Nang magsabong si Heneroso at UtakGago
Napakasama ng pakiramdam ko ngayun, unang-una kagagaling ko lang kahapon sa aking PE, swimming... naka "8 lapse" din ako kaya sobrang pagod na, subrang itim pa, hindi naman kasi "covered" ang pool, mas masarap daw kasi pag ninanamnam ang init ng araw. Kaya masakit ang kasukasuan ko, at balat ko at nakasinghot pa ako ng tubig kaya masakit ang ilong ko hanggang ngayun, na para bang lalala pa patungong "tonsilitis".
Ngayun naman, masakit ang ipin ko, hindi ko alam kung bakit, pero talagang masakit. May tumutubo ata saakin na pangmatanda lamang, ang "wisdom tooth" Sobrang sakit nito, pero para bang nakakakuha ako ng "pleasure" sa sakit, ang hindi ko lang gusto, ay hindi ako makatulog tuwing gabi. Kaya ngayun habang sinusulat ko ito, nararamdaman ko ang tibok ng aking lalauman, sa sobrang sakit.
Ayus lang iyan, may kakaiba kasi akong karanasan kanina, naisip ko tuloy na napaka liit talaga ng mundo. Kanina habang ako'y naglalakad sa UST, may nakita ako, si UTAKGAGO. Uu, nakita ko siya, nagkatinginan kami, at sinugod niya ako, nilabas niya ang kanyang samurai, at naghamon ng laban, kasama ang kanyang mga "subordinates". Nilabas ko naman ang aking samurai na ginawa pa sa Okinawa, Japan. Grabe ang labanan namin, mala strit payter, at teken at ang venue, sa tapat ng UST Health Service. Nag espadahan kami, matinik na kalaban si Utakgago, may nalalaman pang mga kung ano anong ispesyal teknik. Aba ngayun ko lang napansin na makinis pala itong si Utakgago, nakasuot pa nga siya ng "asul" na polo. Tuloy pa rin ang aming labanan. Tumalsik ang aking Samurai at doon ako'y nakorner sa may bandang "Main Bldg". Lumuhod ako sa harap niya, at tinutok niya ang kanyang Samurai sa aking leeg, pero naging mapaglaro ang tadhana dahil nakapulot ako ng "Red Brick" sa sahig at inihampas ko ito sa kanyang ulo. Ayun, nahimatay siya. Itinali ko siya at itinapon sa malalim na baha ng UST sa may Dapitan...
...Ahihihi, haay, gumana nanaman ang aking imahinasyon. Ganito kasi ang totoong nangyari, kagagaling ko lamang nuon sa "McDonalds" dahil kumain ako. Dumaan ako sa UST health service dahil yun ang pinakamalapit sa opisina ng aking "org". Habang ako'y naglalakad siyempre dapat kahit papano tinitingnan mo ang nasa paligid mo, at doon, sa may kanto ng "UST mall". Una tiningnan ko siya, nakilala ko na agad, ang balak ko kasi, aangasan ko siya, pilit kong pinipigil ang aking ngiti. Hindi ko manlang siya pinansin kahit na alam ko na siya iyon. Umalis na tuloy ako. At iyan ang karanasan ko ngayung araw.



