Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Sunday, June 11, 2006

    ahihihi, grrrr, ahuhuhu, gegu!

    Naaasar ako. Hindi ko mapigilan ang galit ko. Sa pangalawang pagkakataon, naunsyame nanaman ang paggawa ko ng "layout". Pero hindi dapat ako "magpastress" dahil dalawang tulog na lamang ay pasukan na... siguro naman, kung kayo'y nagbabasa palagi sa aking mumunting blog, ay alam niyo na dalawa ang aking pakay sa pagsabak sa kakatwang misyon na ito, una ang pagiging ermitanyo, at pangalawa ay paghahanap ng "bulaklak" (hihihi...ikii, personification.) Kaya nga iniingatan ko ang aking mukha dahil ito ang isa sa mga puhunan ko. Sabi nila, napaka "oxymoronic" ng aking misyon, at mahirap daw ito gawin, pero papatunayan ko sa inyo na nagkakamali ang iilan, at magtatagumpay ako...


    Bumalik na nga pala si mangtataho, natikman ko na uli ang kanyang mamuti-muti, malagkit-lagkit, at mamasa-masang T...as in Taho. Medyo tumabang ito, namomroblema siguro siya dahil wala na siya pambili ng arnibal. Kanina din ang ulam namin ay may Tokwa, akalain ninyo na Tokwa pala ang "main ingredient" ng taho!! Napag-isip ko tuloy na kung pagsasama-samahin ang lahat ng tokwa simula nung kumain ako nito, ay makaka ukit na ako ng estatwa ni "Lady Liberty" sa aking tae..


    Kanina din, napagtanto ko... napaka boring ng aking buhay. Lagi nalang ako gumagawa ng kwento, kasi naman tuwing "summer vacation" naubos na ang pwede gawin... Nalinis ko na nga itong kompyuter eh... sa sobrang wala akong magawa sa aking "wretched life" nilinis ko nalang ang kompyuter, kahit papano may nagawa ako. Pero hindi ko naman talaga dapat lilinisin ito kung hindi ako inutusan eh. Naririnig ko sa ibang babae, na gusto daw nila sa isang lalaki ay may "initiative". Ewan ko ba pero mas gusto ko, inuutusan ako, mas gusto ko kasi na kung sakaling magkamali ako, hindi masusumbat saakin na nag mamarunong ako dahil inutos nga lang. Kaya ako, wala ako "initiative" at mas gusto inuutusan. Ewan ko, nakakakuha ako ng "Pleasure" pag inuutus-utusan... Pero hindi ung inaalipin ah. Inuutusan, alam ninyo na yun, yung bang may ginagawa ka para sa mahal mo sa buhay. Nakanangtoots! hihihi Napag usapan nalang din ang nakanangtoots, ituturo ko nalang aking mga ekpresyon tuwing ako'y nakikipag "chat", kaya huwag kayo magulat kung makachat ninyo ako at hindi ninyo alam ang pinagsasabi ko:

    • Nakanangtoots - pangungutya, dahil kakornihan ang pinagsasabi.
    • ahihihihi, wahahaha, wahihihi, wahuhu, ahuhu, - mga ekpresyon ng pagtawa at pagkalungkot, madalas ito makita sa una at huli ng aking sasabihin. Kung mapapansin ninyo sa aking "keyboard" pudpod na ang letrang "A" ,"I","H"
    • ikee - pangungutya, dahi kinikilig sa bagong loveteam o tungkol sa lovelife. Ginagamit sa lahat ng klase ng pang-aasar sa chat
    • gegu - pinakyut na gago, masyado kasi brutal ang GAGO, kaya gegu nalang para mas kyut.
    • subra, uu atbp. - pinapalitan ko ang "O" ng "U" para mas lalo ako maging kyut sa chat.
    • Grr - nag papahiwatig ng matinding pagka-asar o pagkagalit.
    • haaay- walang magawa sa buhay, ibig sabihin nito na "magkwento ka naman"
    • musta - pag nakita ninyo ito, ibig sabihin na ako nga ang kausap ninyo. Sana lang pag kinamusta ko kayo, kamustahin ninyo din ako. Mas gusto ko yun.
    • Eto - ang karaniwang sinasagot ko kapagkinakamusta ako.
    Medyo kakaiba ako sa chat, ewan ko ba... mabilis ako magtype na sunod sunod mag send. Ayaw ko ng matagal mag reply dahil may naiisip akong masama... baka narerape na ang kachat ko o pinapatay, basta't sana mag reply kayo ng mabilis. Napakakulit ko sa chat, kesa sa personal na buhay, pag nakita ninyo ako sa personal, malalaman ninyo na napaka tahimik ko.


    Bukas nga pala, ay araw ng kalayaan, naka 108 taon na simula ng lumaya ang Pilipinas ngunit hindi parin nagbabago ang mga Pilipino:

    minsan tuloy naiisip ko ito...

    ..at pag-uusapan na rin lang ang post secret...

    hihihi...la lang

    12 Comments:

    Blogger icarus_05 said...

    Nakey! Tahimik! Wahihihihi... Nga pala, nagustuhan ni kuya ang blog moh! post ka pa daw ng mga nakakatawa... more power!!

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    haha!

    hindi ko pa nakikita yung nakanangtoots at subra. yung ikee... nakakaloko, lalo na yung gegu! at yung grrr... palasak na yan kapag kachat kita, parang everyother send may grrrr ka. haha! yung haaay, parang one time ko palang nakita seyo. yung musta oo sawa na ko. at lalo naman yung ETO! ang haba ng reply ko tapos kapag tinanong ang isasagot 'eto'.

    oo kaiba ka talaga sa chat.

    awwww! in lab si idol! ayaw pa kasi sabihin kay classmate! ahehehehe!

    ang tagal mo naman palitan yung layout mo... kala ko ba alas dos???

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger sky said...

    kelangan talaga mag pa-cute sa chat! =) actually, ako din pacute sa chat. ahihi..

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    anong classmate? ano yun? hala?

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger utakgago said...

    uh-huh. as usual, puro kaGEGUhan ang post mo. tarantado tong si NEIL! hahaha.

    at ayos ang tae mo ha, may itsura pa! san ka pa!

    oo. tokwa galing ang taho. kaya pansin mo, maputi rin ang tokwa. wakekekek! nakakagago pala ang mga expression mo!

    inlab ka daw sabi ni rob? ikee! inlab si NEIL! wakekeke!!

    comment nga! http://utakgago.blogspot.com

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger aka ZORD said...

    hmmmm...

    taeng hugis status of liberty

    nice

    hmm

    yey pasukan na..

    about sa mga expressions mo. aba malay ko dyan.. d pa kita nakakchat.. hehe

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger cars said...

    haha.. aliw mga expressions mo. :)) ahihi. lol! pacute sa chat. hahaha!!

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger -=hg=- said...

    mukha ngang makulit ka sa chat kasi kahit dito sa post most makulit ka na eh...

    well wala tayong magagawa kung pasukan na!!!!

    hay naku naman!

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger Rob a.k.a Bim said...

    @Gener: waahhh! kunwari hindi alam! yun ba? ikeeeeeee! ;))

    Monday, 12 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ansarap yukusin muka mo rob! nakakaasar ka! hihii wootwootin ko mukha mu eh! whahihi

    Monday, 12 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    .. NEIL!? NEIL!? wtf?? tlga lang ha! hehehe
    hay generoso.. ewan..
    wla,, nagpopost lang ng comment.. dhl pinanindigan ko to.. hehehe...

    Wednesday, 14 June, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    nga pla.. yung 'nyay' pa.. twing nagchchat ka.. lol..

    Wednesday, 14 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Deal or no Deal
  • Mystery Judge
  • Kumikitang kabuhayan
  • Hindi ako kumakain ng Spam
  • Ninja 101
  • Pakwan
  • PBB
  • Taba, kapitan mo ako.
  • Kalmot at kalat
  • Too lazy to function
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.