Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Sunday, May 28, 2006

    Pus

    Unti-unti na akong gumigising ng maaga, unti-unti na akong natutulog ng maaga. Kanina nakuha ko na ang pina"duplicate" kong uniform ng UST. Ayus naman, pero hindi gayang gaya. Nagpagupit na rin ako, last last week pa! Diyan sa Bench. Nag-enroll na din ako para sa isang "GYM", mas mahaba mahaba ang outcome nito pero magiging maganda rin ang kalalabasan, di kalaunan. Madami na akong nagawa, bilang preparasyon sa isang malaking hamon. Ang "College's Life". Pero dahil sa pag-eenjoy ko masyado sa summer days, tinagihawat ako. Haaay... pano na ito? kailangan ko ng "Good First Empression" sa schoolmates ko...ano na ang gagawin ko...pano kung doon ko makilala ang aking "love of my life"? Pano kung ang babaeng iyon ay naghihintay lamang na makita ako at ma--"love at first sight"? ...ahuhu ano nalamang ang iisipin niya saakin kung makita niya akong maraming tagiyawat... Pero malay ko naman, na kilala ko na pala ang hinahanap hanap kong yaon...ewan ko, at baka malay mo ikaw??

    Pero bago ang lahat nang yan, nandito ako, nakaharap sa salamin. Hinubad ko ang aking damit. Ako'y naghahanda para sa pagligo, nang makita ko, isang tagiyawat, buhay na buhay siya! May "pus" pa sa loob...Tinanong ko siya... "Ano ba ang problema ninyo? Di ba matagal ko na kayo pinaalis sa aking muka? Kasama ng iyong laksalaksang lahi!!? Ba't ngayo'y nagbabalik? Isa ba itong paghihiganti?" Sinagot ako ng mumunting tagiyawat na may pus, "OO, wala kang awa, binuhusan mo ng nakalalasong agua ang aming tahanan, pinatay mo ang aming mga ninuno, mula ulo hanggang ugat, balikat, siko't singit, binuhusan ng gasolina, at sinilaban. At ngayon, kung kailan nangangailangan ka ng gwapong mukha, kung kailan pwede mong makilala ang iyong "soulmate" kami'y nagbabalik! Wala ka nang magagawa." Pero hindi ako nagpatalo, inangat ko ang aking dalawang kamay. Ang mga daliri inilagay sa posisyon, At sa huling pagkakataon sinabi ko sa tagiyawat, "Hindi kayo magtatagumpay!" At doon din sa pagkakataong iyon, inipit ko siya sa aking hintuturo, tumalsik ang kanyang laman sa salamin at doon namalagi.

    Walang makakapigil sa akin, kahit ano ay aking susuungin, basta't ikaw ay mapasaakin... at ako'y naligo sa tubig na malamig. Presko. Nakakagaan ng pakiramdam. Masarap.

    13 Comments:

    Anonymous deanne said...

    hahaha.. ang corny mo pramis no.1 ka sa kakornihan!! gegu ka pinaginitan mo pa un pimples mo leche.. nilahad mo pa.. hmff.. wag ganon! haha! mukha ka talagang gagu.. =) **kurot sa pisngi!**

    Monday, 29 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    Asus nakukyutan ka nanaman sakin deyan! whahahha, baka huntingin ako ni ano...wahhaha

    Monday, 29 May, 2006

     
    Blogger LoueLa said...

    ...mula ulo hanggang ugat, balikat, siko't singit, binuhusan ng gasolina, at sinilaban.

    ocgii..!! anu nga ulit title non?!

    Monday, 29 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    Ang gabi ni Armando...nakalimutan ko na...wahhaha

    Monday, 29 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    Castro....wahahha

    Monday, 29 May, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    "tagihawat" ehehe.. grabe naman.. ang dami daming pwedeng ikuwento yung tagiyawat pa na may "puss" wahahaha..

    Monday, 29 May, 2006

     
    Anonymous einnor said...

    ang corny mo!!!!!

    Monday, 29 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    Wag KA NA nga einnor!

    Monday, 29 May, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    ... 'puss'??? dba 'pus'?

    hay nko... wla lang...

    Tuesday, 30 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ewan pwede rin ata ang puss...ichineck ko ito sa dictionary.com

    Tuesday, 30 May, 2006

     
    Anonymous isaiah said...

    haha ang korni mo rens.. pati tingin ko mali tlaga ang puss

    Friday, 02 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    ahuhuhu mali ba talaga?? ewan watever

    Friday, 02 June, 2006

     
    Blogger Gener said...

    erratum: pus nga!

    Monday, 05 June, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Gabi ng Lagim
  • "Bistokya" Copyright 2006.
  • Smurfually Transmited Disease.
  • Pagod sa pakikipaglaban sa ipis, boxer, em-shi-esh...
  • Hay,,,3days na pala!!
  • Uhh..umm... Sikreto
  • Isang Storya ng Pakikipaglaban sa Ulan
  • Ako si Heneroso Bistokya
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.