Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Saturday, May 20, 2006

    Isang Storya ng Pakikipaglaban sa Ulan

    Kanina pagkatapos ko maligo, inutusan ako ng ate ko na bumili ng coke, at xempre dahil ako ay isang masunuring bata*wink* bumili agad ako. Malapit lang naman ang tindahan, mga 5 blocks away, ika nga. malapit na ako sa aking paroroonan ng biglang bumagsak ang ulan. Tumakbo ako ng mabilis, mabilis na mabilis, bumili ako ng 1.5 na coke. Sobrang lakas ng ulan. Ayoko naman sumugod dahil kaliligo ko lang at ayoko madumihan uli.

    Doon sa may tindahan, na karaniwang tinatambayan ng mga lasinggero at lasinggera, ay walang laman. Umupo ako duon. Nakatunganga. Matagal. Malamig...malungkot. At dahil nga may sukli pa ako sa aking binili, bumili ako ng limang pisong Muncher at isang small Chippy...(oo cofibean kung mababasa mo ito ako ay isang native orc.)

    Nanduon ako ngumunguya. Walang pakialam sa mga batang naglalampungan sa ulan. Nag iisip ng malalim tungkol sa buhay-buhay.

    Naisip ko kung ako ay may kapangyarihan...Kapangyarihang umilag sa butil ng ulan. Ano kaya ang mangyayari kung ako'y may kakayahang ng sa hunyango...Hay...dinaan ko nalang lahat sa dighay ang aking iniisip at naamoy ko ang Muncher na kinakain ko at amoy ng bagoong na may Karekare na kinain ko kaninang tanghalian. Napaisip uli ako habang binubuksan ang maliit na Chippy, ano kaya ang nangyayari sa bahay, nag-aalala na sila malamang...naisip ko..kung hindi ako makakaalis dito at patuloy ang pag-ulan...dito na ako mammatay...dahil kahit na tindahan iyon wala naman akong sapat na pera pera sa buong buhay ko...ano ang gagawin ko. Nawawalan na ako ng pag-asa. Naisip ko tuloy ang lahat ng ginawa kong kasalanan. Ang aking mga kaaway na hindi ko man lamang napatawad. Ang aking mga kaibigan na hindi ko manlang napasaya. Paubos na ang Chippy. At ubos na din ang aking pag-asa, ng biglang nakita ko sa malayo, isang babae, maputi, mahaba ang buhok, ikaw ba ang tagapagsundo? Hindi....Ate ko pala..may dalang payong, nakangiti.

    Naglakad kami papuntang bahay, dala ang 1.5 na coke at kinwento ko sa kanya ang aking mumunting karanasan.

    Ako'y basa ng kaunti...

    ------------------------------------------------------------


    Kanina dumating ang aking Meme galing sa..uumm..nde ko alam eh.. basta...may dala siyang isang laruan na marahil ay pamilyar sa inyong lahat. ang Rubrics Cube. Ibinaling ko dito ang aking 80% ng attensyon dahil maroon akong katextmate na nanggugulo sa akin ng mga oras na iyon. At pagkatapos ng mga kalahiting oras nabuo ko ang isang side. Un lang...Isa itong "achievement".

    At eto ang aking mga Litrato ng mabuo ko ang isang parte ng Rubrics Cube:



    6 Comments:

    Blogger LoueLa said...

    achievement po. hihi... typo.. ^_^

    Saturday, 20 May, 2006

     
    Anonymous isaiah said...

    hehehe nice job para sa isang article nang pinaghalong style ni lagsh at cofibean... ok na sana ung kwento kaya lang wala naman sigurong naglalampungang mga bata sa ulan diba? hahaha

    Saturday, 20 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    wahahha louela...pinalitan ko na...at seya..uu merong naghaharutan duon. nag kukurutan sila ng singit. pero pareho silang babae...weird na talaga mga kabataan ngayon.

    Saturday, 20 May, 2006

     
    Anonymous Darwin said...

    Uy heneroso bistokya, number one fan ka talaga ni cofibean! Hahaha

    Sunday, 21 May, 2006

     
    Anonymous louie said...

    katuwa naman itong post mo. lol. hehe.

    rubrics cube? it'll take you ages to complete all the six sides! it's almost imposible na mabubo mo ang six sides! nagagawa ko naman na mabuo ang isang side but more than that, mahirap na...

    Sunday, 21 May, 2006

     
    Anonymous Jein said...

    Ang galing ng 'achievement' ah...
    kaya idol eh... la lang po.. have a nice day ^__^

    Monday, 22 May, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • Ako si Heneroso Bistokya
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.