Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Tuesday, May 23, 2006

    Pagod sa pakikipaglaban sa ipis, boxer, em-shi-esh, taga-UP, ulan, atbp...

    Kagabi, umaga na ako natulog, mga 1:30 AM...teka...hindi na pala gabi iyon. Nalilito na ako, pagod kasi ako, madami akong ginawa kanina...

    Ayos lang naman magpuyat kung kaya mo itong bawiin. Pero 7 ng umaga palamang ay "groggy" na ako...hindi lamang dahil ako'y puyat kundi'y nakalimutan ko isuot ang aking retainer, na isinusuot ko tuwing pagtulog sa gabi. Naasar ako, naurong siguro ang aking ngipin, aalis pa naman ako papuntang iskool, at hindi lang yun, kailangan ko itong isuot sa buong araw para mabayaran ang isang gabing walang retainer.

    At iyon na nga, kumain ako at iniligpit ang aking pinagkainan. Tulog pa silang lahat at ako lamang mag-isa, inilagay ko nalamang ang aking pinagkainan sa lababo at papabayaan ko na silang maghugas niyan pagkagising nila. ...ahihih... pero may may nakita ako... isang kakaibang insekto na kahit ako ay hindi alam kung bakit ito ginawa ng Diyos o pano ito nag-"evolve" sa ganitong kakatwang itsura.

    OO, nakakakita ako ng IPIS! Sa una ako ay hiniklabutan at hinitakutan sa diri at pangamba. "Ano ang ginagawa mo dito mumunting hayop?" tanong ko. Siya ay sumagot, "ahuhuhu kagabi pa ako nandito ako ay nalaglag mula sa kisame at hindi ako maka-alpas dahil sa kakaibang istraktura ng lababo. Madulas. Malamig. Nakakatakot. Malungkot. Oh, Heneroso! na aking nasubaybayan simula pagkabata, nakita kitang maligo, tumae, at gumawa ng kung ano-ano sa banyo na tirahan ko. Nakita kitang lumaki at nagbago mula sa mumunting Kirubin patungo sa isang magiting na Serapin! oh, Henerosoooo, Tulungan mo akooo....*fades*

    Ako'y nagbingibingihan, ipinagpatuloy ko ang aking "daily routine" nag toothbrush ako, sa lababo ng pagkabilanggo. Ang bawat dura ng toothpaste ay kanyang naiilagan, ang bawat mumug na aking isinabog ay kanyang naiiwasan, at pagkatapos ko magtoothbrush, kinuha ko ang digicam, at siya ay pinikturan ko. OO, masama ako.



    Ako'y nagpaalam na sa aking kaibigan, at napagtanto ko na kung bakit kaya ginawa ng Diyos, o nag-"evolve" sa kanya nakakasuklam na anyo ang ipis. Tinuturan tayo ng ipis na maging malinis. Sila ang tanda na Madumi na ang ating paligid. Pero ipis...sana ay mapatawad mo ako... Marahil ay ate ko na ang bahala sa'yo...


    -----------------------------------------------------

    At yun na nga...bago tayo maantala ng aking maikling Fable, gumising ako ng maaga dahil kailangan ko pumunta sa skool, tutulungan ko ang aking mga kaibigan sa paggawa ng aming yearbook. Kailangan nila marahil ng aking kakayahan sa Graphic design. Naligo ako at naalala ko...iba pala ang araw na ito...bakit? Dahil ngayon may susubukan akong kakaiba. Simula pagkabata ko...Briefs na ang gamit ko, dito na ako lumaki at nag kaisip, pero ngayon, ang underwear ko...Boxer Briefs na! haaay... Kakaiba ang pakiramdam, mas maluwang ito, malamig. Nuong una, medyo naiilang ako pero di kalaunan maganda pala ang feeling. Pakiramdam ko ako'y isang ibon na malayang lumilipad.***No pun intended**** wahihihi...

    Umalis ako ng bahay, sumakay sa jeep, ang ingay ng makina nito. Hindi ko marinig ang aking sarili at nadagdagan pa ito ng aking parusa sa retainer. Hindi ako marinig ng drayber. Sabi ko, "Sha Emshiesh...Sha Shkoooll..." Hindi nya ako naintindihan. Bente ang binayad ko ngunit 8php lamang ang kanyang sinukli, sabi ko, "Manong, shashkool po sha emshiesh!! GRRR kulang sukli ninyo" pero hindi ko na natanggap ang kulang na 3php, bumaba ako...at pumasok sa shkool.

    Nanduon na nga ako, at ginawa ang aking mga dapat gawin. 4 lamang kami, ako'y nanliliit sakanila. Lahat sila taga-UP, matalino, talentado, Isko sila, ika nga. Pero hindi naman ganuon kahuna ang aking "self-esteem". Patawarin mo ako UST... sinubukan kitang ipagtanggol, ginawa ko ang aking makakaya, pero hindi ito sapat...*I did my best, but my best was'nt good enough*...at natalo ako. Ha'ay.

    Nung uwian na, halos isang oras at kalahati kami nagkwentuhan at naghintay matigil ang ulan...sa pangalawang beses ngayong taon, ako'y nakipaglaban sa ulan, pero ngayon meron akong 3 taga-UP kasama. Natalo namin ito sa pamamagitan ng pagkwentuhan at pag-libang sa mga sarili.

    Hindi pa diyan natapos...ako'y pumasok sa Gym, kailangan ko nang tumaba, at magpabuff, magpalakas ng resistensya, dahil hindi ko alam ang susuungin ko sa UST. At ngayon...habang ako'y nagtatype at umiinom ng protien shake...ako'y inaantok, tulog, lugmok, bangungot...



    Erratum: Lima nga pala kaming nag-ayos ng yearbook, nanduon din si Rowena na taga-UP din. ibig sabihin na 4 ang kalaban ko pero si Rowena ay umalis agad kaya di ko siya napansin.

    13 Comments:

    Blogger LoueLa said...

    sayang sana sinama mo ako sa shkool para nadamayan kita.. este cla pla. go UP! hehe...

    Tuesday, 23 May, 2006

     
    Anonymous othan said...

    waha... ako din dapat nandun! hehe... waw nmn ung ipis parang ang haba ng buhay nya... grabe...ancient...wahehe

    Tuesday, 23 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    grrr....kayong mga taga-UP! purket kami'y mga ipis lamang kumpara sa inyo! wahahah....jok lang un! hmmp!

    Tuesday, 23 May, 2006

     
    Anonymous isaiah said...

    hehe kawawa naman si rens haha barado kasi saming mga taga UP eh haha magbangka ka naman papasok sa skul mo tagulan na eh... nvm

    Tuesday, 23 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    OO sige lang....mag welga nalang kayo at tumakbo kayong hubad! hmmp!

    Tuesday, 23 May, 2006

     
    Anonymous othan said...

    waha...oo nga ano! ung lagoon pla eh d n lng matatagpuan sa up... may s españa n din pla! jokies!

    Tuesday, 23 May, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    ...
    ....
    .....
    well, that's life.. if you can't do anything about it... you can just sit in one corner and cry...
    'til then...

    Tuesday, 23 May, 2006

     
    Anonymous isaiah said...

    di welga un tanga! welga sa trabaho lang hahaha! pati at least kung magoolabtion run ka matetelevise ka hahaha e ikaw pagtumakbo ka ng nakahubad huhuliin ka ng pulis hahaha

    Tuesday, 23 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    hay mga taga-UP talaga!

    Tuesday, 23 May, 2006

     
    Anonymous Anonymous said...

    oi,,kuya rens,,ang kulet ng blog mo..pero to be honest..ang ganda !!!hehe..ang kulet pa nung mga kinekwento mo,,,hehe..enjoy naman dto sa blog mo!!hehe..grabe,,wala ka na pla sa mater..di mo na ko makikita!!!hehe,,di na rn kta makukulet..hehe..yaan mo magkikita pa rin tau!!wahihihi..

    Wednesday, 24 May, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    waaaah! ipis... ehehhe.. nakakausap na pala ang ipis ngayon.. at kaibigan mo pa??! pakilala mo ko!hehehe.. ayan ha matagal mong hinahantay na comment... sige.. hanggang sa susunod na kabanata ng iyong pakikipaglaban... hehehe

    Wednesday, 24 May, 2006

     
    Anonymous nikka said...

    nakakaaliw tlga tong bloggishness mo..i looove the ipis part!! super amusing ha! infairness naawa ako sa ipis nung mg drama to ha..at anu nman yang serapin n yan?! babasahin ko tong bloggishness mo as often as i can! fave ko n toh! o yan ha 500 bucks pra sa papuri! haha! cge bka mabaliw p kow

    Wednesday, 24 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    Ang serapin at kirubin ay mga uri ng angels....Serapin ung malaking angel habang ung Kirubin ung mga baby angels...wahhaha

    Wednesday, 24 May, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Hay,,,3days na pala!!
  • Uhh..umm... Sikreto
  • Isang Storya ng Pakikipaglaban sa Ulan
  • Ako si Heneroso Bistokya
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.