Ako si Generoso Bistokya, isang 17 taong gulang na batang walang magawa sa buhay. Mahilig sa jokes at kung ano-ano pa. Freshmen sa UST sa programang Legal Management. Mag-iwan ka naman ng comments please.

  •    
    HENEROSO. GWAPO. TARANTADO. TALENTADO. MACHO. MAGNIFICO. SIRAULO. MAHIYAIN. REDUNDANT. AMBIGUOUS. REDUNDUNT. POGI. BARBERO. MACHO. HABULIN. PAYATOT. SADISTA. MASOCHISTA. MALIBOG. MATIPID. WIERDO. MAHINA SA SPELLING.

    Saturday, May 27, 2006

    Gabi ng Lagim

    Kanina nagbrownout dito saamin, at siyempre pag walang kuryente wala ding PC...at pag walang PC, wala din akong lakas. Para akong isang halamang binunot sa kanyang lupa, parang limang buwang sanggol na inabort ng ina! Walang laban. Mahina. "Vulnerable".

    Kapag walang kuryente, napipilitan kaming maging "back to basics". Nagkekwentuhan, gumagawa ng aninong hayop sa dilim, gumagawa ng kung ano anong ingay, nagpapakagago...ako dahil nga wala akong magawa, kinuha ko ang camera, at nag piktyur piktyur, eto ang ilan sa mga kagaguhan ko:


    isa ito sa aking paboritong "pose", mukang maangas pero hindi naman talaga ako maangas, at hindi rin siya mukhang maangas, mas muka akong nakalunok ng buto ng Rambutan.


    Medyo iba ang itsura ko dito, parang amputi, dahil yan sa ilaw ng flash.


    Dito kunwari, nagigitara ako, sinet ko kasi ang "timer" ng camera pero hindi ako nafocus, kaya yan.


    Eto, Medyo tinayo ko ang gitara para makita ninyo. Hindi naman talaga ako marunong maggitara, pero pinag-aaralan ko na, ginawa ko lang yan para magmukhang "cool"


    Eto pa ang isang kagaguhan. Unti-unting dumidilim ang paligid.


    Eto...Pakyut ako dito,.. Madilim na.

    At unti-unting dumidilim ang paligid. Sabi nga ni Cynthia Alexander, "It's Getting too dark to play..." Nagsindi ako ng kandila. Pero naalala ko, kakaunti na lamang pala ang aming kandila sa bahay...Ooohh. ano ang mangyayari saamin. Kami ba'y masusukluban ng kadiliman buong buhay? ohh ilaw...kuryenta, sinasamo ko kayo! dinggin mo akooo....Pero walang nangyari, kumain kami ng "dinner by the candle light"...Mahirap kumain, madami akong pamintang nakain. Madaming tinik na nalunok, madaming siling nginuya.

    Pagkatapos kumain, humiga ako, nag muni-muni. Nakipag "bonding" sa pamilya. At ...ngayon...brownout, ako'y naliwanagan. Mas mabuti nga sigurong ganito paminsan-minsan, mas nagkakaroon ako ng oras sa sarili ko...Pinikit ko ang aking mga mata at pagkamulat ko...at bago pa man maubos ang upos ng kandila.....MAY ILAW NA!!!...Pero mas maganda parin talaga pag may kuryente na...


    PS: Hindi dapat brownout ang term na gamitin, kundi "power failure"...Natutunan ko ito sa isang babaeng taga-UP. Pero mas marami sa atin ang gumagamit ng ganitong term, kaya Okey lamang.

    8 Comments:

    Anonymous Anonymous said...

    hahaha! rens mukha kang gagu.. nakakatawa ka naman.. kaw talaga! comedy!! para kang si bob ong magsulat.. yess idol mo un noh!? hmff.. okay lang dahil lahat ng books nia meron ako. hahaha!! =p go rens.. kaya mu yan!! natatawa talaga ko!!

    Sunday, 28 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    alam mo ba na wala pa akong nababasang kahit isang bob ong, ay meron pala, pero hindi ko natapos isang pahina lamang dahil, binasa ko ito habang nag lelecture si T. Magda, eh Hindi ako nakikinig sa kanya, kaya yun. Pero siguro, ako'y ipis lamang ikumpara kay Bob Ong.

    Sunday, 28 May, 2006

     
    Anonymous louie said...

    kung hindi naman formal, okay naman gamitin ang word na 'brownout' kahit 'blackout' pwede.

    got these from dictionary.com

    brown·out
    n. A reduction or cutback in electric power, especially as a result of a shortage, a mechanical failure, or overuse by consumers.

    black·out
    n.Lack of illumination caused by an electrical power failure.

    pero kung formal, 'power failure' ang dapat nating gamitin...

    Sunday, 28 May, 2006

     
    Blogger LoueLa said...

    whatever.
    bsta samin ndi ng'power failure'
    hehe.

    Sunday, 28 May, 2006

     
    Anonymous isaiah said...

    haha kamukha niya si rey victor sa second pic hahaha pero tingin ko kay lagsh ung style ni rens

    Sunday, 28 May, 2006

     
    Anonymous anonymousse said...

    ... bob ong.. tama.. sya yung sinasabi kong parang kapareho mo ng style magsulat... hehehe... hay...... sa'min, wala ngang power failure,, nasira naman ang pc.. huhuhu.. cge...

    Sunday, 28 May, 2006

     
    Blogger Gener said...

    waahhh! wala akong style! kahit ano lang toh!!! ahuhu lagi nalang akong kinokompara! wahahaha. ahuhuh REY VICTOR..yuck! wahahha

    Sunday, 28 May, 2006

     
    Blogger joy-joy said...

    uu nga..para kang si bob ong kung magsulat.. wahaha.. brownout saka power failure..? ehhee.. whatever haha...wala ring 'power failure' sa amin... inulan mu ng pics ah... hehehe.. la lang.. o ayan ha.. hindi na bluff.. :D

    Monday, 29 May, 2006

     

    Post a Comment

    Links to this post:

    Create a Link

    << Home

     
    KAROG
    PostsecretMCS SeniorsChristianLouelajoy-joyDarwinYackety-yackRowjieRowjie 2ShawBoyRexArvinChabsPsycheKringJuiceMikmikIamthebestpolicyRobaaahronRonibatsEdgarBulitasVannyBeaKevinJhedRonSkyTalksmartCarsSassygirlHannahBeverlyZordAaron jamesJodMicoBradDiyosaPaulaJohnjanadadadadaRoseanneJigsAyraxienahMaiTeepseeKeyboardMartyJinjiruksJeniffer
    RinaDonyaQuixoteJustineFrancoAaronKuazeePaurongChino
    NAKARAAN
  • "Bistokya" Copyright 2006.
  • Smurfually Transmited Disease.
  • Pagod sa pakikipaglaban sa ipis, boxer, em-shi-esh...
  • Hay,,,3days na pala!!
  • Uhh..umm... Sikreto
  • Isang Storya ng Pakikipaglaban sa Ulan
  • Ako si Heneroso Bistokya
  •  

  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  •  

    TAG BOARD

     

     
    Oh? ano?
     

     

    Locations of visitors to this page

    PinoyTopBlogs.com

    Powered by Blogger

     

     
     
         
    I created and edited some of the pictures here and used some resources that came from their respective owners. Copyright © 2006 Heneroso Bistokya, Inc. All rights reserved. Patent Pending.