Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Wednesday, May 24, 2006

    Smurfually Transmited Disease.

    Gumising ako kaninang umaga, nang parehong oras katulad ng kahapon, babalik muli ako sa MCS para ituloy ang naudlot na Yearbook...wala ako masyado magawa dahil wala naman ang Artistic Director, kaya ako'y nakatunganga lamang sa kawalan. May mga taong pumunta din at walang ginawa, kaya okey lang naman siguro. Binuklat ko ang mga nakaraang yearbook, madami akong nakilalang pamilyar na muka, maraming nakasulat sa kanilang mga "achievements". Nakaka-inggit. Minsan masarap tumingin ng yearbook at pagkwentuhan ang mga taong nanduon. Napunta nanaman ang aming usapan sa aming mga skool, napagtulungan nanaman ako, napunta pa ang aming pagtatalo sa kulay ng yearbook, kung ito ay "maroon" oh "dilaw". Paborito ko naman talaga ang maroon at ayaw ko naman talaga sa dilaw, kaya okey lamang na gamitin nila ang maroon, wala rin naman nangyari sa aming pagtatalo at ang ginamit ay ang kulay na Asul...hindi dahil gusto namin sa Ateneo, malamig lang talaga sa mata ang blue.

    Wala naman nangyari sa buhay ko ngayon, umuwi ako sa bahay at binawi lahat ang tulog na inagaw sa akin ng aking "tight schedule". May napaginipan ako, nakatapak ako ng tae, at hindi ako nagulat, bigla ko raw ito nilagay sa isang bayong. Hindi ko alam kung ano ang ibig ipahiwatig nito.

    Gumising ako, marami pa pala ako gagawin. Nais ko kasi matutunan ang isang program dito sa aking Pc na may pangalang, 3d autodesk. Komplikado. Mahirap. Nakakabobo. Gusto ko itong matutunan dahil gusto ko lang, gusto ko kasi makagawa ng isang 3d girlfriend. Suko na kasi ako sa paghahanap. Paggusto mo, ayaw ka o friends lang, pag-ayaw mo naman, gusto sa'yo...dikit ng dikit, ang tingin, malagkit.

    Haaay...marami pa ako "project" na nakapila. Naramdaman mo na ba na minsan ay gusto mo magpakarami para gawin ang isang bagay? Kailangan ko ito ngayon. Kung ako'y maging mutant katulad ng sa "X-men" yaon siguro ang kapangyarihan ko...pero gusto ko talaga ang kapangyarihan ni Mystique kaya lamang ay muka siyang Smurf. Naalala ko tuloy ang isang pelikula, sabi ng isang bida na isa lang ang babae sa Smurfs... si Smurfette, siya daw ang "resident whore" ng Smurf Village. At dahil doon ayoko maging Smurf, ayoko magka STD...

    Sige hanggang dito nalamang...pag-aaralan ko pa itong 3d Autodesk...

    7 Comments:

    Anonymous Anonymous said...

    "Naramdaman mo na ba na minsan ay gusto mo magpakarami para gawin ang isang bagay?"

    c naruto na lang ang hanapin mo...

    hindi mo man lamang ibinanggit ang ekspedisyon sa cafeteria...

    Thursday, 25 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ay oo nga pala noh!


    mejo wala naman kasi nangyari sa pakikipagsagupaan natin sa gulay ng cafiteria eh! buti nga pinakain tayu! wahahahha...

    Thursday, 25 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    typo...cafeteria

    Thursday, 25 May, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    comment...comment...comment...3d autodesk.... hmmm ...sounds complicated... add more pics!

    Thursday, 25 May, 2006

     
    Anonymous othan said...

    huwawha! habang tumatagal dumadami n ung comments d2 s blog mo! hehe... la lng

    Thursday, 25 May, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    damn.. hindi na ko ang nag iisang anonymous... kaya ito na lang...
    oy.. sabi mo ililink mo yung seniors...

    Thursday, 25 May, 2006

     
    Anonymous shaun filp said...

    anong "resident whore"? ikaw ha, you are corrupting me very much. crush ko pa naman si smurfette!

    Friday, 26 May, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Pagod sa pakikipaglaban sa ipis, boxer, em-shi-esh...
  • Hay,,,3days na pala!!
  • Uhh..umm... Sikreto
  • Isang Storya ng Pakikipaglaban sa Ulan
  • Ako si Heneroso Bistokya
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.