kanilang mga messenger bags at pinoy na pinoy talaga. Nilakad ko papuntang "Marikina Shoe Expo" pero laking hinayang ko dahil sarado sila! "Wednesday-Friday" pala ang bukas nila! haaay bukas nalang uli. Tinahak ko naman ang landas papuntang "National Bookstore" para bumili ng "Ballpen" at "notebook" Nakakaasar dahil may isang lalaking nagtanong saakin ng "San ang notebook dito??" ang tono niya para siyang boss! Naasar ako, naalala ko na nakasuot ako ng uniporme ng UST, na mukhang barong! hay nako! Inaway ko ang mamang nakasuot ng "Basketball Jersey" na nakasulat "Taulava" sa likod. Sabi ko, "Hoy! Anong akala mo saakin! Hanapin mo sa Pwet ko! gegu!" ayan ang eksacto kong sinabi! Namutla sa pangamba ang lalaking nakajersey, umalis nang nanliliit, buti nalamang ay walang tao na nakakita saamin. Noong babayaran ko na ang aking pinamili, nakita ko ulit siya, tumahimik na siya ng nakayuko!!

    Sa macdonalds ng Alimall ako nag "lunch" at nag "take-out" ng "Sprite float", iniinom ko ito habang naglalakad! ang sarap! Nang ako'y papunta na sa opisina ni Meme, Nakasalubong ulit ako ng kakatwang tao, isang bakla na nagtitinda ng saging at mansanas sa palengke. Sabi niya sakin, "Ang sarap naman niyan!, pwede ka tikman?" Ako'y hiniklabutan sa takot, patuloy lang ako naglakad hindi nilingon ang baklang palingkero. Kinabahan ako. Buti nalamang ay naabot ko ang opis ni Meme ng buong-buo.


    ... pasensya na at nagmamadali ako, sa lahat ng bumisita at komento, bibisitahin ko rin ang inyong blog sa lalong madaling panahon, napaka "Busy" kasi ngayon. Bukas ay ilalahad ko ang aking magagandang eksperyensa sa aking mga kaklase.







    --------------------------
    PS: para kay Juicy at kironobu-kun, bukas ko nalamang sasagutin ang inyong tag! ahihihi

    12 Comments:

    Blogger aahhhron said...

    "Ang sarap naman niyan!, pwede ka tikman?"

    Nakakatakot. Nangyari na sa akin yan. Parang manlalapa yung bading. hahaha

    Tuesday, 13 June, 2006

     
    Blogger Kiro said...

    errrrr......... bakit di ka errr nevermind.... no comment....

    anu ba yung sprite float?? hehe weird...

    Tuesday, 13 June, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    wenk wenk.

    una sa lahat. ang weird mo. ni ako, alam ko na MASS lang muna ang UST eh. engerkz.

    pangalawa. saan yung teammanila? wakeke, di ko lam eh!

    ayun lang. wala naman akong masabi sa post mo. binasa ko namang buo. HAHA weird. sige. http://utakgago.blogspot.com

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Blogger blueengreen said...

    ang malas ng araw mo... hahaha... sayangug excitement mo nung previous post... sana naman ngaun, masuklian ung excitement na un... second day na... hahahaha
    grabe... ang tindi mo namang pagtanungan... minumura mo ung nagtanong... hahaha... buti hindi ako ung minura mo... kundi, magkakasagutan tayo... hahaha
    hahahaha... habulin ka rin pala... habulin ng mga bading... hahaha... ako rin, ewan ko kung anong sumpa ang meron sa akin, habulin ako ng mga bading at mga katulong... nyhahahahaha...

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    hi. i've been reading your posts since this june. you're really funny. incoming freshman din ako sa ust. AB din ako pero comm arts. same building parin. i'll look for you since you've posted your pictures here(previous posts) pero i won't introduce myself. bwahahahaha! thanks rin pala sa pag-post ng pic ng uniform. di kasi ako sure kung tama ung style kasi pinatahi ko lang yung akin sa ibang modista. =)

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Anonymous nikkayeshi said...

    ano b nman yang adventures moh..nakakapanghilakbot ung bading!! tikman k daw b? haha miss ko n tong blog mo! haha

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Anonymous nikkayeshi said...

    ano b nman yang adventures moh..nakakapanghilakbot ung bading!! tikman k daw b? haha miss ko n tong blog mo! haha

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    oy! anonymous! stalker ka ba? ahihii joke lang

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    wahaha.. grabe yan ah!! excited ka pa man din!! mass lang pala... ahihihi... sayang!... :D :p

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Blogger -=hg=- said...

    wahahaha... mass nga lang....

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    ok lang yan.. kht na mass lang.. may 12 yrs of training ka ng misa ryt..?

    Yssabelle at Roxxane?? hehehe rily..

    cge.. cge..
    ayan.. dhl hindi ka tambay ng market.. hindi mo pa naranasan ma ganyan ng mga bading hehehe...

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    oi! naganyan na ako sa market! sabi pa nga......


    "Ang tangkad mu naman" ung dun sa may smile salon un eh! wahahah

    Thursday, 15 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Bukas na lang kita mamahalin...
  • ahihihi, grrrr, ahuhuhu, gegu!
  • Deal or no Deal
  • Mystery Judge
  • Kumikitang kabuhayan
  • Hindi ako kumakain ng Spam
  • Ninja 101
  • Pakwan
  • PBB
  • Taba, kapitan mo ako.
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.